Evangeline
NAPAHILOT AKO ng nuo sa bawat tunog ng mga gamit sa kusina na aking naririnig. May pagmamadali sa kilos ni mama upang tignan ang isda na diniliber sa kanya. Kasalukuyan na kaming tapos mag-agahan at kanina niya pa ako pinipilit na pagdalhan si Doctor Franco ng kanyang niluto.
“Huwag kanang umangal diyan, Eva! Ito na nga lang ang tulong na kaya natin ibibigay sa kanya,” sermon nito.
“Hindi naman ako umaangal, ma. Ang sa akin lang ay kumakain ba yang Doctor na yan ng niluto mo?”
Napatalon ako sa gulat nang kurutin niya ako sa baywang.
“May pangalan ang Doctor na tinutukoy mo. At baka nakakalimutan mo, Eva… siya ang mag-oopera sayo kaya umayos ka,” bilin niya sa akin. “Kung hindi kumakain si Doc Franco nito… turuan mong kumain,” biro niya ngunit may pagkasarkastiko.
Pagod na lamang akong napailang sa kanya. Wala ng nagawa nang maramdaman ko ang maliit na box na may lamang suman. Pinatong ko ang palad ko roon at napaupo, ramdam ko pa na medyo mainit ang laman.
“Lahat alam ang suman. Masyado kang eksaheradang mag-isip.” Narinig ko ang pagpasok ni mama sa loob ng kusina. “Aalis na ako, ikaw na ang bahalang magsarado ng bahay. Si Laurie, hindi ba sasama siya sayo ngayon?” takang tanong niya.
“Hindi siya natuloy. Hindi pa sila nakakauwi ni Mayor.”
Hindi ko na narinig pang sumagot si mama hanggang sa nagpaalam na ito sa akin.
Hindi nagtagal ay dumating na ang sundo ko. Habang inaalalayan ako ng isang nurse ay napansin ko nang hindi ito si Nurse Lara, ang parating sumusundo sa akin dito.
“Pakibuksan ang pinto, manong,” sambit ng babae.
Nais kong magtanong ngunit nawalan na ako ng lakas nang loob at sumunod na lamang hanggang sa makaupo.
“Ako nga pala si Issabel, isa sa mga nurse ni Doctor Franco. Wala ngayon si Nurse Lara dahil pinadala sa Etereo Hospital kaya ako na ang sumundo sayo,” pahayag niya kaya napatango ako at tipid siyang nginitian. “Lunch mo ba yan na box? Hindi ba at libre kang pinapakain ng lunch ni Nurse Lara?” taka niyang tanong.
Bigla akong binalot ng hiya at gusto na lamang itago ang box na may lamang suman.
“Para kay Doctor Franco. Niluto ng mama ko. Suman.”
Narinig ko ang mahina niyang tawa matapos matigilan ng ilang segundo.
“Hindi kumakain si Doctor Franco ng bago sa kanyang panlasa. Hindi niya alam yan, panigurado.”
I bit my lower lip. Uminit ang buong pisngi ko sa hiya.
“I didn’t mean to offend you. Mukhang hindi mo pa ganun kakilala ang Doctor mo, mabait siya sa pasyente niya. Walang exemption doon. Yan ang nagiging problema ng mga batang nagpapagamot sa kanya, binibigyan nila ng ibang kahulugan ang kabutihan niya. In fact, he is treating them fairly,” mahabang paliwanag nito dahilan para mapakunot ako ng nuo.
“Ibang kahulugan?” katulad ba sa akin? Nahuhusgahan ko ang pinapakita niya sa negatibong paraan?
“Yep… women are eventually liking him.”
Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko kailanman naisip yan.
“Talaga bang galing yan sa mama mo? Baka naman rason mo lang yan,” tukso pa nito ngunit ang tono ng kanyang pananalita ay tila may iristasyon o pangungutya na hindi ko nagustuhan.
PUMASOK NA KAMI sa loob ng opisina. Gusto ko pa sanang saglit na pumunta ng banyo upang maitago na itong box na may lamang suman. Ayoko nang ibigay ito sa kanya. Lalo na at baka hindi rin naman niya kainin.
“Good afternoon, Doc Franco!” masayang sambit ni Nurse Issabel.
“Paupuin mo siya Sabel. Pagkatapos ay tawagin mo na ang photographer,” utos nito sa seryosong boses.
Napalunok ako ng marahan, ang box na tinatago-tago ko sa likod ay tuluyan nang napansin ni Doc Franco nang magsalita ang nurse niyang sumundo sa akin.
“May hinanda sayong pagkain si Miss Evangeline, Doc. Espesyal para sayo,” humalakhak si Nurse Issabel sa gilid ko.
Napakunot ako ng nuo, pinaghalong inis at hiya ang nararamdaman ko ngayon. Inis pati sa sarili kung bakit sinunod ko pa si mama na dalhin ang pagkaing ito.
“You may now go, Sabel. And please call the photographer right away,” pormal nitong utos muli na tila walang narinig sa sinabi ng nurse niya.
“Okay po, Doc.”
Narinig ko ang yapak niya papalayo hanggang sa sumarado na ang pintuan. Isang mahabang katahimikan ang namuo sa loob ng opisina ni Doc Franco. Hindi ko alam kung dahil ba may ginagawa siya o baka nakatitig sa akin? Syempre hindi niya gagawin yun, bakit naman? Baka sa dala kong pagkain.
“What’s with the lunch box?” banayad niyang tanong. Hindi ko inakala na papansinin niya ito.
“Me-meryenda ito, Doc Franco. Hinanda ni mama para sa inyo,” mabilis at klaro kong saad. Gustong itama ang sinabi ni Nurse Issabel na si mama ang may gawa nito. “Hi-hindi niyo kailangan kainin. Pwedi niyong ibigay sa mga empleyado niyo.” Agad kong bawi.
“Bakit ko ibibigay kung hinanda para sa akin?” he chuckled. Narinig ko ang pagsusulat niya sa papel. “You can put that under the table instead on your lap.”
Nahihiya kong inangat ang box at dahan-dahan na nilagay iyun sa ibabaw ng lamesa. Sinubukan kong iusog yun ng kaunti upang hindi mahulog. Hanggang sa bigla niya itong kinuha at binuksan, namilog ang mga mata ko at binalot na naman ng hiya.
Anong sasabihin ko? Ramdam kong natigilan siya saglit. Kahit ako ay hinihintay ang sasabihin niya, kung sana nakakakita lang ako ay nakita ko na ang reaksyon niya.
“Alam niyo ho ba yan?” matapang kong tanong, naibsan na rin kahit papaaano ang hiya.
“Ano ang tawag niyo rito?” he asked and stood up. Narinig ko ang yapak niya hanggang sa may tunog na ng kubyertos akong narinig.
“Hindi pa ba kayo nakakain niyan?” mangha kong tanong. “Suman ho, Doc Franco,” sambit ko na pinipigilan ang pagngisi.
Bumalik na siya sa pagkakaupo. Sinimulan na nitong kainin ang dala kong meryenda para sa kanya.
“Niluto ng mama mo?”
Tumango ako. Naramdaman kong kumuha pa siya at sumubo.
“Malagkit at matamis na kanin lang yan, Doc. Hindi mo kailangang ubusin, nabanggit ni Nurse Issabel na hindi kayo kumakain ng bago sa panlasa niyo.”
“I like tasting new… masarap kaya uubusin ko. Pasabi sa mama mo na salamat at naisip niya akong bigyan ng niluto niya.”
Tumikhim ako at ngumiti. He is not just a typical Doctor. Mukhang pinanganak itong mayaman at nakukuha ang lahat. Ngayon ay mas nagiging interesado ako kung anong klase siyang tao, bukod sa pagiging Doctor. An achiever at a young age and rich enough para hindi malaman ang kakainin na pagkain.
Hanggang sa nakarinig kami ng katok, bumukas iyun at pumasok ang dalawang lalaki na binati si Doctor Franco. Base sa boses ng bagong dating ay tila hindi nalalayo ang edad ko sa kanila.
“Maupo kayo.” Doc Franco on his casual formal voice. “This is my patient, Evangeline Tolentino,” pagpapakilala niya sa akin at marahan na hinawakan ang siko ko upang maitayo ako.
“This is your patient, Doc Franco?” hindi makapaniwalang tanong ng isa. “Ang ganda naman ng pasyente mo, Doc! Sana Doctor mo na lang ako, Eva.”
Ang hawak ni Doc Franco sa siko ko ay lumuwag ng kaunti. Ramdam kong hindi niya nagustuhan ang unang bungad ng photographer sa akin. Ngunit hindi ako pinakawalan sa hawak ni Doc Franco.
“Hi, Eva. I’m Nake,” pakilala ng isa. Doc Franco hold my hand and extended it towards them. Doon ko naramdaman ang palad ng Nake na nagpakilala. “Itong kasama ko na nagagandahan sayo ay si Bruno.”
“Magandang araw sa inyo,” bati ko. Hindi pa binibitawan ni Nake ang palad ko ngunit binaba na iyun ni Doc Franco.
“Let’s start. Kaunting oras lang mayroon ako dahil may event pa akong dadaluhan,” pahayag nito.
“Sure, Doc.” The man uttered, tingin ko ay yung Bruno na may pilyang boses.
“Does Eva need to fix herself?” tanong ni Nake.
“She is better that way. No need for make over,” sagot ni Doc Franco.
“Oo nga naman. Maganda na si Miss Eva kahit walang ayos,” biro nung Bruno at humalakhak. Narinig ko na lamang ang tapik nung kasama niyang Nake sa kanya at mahinang natawa.
Naririnig ko ang bawat click ng camera, hindi ko maiwasan na mamangha. Tunog pa lamang ay natutuwa na ako. Hindi nagtagal ay natapos na rin ang pagkuha sa akin ng litrato. Nag-uusap na sila ngayon ni Doc Franco, they even served foods for both of them.
Sa paghawi ko sa ibabaw ng lamesa ay naramdaman ko ang camera nina Nake at Bruno. Palihim kong hinaplos iyun.
“Do you like cameras?” napasinghap ako sa boses na malalim ni Doctor Franco galing sa likod ko.
Hindi ko na marinig ang boses nina Nake at Bruno. Mukhang lumabas saglit.
“Wala akong masyadong alam sa mamahaling camera… pero mahilig akong kumuha ng litrato bago ako nabulag.”
I heard his heavy footseps. Hinawakan niya ang isang palad ko at nilagay sa ibabaw ng camera. Bigla akong nawalan ng hininga sa ginawa niya. Ngunit agad rin niya akong binitawan.
“Mabigat yang camera na dala nila. That camera is use by professional photographers. Kinukuhaan din nila ang mga modelo, they are the photographer of magazines,” paliwanag niya at naramdaman ko ang paghilig nito sa gilid ng lamesa.
I bit my lower lip and nodded my head. Inalis ko na ang palad ko roon matapos mahawakan.
“Hindi ako pamilyar sa camera, mukhang bagong modelo.”
“You want to be a model?” he asked curiously, siguro naisip niya dahil sa sinabi ko.
“Hindi po,” mabilis kong tanggi at natawa sa sinabi niyang malaking biro. “Photographer ang pangarap ko, hindi pagmomodelo,” I laughed in disbelief.
“Photographer?” he asked amused.
“Sana… kung hindi ako nabulag,” mapait kong sambit at ngumiti ng tipid. He remained silent, but I can still feel his presence in front of me because of his heavy breathing.