Papunta na kami sa room namin dahil kakatapos lang naming kumain sa cafeteria ng makasalubong namin sina Cristel sa daan habang kasama niya si Ivan. Huminto siya ng makita niya ako at ganun rin si Ivan. Hindi niya yata iniexpect na papasok ako ngayong araw. " M-max. " sabi ni Cristel. Diretso lang ako ng lakad ko at hindi siya pinansin. Kahit tingin man lang wala! Alam kung nagulat sila sa ginawa ko. Pero ikaw ba naman na nawala lang ng isang linggo. Tapos pagbalik ko ganito na ang maabutan ko? Akala ko ba hindi na niya papansinin ang lalakeng yun?! Akala ko ba hindi na siya lalapit sa lalakeng yun, dahil naiireta siya dito. Pero ano ang ginawa niya? Makikita ko sila ngayon na magkasama? Doon pa sa bwesit na bwesit na lalakeng yun. Makita ko palang ang mukha ng lalakeng yun. Nakakaireta

