Muling inamoy niya ang kulay pulang nakadikit sa t-shirt nito. Talagang hindi siya nagkamali, lipstick nga iyon! biglang nag-init ang kanyang mukha sa kanyang naamoy at di niya napigilang tumulo ang kanyang luha dahil sa samà ng kanyang loob dahil sa masamang naiisip. Ano pa bang ibig sabihin sa lipstick na nakadikit sa t-shirt nito? kundi wala nang iba, may babaeng kasama si Fabiano noong hindi ito makauwi agad noong nakaraang gabi. Hindi n'ya bigla alam kung anong gagawin. Nasasaktan siya sa naisip na may kasama nga itong babae noong nakaraang gabi. Jusko, ikakasal pa naman sila at pati anak nila ay excited na sa paparating nilang kasal. Paano siya magiging masaya kapag ganitong nagdududa s'yang may babae itong kasama sa nakaraang gabi dahil sa lipstick sa t-shirt nito? masamà ang kany

