Franco
Dalawang araw akong nasa Hongkong kasama ang iilang mga doktor ng Etereo Hospital para sa isang conference about medical and surgical matters. I just came home last night and when the sun rises I automatically start my day at my clinic.
Nasa harap ko si Meka ang aking sekretarya at iniisa-isa ang schedule ko ngayong araw at sa mga susunod pa. I am currently scanning my papers while listening to her.
"At nagpa-schedule din po si Miss Tano," Nakangiting sambit ni Meka sa akin kaya kinunutan ko siya ng nuo. “Your ex girlfriend po, Doctor Franco.” Nginitian niya ako.
"Tano?" takang tanong ko sa kanya. I touched my nose in mannerism. “Sinong Tano?” pag-ulit ko pa
"Miss Fen Tano, Doc Franco. Yung babaeng pabalik-balik dito sa clinic niyo," sambit ni Meka at ramdam ko ang pagpigil nito ng ngiti. Napahawak na lang ako sa nuo ko at marahan iyong minasahe.
"She is not my ex Meka," pagtatama ko sa kanya. Porke't pabalik-balik dito ay iniisip na nila na kasintahan o kaya dating babae ko. "How about my meeting for Evangeline Tolentino? Ngayon yun diba?" tanong ko sa kanya na ikinatango nito.
"Yes po, Doc. After Miss Fen, Si Miss Evangeline po ang next sched niyo," ngiting sagot nito. I gesture her to go out after informing me what I'm gonna do today.
Lumipas ang oras hanggang sa hindi ko na namalayan ang sunod na pasyente ko. Sunod na pumasok sa examination room ay si Fen. Nakahilig lang ako sa upuan ko habang pinagmamasdan ang mahinhin nitong galaw hanggang sa pag-upo. She is smiling at me widely while I'm looking at her blankly.
Hindi ako nagsalita at nakataas lang ang isang kilay habang pinaglalaruan ang balpen sa daliri ko. Let's see kung ano na naman ang alibi mo ngayon para lang sayangin ang oras ko Miss Tano.
"Pakiramdam ko lumalabo ang paningin ko. Minsan sumasakit din ang ulo ko tapos nahihilo ko. I think there is a problem in my vision, Doc Franco," she said with exaggerated emotions. I pursed my lips and seat properly.
"I can see you are totally fine, Miss Tano. You are overreacting over things that are useless. You can go out,” diretsang sambit ko at inayos ang mga papel sa lamesa. May susunod pa akong pasyente na mas kailangan ang oras ko.
"But you didn't even examine or check my vision. How would you know?" maarteng sambit nito. I have never been ruthless to every girl, actually, I enjoy their company and attention. But not until I made a big mistake.
Mabilis kong sinulyapan ang relo ko.
"Doc Franco, Miss Eva is already waiting for you. Pinapasok ko na po siya sa opisina ninyo,” Meka interrupted
"Eva? In your office? Is she your patient?" Fen said in curious manner, kita sa kanyang mga mata ang pagkabahala. I didn't bother answering her and go directly to my office para puntahan ang pinakahuling pasyente ko.
Naabutan ko doon si Eva na maayos na nakaupo at nasa hita nito ang dalawang kamay. Agad akong naglakad papunta sa table ko at umupo sa harap niya, I think she feels my presence because she moved a bit and fixed his seat.
Umupo ako sa sofa ko at pinagsiklop ang dalawang kamay ko sa ibabaw ng lamesa. I looked at her again and noticed her attire. Jogging pants and an oversized t-shirt. I fake my coughed to get her attention.
"Kumusta, Eva?" kaswal na tanong ko sa kanya at ngumiti kahit hindi naman niya ako nakikita.
"Good afternoon po, Doc. Ayos lang naman po." Nakangiting tugon nito kaya napatango na lang ako.
"I will examine your eyes today in the laboratory room. I need to determine if you are ready for the operation. We can also conduct various preparations before tbe surgery," paalam ko sa kanya at tumango naman ito. I was about to stand up when she speak again.
"Puwedi po bang pumasok si Laurie? Yung kasama ko… kaibigan ko,” paghingi nito ng permiso. I paused for a moment. Wala namang kaso iyun sa akin.
“Laurie? The mayor’s daughter?” I asked to confirm. Mukhang nagkita na kami.
“Opo.”
"Sure,” sagot ko at kinuha ang kamay ni Eva. Habang naglalakad kami ay bigla siyang na-out of balance kaya mabilis na dumapo ang isang kamay ko sa baywang niya na ikinatigil nito.
Natigilan siya at biglang napaatras sa akin ngunit hindi ko binitawan ang palad niya. She is blind, alangan namang bitawan ko ang pasyente ko.
“Are you alright?” I asked in concerned tone.
Tumango lang siya sa akin. Nang lumabas kami ay mabilis na tumayo yung kaibigan ni Eva na pamilyar nga sa akin. Laurie, the daughter of Mayor who invited me in their house.
“Good morning, doc,” she greeted.
Binitawan ko na si Eva dahil napasulyap siya roon. I inserted my both hands in my pocket. I just nodded lightly as a response. Pumasok kami sa loob ng laboratory.
“Pinapakumusta rin kayo ni dad. He admires you, lalo na nung nalaman na tinulungan mo si Eva,” usal nito nang makapasok kami sa laboratory. Saglit na sulyap lamang ang ginawad ko sa kanya.
“Send my regards to your father,” kaswal kong saad.
Akmang uupo na si Eva ay mabilis kong hinawakan ang kamay niya at inalalayan siya sa hospital single bed. Laurie’s gazed at me is distracting, lalo na ang titig niya sa bawat paghawak ko kay Eva.
"May donor na po bang nakuha si Eva, Doc Franco?" maamong tanong ng kaibigan nito. Napasulyap ako sa kanya at umiling tsaka binalik ang atensyon kay Eva. "I can help. I will tell my parents to use their connections to help Eva," dagdag pa nito at mapalad na ngumiti.
Napataas ako ng isang kilay at pilit pinipigilan ang isang sarcastic na tawa.
"It's not easy Miss Laurie.” I chuckled and stared at Eva’s eyes for a moment. "Hindi lang basta tao na may cornea ang hinahanap natin. We are looking for a person who is going to die and WILLING to be a donor." matigas na sambit ko at sinulyapan siya. Gusto kong maayos na maliwanagan siya sa hinahanap naming donor. Ibig sabihin, taong wala ng pag-asang mag-survive na willing maging donor.
Tumikhim lang yung kaibigan ni Eva at marahan na tumango ito. Hindi na siya muling nagsalita pa at hindi ko na lang ito pinansin.
I MADE a quick discussion about Eva’s condition. Nanatili namang tahimik ang kasama niya ngunit ramdam ko pa rin ang kakaibang titig nito sa akin. Napahilig na lang ako sa swivel chair. Women who are interested are easy to read.
“The consultation is done. Babalik ka next week,” paalala ko sa kanya at may iniabot sa kanyang gamot para sa mga mata nito.
Eva touched the box, trying to figure out what its purpose. Kinuha yun ni Laurie sa kanya at binasa.
“Gamot, Eva…” malambot nitong bulong.
“Ma-magkano po ito, Doc?” I saw how bothered she became the moment she asked for the price.
“It’s free. Sinabi ko naman sayo, wala kang babayaran,” seryosong sagot ko at pinagsiklop ang dalawang palad ko sa ibabaw ng lamesa habang titig na titig sa kanya. Madilim at malalim ang titig ko kay Eva na siyang napansin ni Laurie nang sulyapan ko ito.