Evangeline
“Pwedi ko ba siyang maidala sa lab?” seryosong tanong niya. Hindi ko na narinig pa ang sagot ni mama at sigurado naman akong tumugon ito sa pagtango.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at agaran din na pagsara nito. The room is cold and silent. Tila wala kang maririnig na ingay.
He guided me until I finally settle on the chair. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya ngayon ngunit nasisiguro ko na isinasagawa niya ang tests upang mas lalo pa akong matignan ng maayos.
“You’re eyes need donor, alam mo ba ang bagay na yun?” he gentle asked habang hawak ang baba ko. “May nararamdaman ka? Pehaps strong light?”
Umiling ako.
“It’s easy to conduct the surgery,” he whispered. Ramdam ko ang lapit niya sa akin. “Kung may donor tayo.”
“Ma-mahirap po bang maghanap ng donor?” alanganin kong tanong.
Malalim siyang napabuntong hininga, ramdam ko ang titig niya sa akin. Sa di malamang dahilan at kanyang katahimikan ay siyang nagpapailang sa akin.
“Lahat naman mahirap. But you need to trust your doctor, trust the process.” Narinig ko ang yapak niya palayo sa akin ng kaunti. “Wala akong masamang gagawin sayo. Ganyan mo ba tignan ang mundo? Lahat ng kabutihan at tulong ay kailangan bigyan ng kapalit?”
Hindi ako nakaimik. Isang marahan na tawa ang binitawan niya at muling lumapit sa akin, hinawakan niya ulit ang aking baba at inangat ng kaunti. His strong and firm hands is touching my skin, malaki ang kanyang kamay.
“Wala na pong libre sa panahon ngayon,” tanging rason ko.
“Walang libre. Pero may oportunidad sa mga taong hindi nawawalan ng pag-asa at sumusuko basta-basta,” he muttered. Ang boses nito ay malalim at masyadong pormal. He seems matured and manly on his voice, ngunit madali rin mapansin na mukhang bata pa siya.
“Ilang taon na ho kayo? Ilang taon na kayong doctor?” may pag-aalinlangan sa boses ko. Gusto kong makasiguro na ligtas ako at magaling siyang doktor. Hindi biro ang pagpapaopera.
“Almost five years na akong doktor, ngayong taon lang ako nakapagbukas ng sariling klinik. Umasa ako sa ospital at doon binigay ang serbisyo ko.” He paused for a moment. Tinanggal na niya ang pagkakahawak sa akin at naramdaman ko ang paglayo nito. “I’m twenty eight years old,” dagdag niya sa malalim na boses.
“Ang bata niyo pa…” I murmured unconsciously. Siguro dahil sa gulat at pagkamangha. Nakakahanga, ngunit may takot akong nararamdaman lalo na at tingin ko ay hindi pa siya bihasa. O ako lamang ang may ganung ideya sa isip ko dahil hindi ko siya makita?
“Compared to your age? Mas bata ka, Miss Eva,” he said with amusement on his voice. “You’re now degrading me because of my age? Hindi mo yata alam ang sinasabi mo,” pagbibiro niya at tumayo. The table moved a bit, mukhang nakaupo siya roon kanina pa.
Umikot ito at narinig ko ang tunog ng upuan. I heard him sat on his chair, mahinang tumunog ang ibabaw ng lamesa, may kung ano siyang nilapag doon. Maaaring bagay o kamay nito.
“Wa-wala akong sinabing ganyan.”
“We will have a regular check-up, Miss Eva. Your eyes need to be prepared for the surgery upang maging successful ang surgery, bukod roon ay magsisimula na rin tayo na makahanap ng donor. If I need to help and have time, I will.”
He is too good.
“Pa-paano kayo makakatulong? Mukhang abala kayo at marami pang pasyenti.”
“I will look in the hospital, asks their assistance and help. Tutal sila naman talaga ang puno ng programang nilungsad.”
LUMABAS NA KAMI ng laboratory, pinaupo ako nito bago bumalik sa kanyang inuupuan at kinausap na si mama. Nanatili akong tahimik habang nakikinig sa kanilang dalawa.
"Eva is not legally blind, she has normal eyes but I think after the accident happened, nag-blurred ang paningin niya. Hindi naagapan kaya lumabo ang vision niya. Luckily, she can still see after a surgery that I will conduct. The problem is, matatagalan tayo bago maghanap ng donor,” seryosong sambit ko nito. Sigurado akong nasa akin ang mga mata nila, diretso lamang ang tingin ko.
“Kung kakayanin ay maghahanap din ako ng donor,” determinadong sambit ni mama.
"She will have corneal transplant surgery. And to conduct that surgery, we first need to find a cornea donor. Hindi pweding mag-donate ang buhay para sa cornea, we need to find a person who will die and willing to donate his or her cornea before she or he dies,” paliwanag niya. “Yun ang bagay na mahirap. A donor that is close to his death.”
Hindi nakaimik si mama. Isang mabigat na pagbuntong hininga ang pinakawalan ko.
“Mahirap… but still, it’s a great opportunity, right?” he said with determination. “I need Miss Eva to visit my clinic twice a week. Habang wala pa namang nahahanap, might better to prepare her to the surgery. The service will be on our expense, kami na ang bahalang magpasundo sa kanya.”
LUMABAS KAMI NG clinic at hinatid hanggang sa makauwi ng bahay. Hindi pa ako lubusang nakakaupo ay siya namang biglaang pagpasok ni Laurie, malapit na kaibigan ko. Malapit sa pamilya ko. Anak ng mayor sa aming bayan, hindi maipagkakaila na gusto siya ng marami. Dahil sa pangalan? Siguro, bukod roon ay likhang mabait talaga siya.
“Kumusta ang examination mo?” tanong nito sa marahan na boses at umupo sa tabi ko.
“Maayos naman. Sa paghahanap yata ng donor kami mahihirapan.”
Narinig ko ang papalayong yapak ni mama. Doon ay mas lumapit sa akin si Laurie.
“You didn’t tell me na ngayon pala ang punta mo ng clinic ni Doc Franco.” May bahid na pagtatampo ang boses niya.
“Nabigla rin ako. Hindi ko alam na ngayon ang araw na iyun.”
“Kailan ang balik mo? Sasama ako,” agad nagbago ang boses nito at mas naging excited bigla. Hindi ko maiwasan na may mapuna sa kanya sa mga nagiging reaksyon nito. “Ako ang magmamaneho, ihahatid kita at sasamahan.”
“May susundo rito.”
Napapalakpak siya, “Sasama ako. Kailan yan?”
“Sasama saan?” sabat ni mama at lumapit sa amin.
“Sa clinic po, tita. Gusto ko rin sanang magpasalamat kay Doc Franco, he checked my eyes for free.” Hindi maitago ang saya sa boses niya.
“Aba! Tamang tama at hindi ako makakasama, samahan mo muna si Eva.”
Naramdaman ko ang siko sa akin ni Laurie.
“Nasa plaza ka rin nung araw na pumunta rito yung doktor?” takang tanong ko.
“Of course not,” mariing tanggi niya at pabirong sinampal ang braso ko. “Dad invite Doctor Franco in our house for dinner. Pasasalamat sa pagtulong niya sa bayan. That’s the time I have a chance to make him checked my eyes. Binigyan niya pa ako ng anti-radiation na eyeglasses.”
“Pero hindi ba at mayroon kana nun? Nakuwento mo sa akin para maiwasan na lumabo ang mata mo,” mas lalo pa akong nagtaka. Hindi kaya tipo ni Lauri ang Doktor na yun?
“Ah… hahahaha.” Tila hindi niya matuloy ang nais sabihin at nauubusan na ng salita. “O… Oo, pero kailangan ng baguhan. Tsaka hindi ko naman pweding tanggihan yung bigay niyang eyeglasses. It’s a free service.”
Napataas na lamang ako ng isang kilay at pinigilan ang pagngisi ng malapad.
Laurie is younger than me, halos isang taon lang. Isa sa mga dahilan kung bakit madali siyang tanggapin ng mga tao rito, hindi lang dahil sa pangalan niya kundi kung paano ito makitungo. Mukhang nasa dugo ang pagiging isang pulitika, magaling sa tao.
“Osige. Samahan mo ako.” Nginitian ko siya.