Chapter 42: Wedding Invitation

2168 Words

Tuwang-tuwa si Clint nang sagutin ko siya habang nasa isa kaming restaurant, hindi ko rin maiwasang matuwa sa nakikita kong saya sa pagmumukha nito. Halos buhatin niya ako sa kanyang kasiyahan at hindi malaman anh gagawin. "Pinch me, Lily, hindi ba ako nananaginip lamang?" maang nitong saad sa 'kin. Imbes na kurutin ko siya ay hinawakan ko siya sa magkabilaang braso niya. "Hey, hindi ka nananaginip, nandito ako at oo, tinatanggap na kita," ulit kong turan dito. Halos maiyak ito sa tuwa bagay na hindi ko inaasahan, niyakap niya ako ng mahigpit, maya-maya ay hinawakan nito ang aking kamay at masuyong hinalikan. "Thank you, Lily, sisiguraduhin kong hindi ka magsisisi na sinagot mo ako, kung gaano ko kayo inalagaan ni Bella ay dodoblehin ko pa ngayon na kasintahan na kita," turan ni Clint

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD