"Hi,Pa.."ani Rebecca na humalik sa pisngi ni Facundo ng makasalubong ang mga ito sa may sala.
"Oh hija,Siya nga pala this is Hunter,naikuwento ko siya sayo before..and hunter this is my eldest daughter,Rebecca."
"Oh yes, hi Hunter,nice meeting you."nakangiting wika ni Rebecca.
Ngumiti naman na inilahad ni Hunter ang palad kay Rebecca na malugod naman nitong tinanggap.
"Nice meeting you too,Rebecca."
"Siya ang nabanggit ko na sayo Hunter,my daughter na katulad mo ay workaholic din.."
"Papa,naibenta muna pala ako sa kwento kay Hunter."nangingiting biro nito.
Napangiti lamang si Hunter..napansin niya sa panganay na anak ni Don Facundo ang simpleng ganda nito lalo na kapag ngumingiti ito,wala ito ng anuman bahid ng make-up sa mukha,natural ang ganda nito.
Sa unang tingin pa lamang niya ay mukhang makakasundo sila nito.
"Paano maiwan ko muna kayong dalawa,oras na pala ng pag-inom ko ng gamot,aakyat muna ako sa kuwarto ko,pasenysa kana Hunter hindi na kita maihahatid są labas."
"Okay lang ho Don Facundo."
"Paano ikaw na bahala kay HUnter,HIja.."
"Sige ho,Papa,"pagkuwa'y bumaling ito kay Hunter."Gusto mo bang mag-juice muna?"Nakangiting alok ni Rebecca.
"Kung hindi pa ako nakakaabala sayo.."
"Hindi naman,wala na rin naman akong gagawin."
Mabilis na nakapagpalagayang-loob sina Hunter at Rebecca kahit na nagkakakilala pa lamang ang mga ito..siguro ay dahil hindi nalalayo ang mga edad nito at puro naman related sa trabaho ang pinag-uusapan kaya madaling nawala ang pagkailangan są isa't isa..at nagagawa ng magbiro ng isa't isa na akala mo ay matagal ng magkakilala.
"Tama nga ang iyong Papa,napakaworkaholic mong tao.."
"At bakit ikaw hindi ba?ganun din naman ang pagkakakuwento sa akin ng Papa..so,parehas lang tayong workaholic,"
Natawa ng bahagya si Hunter,magaan ang loob nya kay Rebecca palibhasa may sense of humor ito,hindi nakakailang na kausap,yung kahit kakikilala mo pa lang ay hindi ka na maiilang at pakiramdam mo ay matagal na kayong magkakilala..at yun ang pakiramdam niye ng mga sandalıng iyun..
Palangiti at mahilig itong magbiro kaya nakakaaliw itong kausap at pagmasdan..
"Mabuti na lang at hindi nagseselos ang boyfriend mo sa trabaho mo,kung nauubos na lamang ang oras mo sa trabaho."
Natawa ito.
"Mabuti na lang at wala akong boyfriend,dahil kung meron baka nga nagselos na yun,at malamang na inaway na ako dahil sa kawalan ko ng oras."
Natigilan si HUnter,sa ganda nito wala pa ring boyfriend ,,mukhang hindi naman ata kapanipaniwala ang bagay na iyun..imposibleng wala tong boyfriend lalo na at maganda naman ito at matalino.Isa sa mga katangian na gusto niya sa babae,yung matalino at magaling pagdating sa trabaho,at nakikita niya iyun kay Rebecca.,saka simple lang ang ganda nito iyung maipagmamalaki mo talaga.
"Wa..wala ka pang boyfriend są gandang mong iyan,,"
"Hmm..bolahin daw ako."
"bakit totoo naman ah,maganda ka..kulang ang salitang maganda,you are gorgeous..'
"Hindi ko alam na bukod sa pagiging workaholic ay bolero ka din pala.."
"Hindi kita binobola,totoo lang ang sinasabi ko..."
"Hmm..oo na,salamat są papuri.."
"Bakit nga ba wala ka pang boyfriend ,kung hindi mo mamasamain ang aking tanong."
"Wala pa eh!hindi ko pa natatagpuan si MR.right ko.."Sagot ni Rebecca.."baka natatraffic pa papunta rito.."sabay pagbibiro nito.
"Hintayin mo lang,malay mo sa mga susunod na araw dumating na."
Tinawanan lamang ni Rebecca si Hunter..
"Magdilang-anghel ka,Teka nga lang,bakit napunta sa lovelife ko ang usapan.."
Natawa si Hunter..bakit ba sa ilang araw na pagpupunta niya sa bahay nina Don Facundo ay ngayon lamang niya ito nakilala si Rebecca..may anak naman pala si Don facundo na matino at hindi katulad ni Margaux na siyang naunang nagpahara-hara..na sa una pa lang ay bad shot na ito sa kaniya..
Medyo tumagal pa ag usapan ng dalawa bago nagdesisyon na magpaalam na si Hunter kay Rebecca..
Hinatid ito ng dalaga hanggang sa tarangkahan..
"Paano,aalis na ako..salamat sa oras."
"Sige mag-iingat ka..salamat din."
Nakangiti pang kumaway si Hunter bago tuluyan lumabas ng gate.
Sa isang sulok naman sa itaas ng mansion ay may mga matang nakatunghay sa dalawa.
Hindi maiwasan ni Margaux ang hindi makaramdam ng pagkainis lalo na at nakita ang ginawa ni Hunter na pagngiti at pagkaway są kaniyang kapatid.kailan pa nagkakilala ang dalawang ito at parang close na sa isa't isa..bakit parang hindi niya alam na nagkakilala na pala ang kaniyang Ate at si Hunter..Sa kilos kasi ng dalawa ay mukhang malapit ang mga ito kasi hindi naman ganun sa kaniya si Hunter..ang damat kaya nito kahit isang ngiti man lang ay hindi pa siya nito nagawang tapunan..puro pagsusungit ang pinapakita nito sa kaniya sa tuwing magkikita sila.,
"Senyorita,heto na po ang Juice na iniuutos ninyo."wika ni pacita na may dalang isang basong Juice.
"Ilapag mo lang diyan."
"Sige ho..may iba pa ho ba kayong ipag-uutos."
"Wala na.."
"Sige ho,lalabas na ho ako."
"Ah teka.."pagpipigil niya sa katulong."matagal na bang magkakilala si Ate Rebecca at si Hunter?"
"Ho?"
"kilala mo naman si Hunter di ba?matagal na ba silang magkakilala ni Ate?"
"Ah..sa pagkakaalam ko ho ngayon lang ho sila nagkakilala,hindi man po sinasadya ay narinig ko kanina na ipinapakilala ni Don Facundo sina Mam Rebecca at Sir Hunter sa isa't-isa.."
"Kanina lang?"tila hindi makapaniwala si Margareth."sigurado ka?"
"o..oho..naarinig ko pa nga ho na ibinilin ni Đơn Facundo kay Mam si Sir Hunter,bakit nyo po pala naitanong,Señorita?"
Napaismid si Margareth..may pagkatsismosa din itong si Pacita.
"Ako lang ang may karapatan na magtanong,okay.."
"Ay naku..so..sori ho,hindi na mauulit."tarantang wika ni Pacita.
"Sige na lumabas kana."
Tuamango ito na nagmamadaling lumabas.
Kanina lamang nagkakilala pero ganun na ang tratuhan sa sarili,parang matagal ng nagkakausap at nagkakasama..Bakit ganun?ang unfair sa kaniya ni Hunter..sa kaniya parang siling maanghang ang pakikitungo nito sa kaniya,walang kaamor-amor samantalang sa kaniyang Ate ate malambing pa itong ngumiti at may pakaway-kaway pa..Yung siya na halos mag-effort sa pagpapansin ay useless pa rin,pero yung Ate niya first time pa lamang sa isa't isa ngunit hindi na kailangan mag-effort pa kuha na kaagad nito ang loob ni Hunter.
Ang unfair mo,Hunter,,inis na binato nito ang unan..siya na nag-eefort parang wala lang,balewala..
Nakakainis....gigil na muli nitong binalingan ang unan at hindi tumigil hanggat hindi ito sumabog..naglipadan ang mga bulak sa kaniyang kama,ngunit wala Siyang pakialam,,basta naiinis siya ng mga sandaling iyun.