Matapos ng klase namin, nauna na kaming umalis sa kanila. Hindi na kami sumama pa ni Ivan sa kanila, dahil kung saan-saan naman pumunta ang mga yun. Kami naman ni Ivan ay may pupuntahan din. Syempre pupunta kami kina Mama, excited na akong makita sila. " Ang laki ng ngiti mo ha. " sabi sa akin ni Ivan habang nagmamaneho siya. " Syempre naman. Ilang araw ko ding hindi nakikita sina Mama no. Kaya dapat lang na masaya ako. " nakangiting sabi ko sa kanya. Ilang minuto ang nakalipas ng nakarating na kami sa bahay. Ipinarada ni Ivan yung sasakyan niya sa harapan ng bahay saka kami lumabas. Pagpasok namin sa loob ng gate. Usual, walang sasalubong sa amin dahil wala naman kaming made dito. " Hello everyone! " biglang sigaw pagpasok ko sa loob ng bahay. Nagulat naman sina Mama at Papa. Napa

