CASE

2059 Words
Evangeline NANG MAKABABA na kami ng SUV na siyang naghatid sa amin ni Laurie ay agad ako nitong hinila hanggang makapasok kami sa loob ng bahay. Ramdam ko ang lubos na tuwa nito at hindi mapigilang saya. “Sandali lang,” natatawang pigil ko sa kanya. “Ang guwapo niya, Eva!” she whispered at me. Nanatili akong tahimik at lihim na napangiti, hindi ko siya masundan lalo na at hindi ko naman talaga nakikita si Doctor Franco. “Hello, Tita Locita!” masayang bati ni Laurie nang makaupo na kami. “Kakarating niyo lang ba? Kumusta ang konsultasyon?” tanong ni mama at narinig ko ang yapak niya papalapit sa amin. “It went smooth. Doc Franco gave Eva a medicine…” she answered. “She is doing a preparation for the surgery.” “Ga-gamot? Sino ang nagbayad?” I bit my lower lip. “Libre po, ma,” ako na ang sumagot. Narinig ko ang maluwag niyang paghinga ng malalim. “Mabuti kung ganun!” she said pleased. “Maraming salamat at sinamahan mo siya sa araw na ito, Laurie.” “Walang anuman po. Sa susunod kapag may oras ako ay sasamahan ko ulit siya.” Nanatili akong walang imik. Kahit papaano ay nabubuhayan na ako ng pag-asa na makakita at matupad na ang matagal kong gustong mangyari. “Maghahanda ako ng meryenda para sa inyo.” Tumayo na si mama at naglakad papalayo. Naramdaman ko ang paghawak ni Laurie sa braso ko. “Kailan ang sunod mong punta sa klinik? Sasama ulit ako,” bulong niya sa akin. “Sa Biyernes.” “May pupuntahan kami sa araw na yan, family gathering,” bigo niyang sambit. “Next Friday, sasama ako, ah.” Ginalaw niya ang braso ko na hawak nito. Nakangiti ko siyang tinanguan. I never seen Laurie like this before. Ngunit kilala ko siya kapag may natitipuhan, agad niyang sinasabi sa akin. Pero sa pagkakataong ito ko lang siya nakitaan nang pagpupursigi para lamang magkita ulit sila ng doctor. She never make a move, until this day come. “Gusto mo si Doc Franco?” maingat kong tanong. “I’m attracted to him…” she trailed off. “Hindi ba… matanda siya kumapara sa edad natin?” hindi ko mapigilang itanong. “Hindi. Just Four or Five years? I don’t think so…” I can feel that she shrugged her shoulders. LUMIPAS ANG ARAW at ngayon ang punta ko sa klinik ni Doc Franco. Kasalukuyan kong hinihintay ang sundo nito, nakapag-ayos na ako ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin si mama. Hindi ko alam kung sasama ba siya sa akin o hindi. Wala rin si Laurie ngayon. “Eva.” Narinig ko ang malamig na boses ni mama dahilan para mapatayo ako mula sa pagkakaupo. Binagsak nito ang bag niya sa tabi ng upuan ko. “Kadarating niyo lang… sasama ka ba, ma?” tanong ko ngunit hindi matanggal ang kunot sa nuo ko dahil ramdam ko na masama ang timpla ng mood ni mama ngayon. “Nakasalubong ko ang Tiyo Boyet mo kanina sa palengke,” diretsa niyang sambit dahilan para mapayuko ako. “Nasabi niya sa akin na hanggang ngayon ay hindi ka pa rin tumitigil sa paghahanap sa salarin.” “Ma…” sinubukan ko siyang pigilan. “Saang parte mo ba hindi maintindihan, Eva?” pagod niyang sambit. “Mahirap nang hanapin ang taong ninanais mong mahanap. Tigilan mo na ito. Ang mas kailangan mo ngayon ay mapagamot at maoperahan.” Narinig ko ang yapak niya papuntang kusina. “Pero kailangan ko rin matahimik,” depensa ko. “Tinigil na ni Boyet ang kasong ito,” pahayag niya dahilan para matigilan ako. “Gustuhin ko man na tulungan ka dahil maski ako ay galit na galit sa nangyari sayo… ay wala akong magawa, anak.” Napaupo ako, nanghihina sa sinabi ni mama. “Sana maintindihan mo. Ang kailangan mo ngayon ay magamot at maoperahan.” Marahan akong napalunok at hindi nakaimik. Sabihin mang tama si mama ngunit sa loob-loob ko ay hindi ko matanggap na wala na talagang pag-asa na mapanagot sa batas ang may gawa nito sa akin. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang sundo ko papunta sa klinik ni Doc Franco. Hindi na sumama pa si mama dahil kailangan niyang bumalik sa palengke lalo na at hindi pa nauubos ang tinitinda niyang isda roon. Habang nasa biyahe ako ay mabigat ang loob ko sa pinaalam ni mama kanina lang. “Nandito na tayo, Miss Eva,” saad bigla ni Nurse Lara nang tumigil ang sasakyan namin. Tumikhim ako at inalalayan niya akong makababa hanggang makapasok sa loob ng klinik. Pumasok kami sa isang silid, narinig ko ang pagbati niya kay Doc. Nang makaupo na ako ay nagpaalam na si Nurse Lara at narinig ko na ang pagsara ng pintuan. “How are you, Eva?” he asked on his deep voice. Marahan akong napalunok bago siya sinagot. “Maayos naman po,” tinatamad kong tugon. I heard his heavy breathing, until he stood up and walked closer to me. Huminto siya sa harapan ko, hanggang sa narinig ko ang pag-upo niya sa lamesa sa harap ko. “Ayos ka lang ba? You seems problematic and bothered.” I paused on his questions. Hindi ko maitanggi na mas lalo akong naapektuhan nang magtanong siya. “May problema lang… maayos naman po ako, doc.” Labas sa ilong kong sagot. “Gusto mo bang pag-usapan natin? Like what I have said before, your information will remain confidential, what you say inside this room will remain here.” His fingers are making sounds under the steel table. “If that’s a love problem, I can give you advice. Magaling ako riyan,” he chuckled. Nahihiya akong natawa at mabilis na umiling. “Wa-wala po ako nun, Doc.” Mabilis kong tanggi. “That’s impossible,” he commented dahilan para mapakunot ako ng nuo. “Well… you should find after the operation, mas magandang nakikita mo ang intension ng isang lalaki. Hindi sapat ang nararamdaman.” “Hindi po yan hinahanap. Kusang dumarating, minsan hindi mo pa inaasahan.” He stopped tapping the table, I heard him smirked. “So… what’s the real problem, Miss Evangeline?” may pagkapormal na niyang tanong. “We cannot proceed to the consultations if my patient is unattentive… gusto ko kapag nandito, nasa akin ang atensyon. I want this operation to be done successfully.” There is a professionalism on his voice. Dahilan para mapakagat ako nang pang-ibabang labi. Nahihirapan akong napalunok. “Tungkol sa aksidenti ko po, doc.” I heard him shifted on his seat. “Yes… what about it?” I swallowed hard. I know it is none of his business anymore, ngunit nais niya talagang malaman ang bumabagabag sa akin. “Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ang paghahanap sa taong dahilan kung bakit wala akong makita ngayon,” I paused and smiled bitterly. “If you have enough evidence, why would you stop?” he asked like encouraging me to continue the investigation and find the culprit. Ngunit sa kanyang tanong pa lang ay siyang nagpawala na ng lakas ng loob sa akin. “Wala akong evidensya… Doc Franco. Ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay walang lead sa aksidenting nangyari. Sumuko na lahat na makamit ko ang hustisya.” Tumigil ako at inangat ang ulo, I hope I can see him and his reaction. Ayoko na ikinakaawan ako maski alam kung nakakaawa ang sitwasyon ko. “Dapat na ho ba akong tumigil?” tanong ko na bigla na lang lumabas sa bibig ko. My face is still lifted, ramdam ko na nakatitig siya sa akin ngayon. I heard his heavy breathing… but he remained silent. “You don’t have enough evidence…” he mumbled. “Sa pagkakataon ngayon. Unahin mo ang sarili mo, Eva. Hindi mo mahahanap ang taong gusto mong mahanap kung mananatili kang bulag at walang makita. Let’s help each other to succeed in your operation. Are you okay with that?” he said with determination. Nahihiya akong ngumiti at napatango. “Good!” he snapped and stood up. “Now let’s evaluate your condition.” Hinawakan niya ang siko ko, agad kong naramdaman ang mainit at malaking kamay nito na dumikit sa balat ko. Ilang tests ang ginawa niya at hindi nagtagal ay natapos na rin ito. May kung ano siyang sinusulat sa ibabaw ng lamesa habang nakaupo ako sa harapan nito na pinapagitnaan ng malaking lamesa niya. “You’ve been here in the city before you get blind?” he suddenly asked. “You exactly look like a province girl,” tumawa siya. “Hindi pa po, Doc. Ngayon lang at dahil pa sa inyo.” “We will have a photoshoot… it is a campaign for you in able to have comvenient access to find a suitable cornea donor,” paliwanag niya. “Yun ang hahanapin natin, a cornea donor…” “Photoshoot?” I asked in confusion. “Yes, Miss Evangeline. I will send your basic information to Etereo Hospital, isa sa pinakamalaki at sikat na pribadong ospital dito sa syudad. Bukod roon ay hihingi rin ako ng tulong sa mga pampublikong ospital upang mas mapadali ang paghahanap natin ng donor mo.” “Kailan ho, Doc?” “On Friday. Ang gagawin natin ay mabilisang pagkuha ng litrato sayo.” He paused and put the ballpen under the table. “Hindi ka ba nahihirapan sa haba ng biyahe?” “Hindi naman po, Doc. Isang beses lang naman sa isang linggo ang pagpunta ko rito.” Ngumiti ako. “Nag-eenjoy din ho ako na nakakalabas ako ng probinsya.” “Kung kailangan mo pa ng tulong o nahihirapan ka. Just tell me, I will help you.” May kung ano sa boses niya na tila may malaking utang na loob sa akin. Hindi ko maintindihan ang pinapakita niyang kabutihan dahilan para minsan ay magdalawang isip na ako kung tama pa ba na magtiwala sa kanya. “Paano niyo ho nahanap ang probinsya namin? Malayo ito sa syudad at halos liblib na lugar,” mausisang tanong ko sa kanya. Naging kaswal lamang ako upang wala siyang maisip na maaaring naghihinala ako sa tunay niyang intension. “I will always do this, Eva. This is my way of helping people, the reason why I chose this profession. To serve people… to make their vision vivid and clear,” seryoso at may sinseridad niyang sagot. Natahimik ako sa sinabi niya. Masyado na ba akong mapanghusga sa kabutihan na pinapakita niya? “Wala kana bang ibang tanong upang mawala ang paghihinala mo sa akin?” biro niya at marahan na humalakhak. “We can’t make this work if you don’t have trust on your doctor.” I bit my lower lip in embarrassment. Hindi ko inakala na mapapansin niya yun, nakakahiya. “Let’s be honest… what do you think of me, Eva?” he asked straightforward. My fingers automatically landed on my lower lips. Napaisip ako sa tanong niya, mayroon nang naglalaro sa isip ko ngunit tama ba na sabihin ko sa kanya ang totoo? “Your deep voice and the way I heard you moved… I don’t feel the presence of Doctor to you,” nahihiyang sagot ko. “Bukod roon, masyado kang mabuti sa akin dahilan para mag-isip ako ng kapalit sa lahat ng tulong mo.” Tumahimik siya dahilan para mabahala ako. Baka na-offend siya sa sinabi ko. “Do-doc Franco?” I uttered carefully, takot na baka maging masama ang timpla niya. “If that’s the case, why not join me on my mini celebration on the shelter?” he offered like a deal. Biglang kumabog ang dibdib ko. “Ho?” “Nagbibigay ako ng libreng tulong sa isang shelter na tinutuluyan ng mga matatanda. It’s a small hospital for oldies, I often go there to have a free consultations like I did on your community.” Narinig ko ang paggalaw ng upuan niya. “After the photoshoot, pupuntahan natin ang ospital para sa maliit selebrasyon. We will also search help from them about your condition. What do you think of that, Eva?” pormal niyang tanong. Ilang segundo akong natahimik bago tumango at tanggapin ang alok niya. After all, it is for the donor we are searching for to have an immediate execution of operation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD