Evangeline NAGISING AKO sa tawag ni Doctor Franco sa akin. Halos habol ko ang paghinga ko at may bahid ng luha sa gilid ng mga mata ko. Bumangon ako sa pagkakahiga sa sofa at unti-unting tumulo ang luha ko. “Nananaginip ka,” Doctor Franco uttered. Marahan niyang hinaplos ang magkabilang braso ko. “Nakatulog ka habang hinihintay si Manong Oscar.” “Hindi ako nananaginip,” matigas kong sambit. “Binabangungot ako.” My lips trembled and started crying again. Lumuwang ang pagkakahawak niya sa braso ko at natahimik. “Sinusubukan kong kalimutan ang nangyari sa akin. Ngunit paulit-ulit pa rin ako nitong binabangungot. At tuwing nangyayari yun… natatakot pa rin ako,” bulong ko sa gitna nang aking paghikbi. Sa di malamang dahilan ay naramdaman ko ang biglang pagyakap sa akin ni Doctor Franco

