" Gusto kung malaman mo, Cristel. Gusto na tapusin yung pagpapanggap nating dalawa. " sabi ko sa kanya. Gulat naman siya sa sinabi ko. Nagtataka namang napatingin sa amin si Ivan. Hindi pa siguro sinabi sa kanya ni Cristel yung totoo. Lihim naman akong napangiti. Ako pala ang kailangang tumapos nito para wala ng masasaktan sa amin. " A-anong pagpapanggap? " nagtatakang tanong sa akin ni Ivan. " Hindi naman talaga ako tunay na boyfriend ni Cristel. Nakiusap lang sa akin si Cristel na magpanggap maging boyfriend niya. Dahil nga mabait akong kaibigan, syempre pumayag naman ako. Para tigilan muna si Cristel at para naring asarin ka. " natatawa kung sabi, kahit na kaloob-looban ko nasasaktan na ako. " At nagtagumpay nga kayo? " seryuso nitong sabi. " Oo naman! Ang galing ko kayang u

