Hindi tumigil si Blake sa paghahanap sa kanyang mag-ina, maging ang mga magulang ay hindi na rin nakatiis at sumama na rin sa paghahanap. Humigit-kumulang isang linggo na ang iginugol nilang paghahanap pero hindi talaga nila mahanap sina Lily at ang anak. Pabalik-balik si Blake sa pamilya ni Lily pero wala siyang impormasyong nakuha sa mga ito. Nawawalan na siya nang pag-asa at halos maglumuhod siya sa ina ni Lily magsabi lamang ito ng mga nalalaman hinggil sa kinaroroonan ng kanyang mag-ina. "Hindi po ako tatayo rito hangga't hindi po ninyo sinasabi ang nalalaman ninyo, nababaliw na ako, hindi ko na alam kung saan ko pa hahanapin ang mag-ina ko," lumuluhang wika. "Nagsasabi ako ng totoo, hijo, wala kaming alam sa kinaroroonan nilang mag-ina. Nagpadala siya ng mensahe kahapon at sinasab

