Pagdating ko sa Baby Bar agad akong bumaba sa taxi pagkatapos kung magbayad sa driver. Pagkapasok ko sa loob agad kung hinanap yung mga babaetang yun. Ano na naman kaya ang pinasok ng mga to at bakit nasali si Manriquez sa problema na yun. Napansin kung may nagkukumpulan sa may gitna. Kaya lumapit ako doon para matingnan kung anong meron sa gitna. Pero ilang distance ang kailangan ko para makalapit sa kanila ng marinig kuna ang boses ni Manriquez. " Wala kabang kahihiyan sa sarili mo? O talagang desperada ka talagang makipagbalikan kay Prince Ivan. Matapos mong makipagbreak sa kanya noon. Gusto mo namang makipagbalikan sa kanya ngayon? " rinig kung sabi ni Manriquez. Hindi ko man makita kung sino ang sinasabihan niya. Pero mukhang alam ko na kung sino ang taong yun dahil sa mga pinagsa

