Halata na ang aking tiyan pero parang wala pa ring pagbabago sa ugali ni Clint, mabait pa rin ito at super sa pagiging maasikaso sa 'kin. Ang alam tuloy ng mga staff nito at mga taong nakakakita sa amin ay kasintahan kami, wala rin itong tigil sa panunuyo sa 'kin, kung may nakakaalam lang ng kuwento ko ay baka isipin pa nilang buntis na nga ako ay kumakaringking pa ako. Kahit anong discouragement ang gawin ko kay Clint at patuloy pa rin ito sa panunuyo sa 'kin. Hanggang sa manganak ako ay hindi ako iniwan ni Clint, grabe ang sakripisyo niya sa 'kin at sa anak ko. Akala nga ng doktor at mga nurse ay ito ang ama ng dinadala ko. Namangha ang staff nang lumabas ang aking supling, abuhin kasi na may pagka-greenish ang mga mata ng sanggol at halata sa blond nitong buhok na may lahi ito. Masyad

