Pagkarating ko sa bahay, nakita ko si Kuya na nakaupo sa may couch at bihis na bihis. Napatingin naman siya sa akin ng makita ako. Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi. " Saan ang punta mo. Bihis na bihis ka yata? " nagtatakang tanong ko sa kanya. " Magbihis ka na rin, may pupuntahan tayo. " sabi niya sa akin. Hindi man lang pinansin yung tanong ko sa kanya? Magtatanong pa sana ako kaya lang naisipan kung huwag nalang pala. Dahil baka hindi niya rin naman sasagutin. Umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko. Pagpasok ko sa loob ng kwarto, napansin ko agad ang isang damit na nakalagay sa may kama ko. Kinuha ko yung note na nakalagay malapit sa damit. " Wear this. " Yun lang ang nakalagay sa papel. Matapos kung basahin ang nasa papel. Inilagay ko ito sa may table ko malapit sa m

