BOTHERED

2080 Words
Evangeline Naramdaman ko ang palad ng doctor na dumikit sa aking mga mata. Hinawakan niya ang mga mata ko para panatilihin iyung bukas, wala man akong makita ngunit nararamdaman ko na sinusuri ako nito ng mabuti. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa aking harapan dahilan para ang mahabang binti nito ay dumikit sa akin. “Kumusta, dok?” hindi makapigil na tanong ni mama na nasa tabi ko. Tumayo ang doctor, napaayos naman ako sa pagkakaupo nang mapansin na mukhang lumayo na siya sa akin. “She is fine. But I still need to examine her on my laboratory.” “Ano ito, dok?” takang pagtatanong ni mama kaya napakunot ako ng nuo. “It’s a form, kailangan lang ang kaunting impormasyon ng anak niyo para maipasa ko sa private hospital. Para yan sa program,” he explained. Marahan akong napalunok, diretso lang ang ulo at nakikiramdam sa paligid. Si mama ay mukhang nagsisimula ng sagutan ang form na binigay ng doctor. Hindi ko alam pero tumataas ang balahibo ko, lalo na sa batok ko. Pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin. Hindi nga ako nakakakita, ngunit nagpapasalamat naman ako dahil malakas ako makiramdam. “Heto, dok.” “Thank you, Mrs. Tolentino. Can your daughter come to my clinic this Friday? There are still various tests that I need to conduct,” pormal na usal niya. “Wala hong problema, dok. Lagi kaming may oras lalo na si Eva,” masaya at puno ng galak na tugon ni mama. Wala man akong kibo ngayon ay sa loob ko napakasaya ko, sa sobrang tuwa ay hindi ako makapaniwala. Totoo ba itong nangyayari? “The service is under the program, wala na kayong dapat ikabahala. Papapuntahin ko rito ang service ng ospital para kunin ang anak niya sa Biyernes.” “Naku! Maraming salamat, dok. Nakapakalaking tulong ang binibigay niyo. Labi ko kayong pinapasalamatan at napunta kayo rito para s alibreng konsultasyon.” Tingin ko ay mangiyak ngiyak na si mama sa sobrang tuwa. Tipid akong napangiti at bumaba ang ulo, pinagkaabalahan na lamang ang palad kong nakapatong sa ibabaw ng aking mga hita. “Masaya ako na nakakatulong,” seryosong tugon ng doctor, ang boses niya ay malalim. Sobrang seryoso sa punto na may dilim at panganib sa boses niya. Ang boses niya ay nahihimigan ko ng kakaibang emosyon. “Doc? Packed up na po ba tayo? Nariyan na ang sundo ninyo,” narinig kong boses ng babae sa malambing na tono ng pananalita. I heard him sighed deeply. Rinig ko ang pagtapik niya sa lamesa gamit ang daliri nito bago tuluyang tumayo. “Yes, please. We’re done,” tugon ng doctor at marahas na bumuga ng paghinga. “We’re done for today, thank you for the help everyone!” pagbati niya sa mga taong naroroon. Naramdaman ko ang kamay ni mama at pinatayo na ako mula sa pagkakaupo. Iilang tunog galing sa pag-aayos ang naririnig ko. “Maraming salamat ho ulit, dok.” Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na ba yan nasabi ni mama. “Walang anuman. But I would probably more pleased if I will hear that from the person who need the surgery,” malamig niyang usal at pabirong humalakhak ng marahan. “Anyway, I have to go. Magkita na lang tayo sa Biyernes. The information of my patient is already in the form, iko-contact na lamang kayo ng aking nurse.” Hinila ako ni mama, palabas o palayo sa plaza. Sa sobrang lakas at higpit ng pagkakahawak niya ay hindi ko maiwasan na mapasimangot sa kanyang ginagawa. “Ano ba naman, Eva. Hindi ka ba natutuwa?” pagtaas ng boses niya, patuloy pa rin kami sa paglalakad. “Malaking oportunidad na ito, makakakita kana sa tulong ni Doctor Franco! Hindi ka man lang nagpasalamat.” “Ma, paano ka naman nakakasiguro na talagang totoo siya sa mga sinabi niya? Hindi ka ba nagtataka? Agad niya tayong inalok ng free surgery nang hindi man lang nag-iisip. Diretso niya tayong inalok,” pagkontra ko sa kanya. Ayokong umasa, ayokong masaktan sa huli. Masyadong maganda at hindi kapani-paniwala ang alok niya, hindi ko maiwasan na magduda. “Ewan ko sayong bata ka! Magpasalamat ka sa kanya pagpunta mo ng clinic,” tanging paalala niya at wala ng nasabi pa sa akin. Kung dumating nga, paano kung binibiro lang pala kami nun? DUMAAN ANG ISANG araw, ang akala ko ay hindi na darating pa ang sundo. Ngunit nagulat na lang ako nang humahangos na pumasok si mama sa kuwarto ko at sinabing nariyan na raw ang sasakyan papuntang clinic. Mabilis niya akong pinagbihis. Dahan-dahan akong sumakay ng sasakyan, sinubukan akong alalayan ng babae na tingin ko ay siyang isa sa mga nurse ng doctor. Kinakabahan ako, excited ngunit kabado. Ayokong mabigo, sana lang ay totoo ang mga sinabi niya na libre lahat ng pagpapagamot. “Malayo ba ang biyahe, nurse?” rinig kong tanong ni mama na nasa tabi ko. “Hindi ho ba nasabi sa inyo, maam? Ang clinic ni dok ay nasa syudad, kinakailangan pang lumuwas ng probinsya, halos anim oras ang biyahe,” sagot ng nurse na kinagulat ko. “Kaya nga ho pati service ay libre na para sa inyo. Mahirap magpabalik balik lalo na at malayo.” Hindi ko maiwasan na mag-isip ng kung ano-ano. Paano kung hindi pala siya doctor at nagpapanggap lamang na doctor? Paano kung ang trabaho niya pala ay hindi taga-gamot ng mga mata kundi kumukuha ng organs sa sinasabi niyang mga pasyente? “Malayo layo pa pala ang biyahe natin,” usal sa akin ni mama na mukhang wala namang pangamba kumpara sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ako matutulog, mananatili akong attentive sa anumang bagay na mangyayari. “Matulog ho muna kayo, ma’am. Para hindi kayo mainip sa biyahe,” suhestiyon ng nurse dahilan ng pagsimangot ko. Napabaling na lamang ako sa bintana, nararamdaman ko ang ihip ng sariwang hangin. ANG AKALA Kong magiging attentive ako ay nakatulog ako sa gitna ng biyahe, nagising na lamang sa pagyugyog ng balikat sa akin ni mama. Lumabas kami ng sasakyan at kalaunan ay pumasok sa isang silid na malamig, bukas ang aircon at amoy mamahalin ang paligid. “Nurse Lara, si dok?” tanong ng kasama namin. “Nasa loob, tignan ko muna ang schedule niyo. May pasyente pa siya sa loob,” tugon nito. Pinaupo kami, naramdaman ko ang malambot na sofa nang makaupo ako. “Kumusta? Marami na naman bang patient si Doc?” rinig kong tanong ng kasama naming babae sa Nurse Lara. “CR muna ako,” paalam ni mama sa akin. Tumango lang ako at nakinig muli sa usapan nila. “Yep. Yung iba pinapunta na ng hospital. Wala sanang trabaho ngayon si Doc Franco kasi rest day niya at may event na pupuntahan.” Kuwento nung Lara. “Oh? Bakit pumasok pa?” Hindi ko na narinig pang sumagot ang isang babae, isang ‘aaah’ na lamang ang naging tugon nung kasama naming nurse. “Doc Franco is always been kind to his patient,” komento ni Nurse Lara. Hindi ako nakaimik at marahan na napalunok na lamang. “Miss Eva, pasok na po tayo sa loob,” usal ng Nurse Lara. “Ah… wala si pa si mama, nasa-CR pa.” Pagpigil ko. “Susunod na lang po siya,” marahang tugon niya at wala akong nagawa kundi sumama sa kanya papasok sa isa na namang kuwarto. Pinaupo niya ako hanggang sa marinig ko ang pagsara ng pintuan. Ramdam ko ang titig sa akin, hindi ko man alam kung saan banda, hindi ko man makita. Pero ramdam ko ang kakaibang titig sa akin, maaaring si Doc Franco ito. Dahil kaming dalawa lang naman ang naiwan sa silid. “Evangeline Tolentino,” usal niya matapos ang mahabang katahimikan, tila ba gustong maalala ang pangalan ko sa pagkakabanggit niyang yun. “Do-doc,” kabadong sambit ko. “I am currently reading your information. But I still have questions before we proceed to the laboratory.” Lumunok ako, sa sobrang tahimik ng kuwarto at tanging ballpen na tumatama sa lamesa ang nagsisilbing ingay ay pati paglunok ko nagbibigay ingay na rin. Tumikhim ako muli, hindi mapakali. “You’re twenty four years old, ilang taon ka nung maaksidenti?” he asked curiously. I bit my lower lip, “Eight years ago po,” paos kong sagot. “I was eighteen years old nang mangyari ang aksidenti.” Napayuko ako at mapait na ngumiti. Mahabang katahimikan ang nangibabaw sa pagitan naming dalawa. Ang isip ko ay naglalaro, dahilan para saglit kong makalimutan na kasama ko nga pala ang doctor. “Did you… find the suspect?” may awa sa boses niya nang bitawan ang salitang iyun. “I’m sorry for asking personal questions, kailangan ko kasing malaman upang mas malinaw sa akin ang iyong kondisyon. Don’t worry, your personal information will remain confidential,” paninigurado niyang dagdag. “Hindi ko pa po nahahanap,” diretsang sagot ko sa kanya. “Hindi pa…” he drawled. “Hinahanap mo?” “Opo, dok.” “Mabuti yan, kailangan niyang managot sa batas. Kung sino man ang may gawa sayo niyan,” usal niya at naramdaman ko ang pagtayo. Narinig ko ang yapak nito palayo sa akin, nagsimula na naman akong kabahan. Walang tiwala sa doctor na kasama ko. Hindi ko alam pero parang hindi ko maramdaman siya bilang isang doktor. Mas pakiramdam ko ay may masama siyang gagawin sa akin. Bumukas ang pinto at narinig ko ang boses ni mama, doon ay nakahinga ako ng maluwag. “Pasok kayo, Mrs. Tolentino,” usal ng doktor at umikot sa likod ko hanggang sa narinig ko ang pag-upo niya. Napanguso ako nang maramdaman ang paggalaw ng lamesa. “Maraming salamat ho talaga, dok. Masayang masaya ako at nakilala kita.” Tumawa si mama sa banayad na boses, napangiti na lang ako ngunit agad ring binawi ang ngiti nang maalala na wala kami sa secure at safe na lugar, hindi pa rin kumbinsido sa tunay na intention niya sa amin. “Hindi ako ang dapat niyong pasalamatan kundi ang ospital na siyang nag-organisa nitong programa.” Marahan na halakhak ang binitawan niya. “I already talked to your daughter, Mrs. Tolentino. But I think she is still hesitant and worried.” Naramdaman ko ang titig nila sa akin, lalo na ang tingin ni mama na siguradong nagbibigay babala ngayon. “Hindi yan basta nagtitiwala,” tanging rason ni mama. “Anyway, I need to discuss about the program to you, Mrs. Tolentino. And the process of your daughter’s evaluations and tests.” Nagsimula na sa pagpapaliwanag ang doktor na nasa tabi namin ni mama. Tanging pagsang-ayon ang mga naging tugon ng aking ina, nakinig din naman ako sa kanila. Ang offer ay masyadong maganda, hindi ko talaga kayang paniwalaan. “Anong kapalit?” bigla kong sabat sa kanilang pag-uusap nang marinig na lahat ay libre, bukod roon ay may handog pang pagkain, groceries, at gamit na kailangan ko. Sino ang maniniwala sa ganitong offer? “What?” tanong niya na tila namangha at natigilan. “Masyadong maganda sa pandinig ang mga sinasabi mo. Talaga bang wala kayong hihingiin na kapalit?” tanong ko sa kalmadong boses ko. “Eva!” saway ni mama pero tipid lamang akong ngumiti. Wala namang masama sa pagtatanong, hindi ba? “You can declined the offer of our private hospital. Walang pumipilit sayo, Miss,” kalmado niya ring tugon, mas pinakalma pa kumpara sa boses ko. “Matanong lang talaga itong anak ko, dok. Pagpasensyahan mo na,” mabilis na saad ni mama at nahihiyang tumawa. “Iniisip ko lang naman na baka kailangan niyo ng magandang review para sa patient niyo o pag-uusapan ng marami para mas mahikayat ang ibang tao na ospital o clinic niyo ang puntahan para sa pagpapagamot,” pag-amin ko at ngumiti. Hindi ko gustong masaktan ang damdamin niya o tignan niya ang sinabi ko sa negatibong paraan. Nais ko lamang ibahagi ang opinyon ko. He chuckled in an arrogant way, “Miss Evangeline Tolentino, I do not own the private hospital. I only own this clinic, the private hospital was the one that conducted this program. And because I have high respect and loyalty to Etereo Private Hospital, tinanggap ko na mapabilang sa programang ito. Etereo Hospital provides me experience, credentials, and respect that I have right now.” Ramdam ko ang seryoso sa boses niya nang sabihin iyun. Hindi ako nakaimik, buhay pa rin ang pag-aalinlangan sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD