Masamà ang kanyang loob rito. Sa unang pagkakataon ay umuwi itong gabing-gabi na. Nagpanggap siyang tulog na tulog na. Naramdaman niyang nagbihis ito at pagkatapos ay tumabi na rin sa kanya sa kama. Hindi naman nito sinabi sa kanya na magabihan ito ngayon sa pag-uwi. Hindi nga niya alam kung saan ito nagpunta. Nang makatabi na ito sa kanya ay agad niyang naamoy rito ang isang mamahaling brand na wine. Nakainom ito? at ang akala pa niya'y yayakap ito sa kanya ngunit hindi na nito ginawa at deretso na itong nakatulog sa kanyang tabi. Mas lalo tuloy siyang naiinis. Nakagawian na kasi nitong bago ito matulog ay yakapin siya nito, pero ngayon ay hindi nito ginawa. Kumilos siya at humarap rito. Pinagmasdan niya itong mabuti kahit lampshade lang ang ilaw ay maaninag parin niya ang hitsura n

