Evangeline PINAPASOK AKO ni Nurse Lara sa loob ng Laboratory room ng clinic ni Doctor Franco. Tahimik ang malamig na kuwarto. Ilang segundo lang ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan. “How are you, Eva?” tanong nito sa malalim na boses. “Ayos naman, Doc Franco.” I smiled at him. “Let’s evaluate you.” He started like in hurry. “Madali lang ‘to. Then after that you can go home early today.” Mabilis na naglaho ang ngiti sa labi ko sa sinabi niya. May kung ano na siyang ginawa na lagi nitong ginagawa kapag nandito ako. Hinawakan niya ang pisngi ko at inangat. He made me opened my eyes and examined it. His tumb accidentally touch my lower lip, natigilan siya at mabilis na lumayo. “We will see each other next week. Maayos naman ang lagay mo.” Narinig ko ang pag-upo niya sa swivel cha

