Gusto pa sana niyang sabihin rito na sya'y buntis ngunit dinaig siya ng takot lalo na't matalim ang mga titig sa kanya ni Ninong Fabian ng mga sandaling iyon. Kaya umiiyak na lang s'ya ng umiiyak na wala nang namutawing salita sa kanyang bibig sa harap nito. Kunot-noong tinitigan s'ya nito habang bitbit nito ang kopitang may lamang wine. " Bakit kaba umiiyak ng ganyan, Luissa? hindi ko naman sinasabi kailan man na nagkagusto ako sa'yo, hindi ba? hindi ka nababagay sa akin. Bata ka pa. Nakita mo naman siguro si Erika hindi ba? ang mga tulad niyang klaseng babae ang para sa akin bilang asawa. At pagtatawanan tayo ng mga kakilala ko kung ang tulad mo ay maging girl friend ko or maging asawa ko. Nakita mo naman siguro na hindi tayo para sa isa't isa, diba? I'm so sorry kung nagawa kong

