CONSULTATIONS

1303 Words
Evangeline NAGISING AKO SA ingay ni mama galing sa labas ng kuwarto ko, agad akong bumangon at binuksan ang pintuan. Ramdam ko ang pagkakataranta nito dahil sa mabibigat at mabilis na mga yakap. “Suotin mo yan at magpalit kana ng damit. Bilisan mo, Eva! Baka mahuli tayo.” Naramdaman ko ang damit na pinatong ni mama sa dalawang kamay ko. “Saan tayo pupunta, ma?” takang tanong ko. “Maligo kana ng makakain at makaalis tayo ng maaga.” Kahit nagtataka sa nangyayari ay sinunod ko na lamang ang utos ni mama na kanina pang taranta sa ‘di malamang dahilan. Matapos kong maligo ay lumabas ako at sinimulan ang kumain habang si mama ay abala rin sa pag-aayos sa kanyang sarili. Hanggang sa narinig ko ang pamilyar na makina ng sasakyan ang huminto sa tapat ng bahay namin. “Locita!” tawag ni Tito Boyet dahilan para tumayo ako at lumapit sa pintuan. “Tito Boyet, napadaan po kayo?” masayang salubong ko sa kanya. “Narito ako para ihatid kayo sa plaza. Asan na ba ang nanay mo? Anong oras na at baka hindi na natin maabutan,” may galak at excitement sa boses ni tito. “Ano nga ho ba ang pupuntahan natin at parang ang saya ninyo?” tanong ko at natawa na rin kalaunan. “Hindi pa ba nasabi sa iyo ni Locita na—“ “Boyet,” putol agad ni mama at lumapit sa tabi ko. “Pasensya na sa abala, tanghali na kasi itong nagising si Eva at ngayon ko lang din nalaman yung ganap sa plaza.” “Tara na at baka mahuli pa tayo,” aya ni Tito Boyet. Inalalayan naman ako ni mama na makapasok sa loob ng lumang sasakyan ni Tito Boyet. ANG BOSES NA aking naririnig ay karamihan boses ng mga matatanda, hindi ako sigurado kung ano ang kaguluhang nangyayari ngunit alam kong nasa plaza na kami ngayon. Umalis na si Tito Boyet habang kami ni mama ay nakatayo na kakalabas lang ng sasakyan. “Tapos na?” tarantang tanong ni mama na tingin ko ay para sa malapit sa amin na dalawang babae. “Oo, Locita. Pero pwedi pa naman yata kayong humabol. Ipapa-check-up mo rin ba iyang si Eva? Tamang tama, naroon pa si Doc,” may kung anong kilig sa boses ng ginang. Natigilan ako sa narinig at hindi nakagalaw sa kinatatayuan, naglaho ang kaninang saya at napailitan ng sakit at inis. “Umuwi na tayo, ma,” kalmado ngunit madiin kong usal. Akmang tatalikuran ko na sana siya ngunit mabilis na hinawakan ni mama ang kanang kamay ko, hinigpitan niya ang hawak sa akin upang hindi ako makawala. “Check-up lang naman, Eva! Free consultation ito, walang bayad kung yan ang nasa isip mo,” ramdam ko na rin ang iritasyon ni mama. Pagak akong natawa sa sinabi niya. Kung iniisip niya na kulang ang kaalaman ko sa ganitong sitwasyon ay nagkakamali siya. “Free-consultation,” tumatawang sambit ko. “Sasabihin lang naman ng doctor kung ano ang problema ng mata ko. At anong suggestion ang gagawin niya? Syempre operasyon, ma! Doon din babagsak itong free consultation na sinabi mo!” frustrated kong tugon sa kanya. Pinalo niya ang kamay ko, “Hinaan mo yang boses mo at may iilang tao pa na narito. Magtatanong tayo ng tamang proseso para magamot ka, ito na ang pagkakataon pero tatalikuran mo pa!” Naramdaman ko na lang na hinila niya ang kamay ko ng buong pwersa. “Ma, naman!” pigil ko sa kanya. Nagpupumiglas ako na makawala sa hawak ni mama, sa inis ko ay malakas kong binawi ang kamay kong hawak niya na siya namang nabitawan nito. Ang akala ko ay babagsak ako sa lupa ngunit naramdaman ko ang dalawang kamay na humawak sa baywang ko. Kamay pa lang ay alam kong lalaki ang nasa likod ko ngayon. “Careful… Ayos ka lang?” he asked in his baritone voice. Nakayuko ako at unti-unting inangat ang ulo ko ‘tsaka inayos ang iilang hibla ng buhok na humaharang sa aking mukha. “Ayos lang,” tipid kong sagot. Hindi ko siya magawang pasalamatan dahil buhay pa rin ang inis ko. Naramdaman ko ang pagluwag ng kamay niya sa aking baywang. “Doc,” tawag ni mama. “Doc?” Napakunot ang nuo ko, doctor ang nasa tabi ko ngayon? Ang humawak sa akin? “So-sorry. Yes? How may I help you?” pormal nitong tanong. “Pwedi pa po bang humabol?” may paggalang na tanong ni mama. Mariin akong napapikit. “Ma. Umuwi na tayo,” ngayon ay sinubukan kong pakiusapan siya ng maayos kahit alam kong hindi na magbabago ang desisyon nito. “This way,” the man uttered, ignoring my statement. Hinawakan ako muli ni mama ngunit ngayon ay hindi na ako nagpumiglas pa at sumunod na lamang sa kanya. Nakakahiya naman kung ngayon pa kami magtatalo sa harap ng doctor. Pinaupo niya kami, ramdam ko ang lamesa sa gilid ko. Napapitlag ako sa bigla nitong paghawak sa mukha ko upang maangat ng maayos. He even opened my eyes gently and examined it, may ginawa pa siya na hindi ko alam kung ano. “Kaunti lang ang gamit na dala ko rito. My complete equipment is in our clinic,” narinig ko ang paggalaw ng upuan, hudyat ang pag-upo nito. “If you want, I can schedule your daughter to go to my clinic to conduct various tests on her eyes,” he suggested. Natahimik kaming dalawa ni mama, ako ay napaiwas na lamang at pilit tinatago ang pagkabigo. Naramdaman ko ang palad ni mama sa ibabaw ng kamay na nasa hita ko. Umangat ang ulo ko, kahit hindi ko siya makita ay alam ko na pursigido ito na mapagamot ako. “May pag-asa pa po ba siyang makakita ulit?” tanong ni mama. “Umuwi na tayo, ma,” pakiusap ko sa maayos na paraan. “Of course, she will. Kailangan lang natin ng donor na magma-match sa kanya. It would be hard, mas mabuting maagang masimulan para walang oras ang masayang.” “Maaari po bang malamang kung magkano ang… aabutin ng operasyon?” maingat na tanong ni mama. “Basically, from consultations and—“ “Nag-aaksaya lang tayo ng oras, ma. Wala tayong pera para sa operasyon,” pagputol ko sa sasabihin ng doctor. Natahimik at siguradong natigilan sila. Lalo na ang doctor na narito, ngayong alam niya na wala naman kaming pera para sa operasyon ay wala na itong interes na kausapin kami. “Umuwi na tayo, ma. Please,” mahinang sambit ko at tumayo. “I can do the treatment on your eyes for free,” pormal na usal ng doctor sa amin dahilan para maestatwa ako sa kinatatayuan. “Free ho ba, Dok?” hindi makapaniwalang tanong ni mama. Napakunot ako ng nuo, masyadong maganda sa tainga ang kanyang sinabi ngunit hindi ko maiwasan na magtaka sa alok nito. “Gagawin mong libre ang surgery at consultations ko? Para saan?” gulong tanong ko sa kanya. Saglit siyang natahimik dahilan para maramdaman ko muli ang pagpalo ni mama sa kamay ko. “There is a private hospital na pinagtatrabahuhan ko rin. Every year we pick 5 people who will be treated in the hospital for free, it’s our program that we organized to help people in need. I am here not just to conduct free consultations but to find people who can be included in the program,” paliwanag niya. Nanghina ang tuhod ko at napaupo ulit sa kinauupuan kanina lang. Totoo ba ‘to? Lahat ng sinabi niya ay totoo ba? Magagamot ako ng libre? Makakakita ako? Hindi ko maiwasan na maging emotional, suminghot ako at napangiti na lamang sa di sobrang tuwa. Teka! Ano nga bang pangalan ng doctor na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD