Evangeline
HINDI NAGTAGAL AY natapos na rin sina Bruno at Nake, kasalukuyan na silang nag-aayos ng kanilang mga gamit. I was standing beside the sofa, nakahawak ako sa backrest ng sofa.
“Maganda si Eva, Doc. Kung pwedi lang siyang gawing modelo, kinuha na namin siya,” sambit nung Nake na walang halong biro at mukhang seryoso sa sinabi niya.
“She is more into photography, capturing photos,” malalim na usal ni Doc Franco.
“It’s the same thing, Doc,” Bruno chuckled. “Kapag nakakita ka, Eva. Audition ka bilang modelo.”
Nagpaalam na sila. Tinawag ni Doc Franco si Nurse Sabel at narinig ko na may binilin siya rito dahil aalis na ito para dumalo sa isang selebrasyon.
“Paano si Miss Eva, Doc? Ipapahatid ko na ba siya?” she suddenly asked dahilan para maramdaman ko ang titig nilang dalawa sa akin.
“She is coming with me. Tutal sa ospital din ang punta ko, we will try to look for her donor.”
“Hindi niyo na po trabaho yun, Doc,” Nurse Sabel uttered carefully and laughed fakely.
“Just do what I say. Pakihanda na ang sasakyan,” he muttered.
Tila nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi ni Nurse Sabel, hindi maitatanggi na tama nga naman talaga siya. Ang mga ginagawa niya para sa akin ay hindi na gampanin ng isang Doctor na katulad niya, sobra na.
Narinig ko ang pagsara ng pintuan ng opisina. Akala ko ay sabay na silang lumabas ngunit nang marinig ang papalapit na yapak ay nalaman ko na hindi ako nag-iisa. It must be Doc Franco.
“I’ll change, can you wait?”
“Ayos lang ho.”
Umupo ako habang naghihintay sa kanya. Hanggang sa tapos na ito sa pagpalit ng kanyang damit at bumaba na kami papunta kung nasaan ang sasakyan niya.
“Aalis na po tayo, Doc?” tanong ng boses matandang lalaki.
May driver siya? Akala ko siya ang magmamaneho. Hindi siya marunong? This Doctor who I thought almost know everything proved me today that he doesn’t. Hindi ko mapigilang mapangiti, lalo na nang maalala ang pagbigay ko sa kanya ng suman.
“Careful,” he whispered while making sure na maayos akong makakapasok sa loob ng sasakyan niya.
Pagpasok ko ay naamoy ko agad ang bango ng loob ng sasakyan niya. Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Doc Franco at pagsara ng pintuan.
“Sa dating Ospital ho ba tayo ngayon, Doc?” tanong ng kanyang driver.
“Yes, hindi lang tayo magtatagal dahil ihahatid mo pa si Eva sa kanilang bayan.”
MAKALIPAS LANG ang ilang minuto ay huminto na ang sasakyan, hindi ganun kalayo at katagal ay nakarating na kami sa ospital na sinasabi ni Doc Franco. Pagpasok pa lang namin ay naririnig ko na ang mga yapak na kay bilis at tila nagmamadali. Ngunit tahimik at maliiit na boses lamang ang naririnig ko sa paligid.
“Magandang hapon, Doc!” isang masayang bati ng tinig babae. “Mabuti at nakarating kayo.”
“Hindi yan nawawala si Doc kapag pasyente na niya ang pinag-uusapan,” biro ng isang lalaki na mukhang mas bata sa akin ang edad.
“She is Evangeline, my patient.” Narinig kong pagpapakilala niya sa akin. He hold my wrist again, nasasanay na sa kanya. “Nandiyan ba si Doctor Montalbo?” tanong niya.
“Nasa opisina niya ho Doc, hinihintay kayo.”
“Thank you,” he uttered. Naramdaman ko ang pagbaling niya sa akin. “Let’s go.”
Tahimik lamang akong nakasunod kay Doc Franco habang inaalalayan niya ako. Bumukas ang pintuan at pumasok kami roon, nang sumara na ito ay naging tahimik na ang paligid.
“Doctor Franco!” salubong ng lalaki na mukhang hindi nalalayo kay Doc Franco ang edad niya. “Siya ba ang pasyenting tinutukoy mo?” he added.
Hindi narinig na sumagot si Doctor Franco. Hanggang sa naramdaman ko ang paghawak ng lalaki sa palad ko.
“Hi, Miss Tolentino. I’m Doctor Montalbo, a surgeon.” I bowed my head at him a bit. “Maupo kayo.” He offered.
Nang makaupo kami ay isang mahabang katahimikan ang namuo. Hindi ko alam ngunit tila ang pagiging tahimik nila ay may ibig sabihin.
“Susubukan kong maghanap ng donor na magma-match sa kanya. Ngunit mahihirapan tayo, ang ospital na ito ay pampubliko at maliit lang,” panimula nito. “Why don’t you ask help from Etereo Hospital?”
“I already did that. I just sent her details to the office to ask help. But we just want to make sure that she will automatically be operated as soon as possible,” may pagmamadali sa boses ni Doc Franco.
The man chuckled in amusement. “Mukhang gusto mo ng matapos ito at maoperahan na ang pasyente mo,” he stated like a fact.
Nanatili akong tahimik, hindi masundan ang kanilang pinag-uusapan.
“Sa ngayon ay puntahan mo muna ang mga pasyente mo na kanina pa naghihintay sayo,” Doc Montalbo.
“That’s why I’m here.” Franco chuckled formally and stood up. “Eva,” he uttered and hold my wrist.
“May nurse ako rito. Gusto mo bang tawagan ko sila para tulungan kang alalayan ang pasyente mo, Doc?” makahulugang sambit nito kay Doc Franco.
“Of course,” tugon nito at unti-unti na akong binitawan.
KALAUNAN AY DUMATING na ang isang nurse na inalalayan ako hanggang makapasok sa isang silid. Nang bumukas ang pintuan ay sumalubong sa amin ang lakas ng ingay. Ang tugtog na naririnig ko ay may kalumaan na, ang mga boses na nagkakatuwaan ay boses ng matatanda.
“Dito kana ho muna at may inaasikaso pa si Doc Franco,” sambit ng babae. Tumango ako matapos niya akong paupuin sa gilid.
Hanggang sa narinig ko na ang pagsambit ng pangalan ni Doc Franco ng mga matatanda na mukhang kakapasok lang niya ng silid. Hindi ko maiwasan na mapangiti nang maramdaman ang saya sa kanilang mga boses bawat salitang binibitawan sa pagsalubong kay Doc.
“Kanina ka pa namin hinihintay, Doc.”
“Doc Franco, yung salamin na binigay mo sa akin ay narito pa hanggang ngayon.”
I heard Doc Franco chuckled in response. May kung ano pa siyang sinabi at hinabilin sa kanila. Nanatili lamang akong nakaupo at mukhang wala namang nakakapansin sa akin. Marahil nasa gilid lamang ako.
“Eva.” I gasped when Doc Franco whispered on my ear. Naramdaman ko ang pagkalapit niya sa aking tainga at kalmadong paghinga nito. “We will leaving. Magpapaalam lang ako.”
Matagal pa bago ako napatango dahil sa pagkagulat sa biglaan nitong pagsulpot sa gilid ko.
“I’m sorry. Uuwi ka ng late.” Naramdaman ko ang kamay niyang nakahawak sa backrest ng inuupuan ko. Hindi ko man nakikita ay ramdam ko kung gaano siya kalapit sa akin. Siguro dahil na rin sa lakas ng musika sa paligid namin, idagdag pa ang ingay.
“Ayos lang, Doc. Wag kayong mag-alala sa akin.”
Naramdaman ko na ang paglayo niya at pagbalik sa mga pasyente nito. Naririnig ko na rin na nagpapaalam na siya sa kanila.
“Girlfriend ka ni Doc?” boses ng matandang babae ang narinig ko sa aking gilid.
“A-ako ho?” tanong ko.
“Oo, ikaw iha. Girlfriend ka ba niya?”
“Hindi ho. Nagkakamali kayo. Pasyente niya lamang ako,” mariin kong tanggi. Nakakahiya kung may makakarinig lalo na at kung si Doc Franco pa ang makarinig nito. “Bulag ho ako,” paglilinaw.
“Pasensya na,” paghingi nito ng paumanhin. “Akala ko ay nobya ka niya, ngayon ko lang kasi siya nakitang nagdala ng babae rito. Hindi ko napansin na wala ka palang makita.”
Nahihiya akong napangiti. Hindi kailanman pumasok sa isip ko na mapagkakamalang nobya ako ng isang prominenting Doctor.
“Kung ganun, bakit ka niya dinala rito?” lubos na may pagtataka sa kanyang boses.
“Naghahanap kami ng donor para sa operasyon sa akin… upang makakita ho ako,” paliwanag ko.
“Aba! Kay buting Doctor niyan, sa katunayan ay siya rin ang nag-opera sa mga mata ko nung nakitaan ng katarata.” Mahina siyang tumawa at saglit na tumigil. “Hindi na ako magtataka kung bakit ganito na kataas ang kanyang narating. Halos kung ituring ang kanyang mga pasyente ay tila malapit sa kanyang puso.”
Natigilan ako saglit sa sinabi niya. Hindi maipagkakaila na talagang malapit ang puso niya sa mga taong nangangailangan ng tulong niya.
“Ano pong dahilan at bakit may selebrasyon dito?” takang tanong ko.
“Tinutulungan kami ni Doc Franco sa aming mga mata. Kung kaya taon-taon ay nagbibigay kami ng selebrasyon pasasalamat sa kanya. Sa ganung paraan na lang kami nakakabawi sa mga tulong na naibigay niya,” paliwanag nito at ramdam ko ang sinsiredad sa boses niya.
Tila nakonsensya ako sa lahat ng mga iniiisip ko sa kanya. Nakakalambot sa puso na makakilala nang ganitong kabuting tao.
“Doc Franco!” saad nito bigla at narinig ko ang pagtayo. “Aalis na ba kayo?”
“Oo, Manang Susan. Ihahatid pa kasi itong pasyente ko. Pasensya na at hindi na ako makapagtatagal pa, abala at maraming ginagawa. Babawi na lang ako sa susunod.”
Nilagay ko ang iilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga. Unang kilala ko kay Doc Franco, arogante ang dating niya sa akin. Ngunit nagkamali ako, mas nakikilala ko pa siya lalo.
“Akala ko nobya mo. Pasyente mo rin pala itong magandang babae.”
I bit my lower lip and closed my eyes in embarrassment. Akala ko ligtas na ako sa kahihiyan ngunit nabanggit niya pa iyun. Natahimik si Doc Franco ngunit ang mabigat niyang pagbuntong hininga ay mas lalong nagpailang sa pagitan namin.
“She is my patient,” he uttered in serious tone.
“Kay ganda naman kasing bata, sinong mag-aakala na pasyente mo lang iyan,” pahabol pa nito at tumawa.
Nagpapasalamat ako sa compliments na binigay niya ngunit mukhang sumobra naman ata. Hindi naman ako pweding maging kapantay ng isang Doctor Franco na ophthalmologist.
Ang akala kong aalalayan at hahawakan ako ni Doc Franco ay hindi dahil tumawag ito ng tutulong sa akin hanggang sa makalabas kami.
“Manong, pakihatid si Eva at siguraduhin mong maingat na makakauwi,” narinig kong bilin nito.
“Hindi na ho kayo sasabay Doc Franco?”
I heard him sighed heavily.
“Hindi na. Sasabay na lang ako kay Doc Montalbo.”
I bit my lower lip.
“Mag-iingat kayo, Eva,” he uttered to me and tapped my shoulders. Narinig ko pang binuksan niya ang pintuan ng kotse at inalalayan pa akong makapasok sa loob.
Tahimik na ako buong biyahe hanggang sa makauwi. Hindi na rin naman nagtanong pa si mama nung sinabi ko na pumunta kami sa ospital upang humingi ng tulong na mapabilis ang paghahanap ng donor ko.