"Good morning, Trainees. I know you're all excited to visit the place where we produce the best-tasting wine. Am I right?" saad ni Florence sa mga empleyado.
Isa sa mga rule at probationary test ng Buenosantimar Winery Company ay ang pagbisita sa kanilang Grapes Plantation o Vineyards ng company. Ngunit hindi lang ito basta pagbisita. Mayroong nakapaloob ng requirements dito.
Ang lahat ng pupuwedeng maging empleyado ng company na iyon ay dapat na marunong mag-alaga ng grapes. Kaya naman talagang dugo at pawis ang puhunan ng kumpanya na ito. Hindi lang ang mga taga-tanim ng grapes ang may parte rito. Pati na rin ang lahat ng mga empleyado. At isa pa ay allowed silang bumisita rito kahit pa hindi na sila under probation.
Maaari silang magtanim, mag-alaga at mamasyal sa plantation. Kahit ang pamilya nila ay libre ring bumisita. Dahil sa naging tourist spot na rin ito. At bukod pa roon ay maaari silang bumili ng grapes at mamitas para sa sarili nila. May mga naka-assign naman na magbabantay rito upang masiguro ang kaayusan at walang masira o magtatampong mga pananim.
"Yes, Ms. Florence." sabay-sabay na saad ng mga empleyado. Kakikitaan din ang mga mata nila ng excitement. Kulang na lang ay kuminang-kinang ito nang literal. Halos lahat ay nakahanda na. May ipinamamahagi na gloves sa mga ito at disposable apron na rin upang mapanatili ang kaayusan.
"By the way, Ms. Florence, I have a question." sabi ng isang trainee na si Carol.
"Yes, Ms. Carol? " balik na sabi naman ni Florence sa babae. May pagka-maldita ang mga matang singkit ni Florence ngunit mabait naman ito. Kadalasan lamang ay Nami-misinterpret ito. Katulad ngayon na hindi niya namalayan na tumaas na pala ang kilay niya nang lumingon siya kay Carol.
"If everyone in this company had tried taking care of the vineyard, has the CEO been there to do the same?" tanong nito na nakataas din ang kilay. At ang tanong na iyon ay sinegundahan naman ni Gianne Cressa Dela Montez---ang isa sa mga trainee.
May background kasi ito sa pag-aalaga ng grapes dahil may maliit na winery sila sa probinsya. Sa kasamaang palad ay nalugi ito at hindi na naisalba pa. Alam niya ang sikreto kung paano magiging matamis ang tumutubong bunga ng grapes mula pa lamang sa bubot na bunga nito.
"Yes, Ms. Gianne?" bago pa man sagutin ni Florence ang tanong ni Carol ay nagtaas na ng kamay si Gianne para magtanong.
"Oh, sorry, Ms. Florence. It's the same with her question. But the follow-up question I have is, how often does the CEO visit the winery?" nakangiting tanong ni Gianne sa Trainor.
"Hmm... That's a wonderful question." saad pa ni Florence na tila may kung anong naalala at kung makangiti ay wagas.
"Well, he normally does a surprise visit like 2-3 times in a month. So better be prepared. In case you'll meet the CEO, politely greet him with a smile." saad ni Florence sabay turo sa malapad niyang ngiti na tila may ibang meaning ngunit hindi naman napansin ng iba. Tanging si Gianne lamang ang nakapansin.
"Why does it sounds odd?" bulong ni Gianne. Ngunit tatango-tango lang siya sa sinabi ni Florence habang nakangiti rin.
"So, are you all ready?" tanong ni Florence. Sampung trainees ang lahat-lahat ng kasama niya ngayon ngunit dadalawa lamang ang matanong. Ang mataray na si Carol at ang jolly and friendly na si Gianne.
"Yes, Ms. Florence!" sigaw ng mga ito.
"Well, then. Let's go guys!" sigaw ni Florence with full of energy. Sabay-sabay silang nagtungo sa service bus nila.
May sariling service ang company patungo sa winery. Nagmamay-ari ang company ng sampung mga service busses dahil sa dami ng nag-a-apply rito araw-araw ngunit iilan lamang ang pumapasa. At iyon ay ang mga piling-pili lamang na mga empleyadong pumasa sa pag-aalaga ng grapes.
Nang makarating sa service bus ay excited na nagsi-sakay ang mga empleyado. Nagsi-upo sa kani-kanilang napiling puwesto. At sa unahang upuan naman naupo sina Carol at Gianne. Hindi sila magkakilala ngunit halos pareho ang takbo ng isip nila. Ang pinagkaiba lang ay first time ni Carol magiging plantita samantalang si Gianne ay may experience na.
"Just to remind everyone, you won't recognize the CEO easily. He never posts his face in magazines nor been published in newspapers." paalala ni Florence sa trainees.
"People who recognized him were only those who have seen him before. He prefers a secret and discreet life." sabi pa nito.
"As the saying goes, keep yourself in low-key and let them discover your success." napaisip naman ang mga ito kung may ganoon nga bang kasabihan.
O baka mali lang ang pagkaka-deliver nito kaya hindi nila maalala ang kasabihang ito. Although nakuha naman nila ang ibig nitong sabihin. And malapit naman ng kaunti sa quote na iyon. Tumango na lamang sila na tanda nang pagsang-ayon sa trainer nila.
Sa harapan lamang nakatayo si Florence dahil magdi-discuss ito ng mga key points at do's and dont's sa winery at ng company. At ang pinaka-highlight ay ang maayos na pakikitungo sa CEO nila. Lalong lalo na kapag kaharap ng mga ito ang CEO nila.
Habang nasa biyahe ang mga ito papuntang La Union ay abala sa pagsasalita si Florence. Daig pa ang naka-full charge na battery sa energy level nito. Mula pa kaninang umaga ay nagsasalita na ito at magpa-hanggang ngayon.
Alas-siyete pa lamang ay nasa opisina na ito pati na sina Gianne at Carol. Ang mga early birds sa mga trainee.
Tila auto-recharge talaga. Halos hindi na rin ma-absorb ni Gianne ang mga sinasabi nito. Paano ay history na lamang naman ng vineyard ang sinasabi nito. Ayon sa kuwento ni Florence ay matagal na itong business ng mga Buenosantimar.
Nagsimula ito sa nag-iinumang magkaibigan na sina Maximus at Gregory. Wala silang mahagilap na pulutan noon at tanging grapes lang ang nakita nila. At dahil may katamisan ang pananim ng lola ni Maximus sa bakuran ay nag-enjoy silang kainin ito.
Si Gregory ay anak ng taga-tanim ng grapes ng lola ni Maximus. At hindi naman mapili si Maximus sa kaibigan. Kahit anong kalagayan pa nito sa buhay ay nilalapitan nito maging ang mga taga-tanim nila. Palagiang isinasama si Gregory ng tatay niya sa taniman nila at hanggang sa paglaki ay naging close na sila.
At dahil doon ay parati silang nag-bo-bonding. Nang gabing iyon nga ay naisip nila na bakit hindi palaguin ang taniman ng lola nila na namana niya at gawing wine. Sa kasamaang palad ay hindi na niya nakitang bigla si Gregory matapos nilang maisip ang business na iyon. Sinubukang hanapin ni Maximus ang matalik niyang kaibigan ngunit hindi na niya ito natagpuan.
Sa kabila nang pangyayaring iyon ay itinuloy pa rin niyang mag-isa ang business na iyon hanggang nagkaroon na sila maraming branch. At ang isa sa mga branch nila ay ang pag-aari ng apo niya na si Max. O Maximo. At ngayon nga ay kilala na ito sa isa sa mga best-tasting wine sa bansa na naka-locate sa La Union.
Sa dinami-rami ng ikinuwento ni Florence ay ito ang pinaka-tumatak sa isipan ni Gianne. Sa haba ng byahe ay pinagpahinga sila ni Florence sa wakas. Naupo na ito at hinayaan silang magmasid-masid sa paligid. Muling napatulala si Gianne sa labas. Nangingiti siya sa nakikita niya.
Ang sarap tingnan ng mga berdeng kapaligiran. Nasa La Union na nga sila. Masarap ang simoy ng hangin kumapara sa Manila. Makikita ang mga maliliit na Plantation. Nasa ganoong pag-iisip si Gianne nang makaramdam siya ng kalungkutan. Nami-miss niya ang best friend niya. Nami-miss niya si Maxine.
Sa pagtulala niya ay kasabay niyon ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Nasaan na nga kaya ito. Masaya na siguro ito sa kinalalagyan niya. Marahil ay kasama na niya ang nasa itaas. Iyan ang mga bagay na pumasok sa isipan ni Gianne. Kung sana lang ay may magagawa siya para rito.
Bigla siyang nagbalik sa ulirat nang marinig niya ang matinis na boses ni Florence na daig pa ang babaeng taga-kanto kung magsalita. Iyon bang tipo ng tao na hindi pa tumatawa e parang tawa na ang boses nito sa tinis. Parang talakera sa palengke with poise.
"Okay, trainees. We're here!" sigaw ni Florence. Tila naalimpungatan naman ang iba sa pagsigaw nito. Paano ay nakatulog ang iba sa haba ng biyahe. Mahigit apat na oras din ang biyahe nila bago makarating sa Grapes Plantation. Naka-kunot ang noo ng mga ito dahil naistorbo ang pagtulog.
"Welcome to Buenosantimar Grapes Plantation and Grapes Picking!" sigaw pa nitong muli sa kanila.
"Kung kakanta kaya si Florence ay babatuhin siya ng mga tao?" malokong isip ni Gianne. Naiiling-iling na natatawa siya sa naisip niya.
"Ang salbahe ko sa part na iyon." sabi niyang muli sa sarili.
Nang makababa na ang lahat sa sasakyan ay pila-pila itong naghintay sa entrance habang inaayos ng Trainor nila na si Florence ang pass nila. At dahil sampu sila ay marami-rami ang ililista ni Florence sa logbook. Para lamang naman ang logbook na ito sa mga empleyado. Iba ang linya ng para sa mga Tourist nila.
"Okay, guys. Let's go!" saad nito habang ipinamamahagi ang mga purple na lanyard na may temporary pass. High-tech na kasi ang entrance nila sa plantation at hindi ito basta-basta mapapasok nang walang pahintulot.
"Cool." sabi ni Carol at ng iba pang trainees nang i-tap nila ang access card sa glass swing barrier turnstile speed gate. Mga limang katao ang maaaring mag-tap nang sabay-sabay sa lawak ng entrance na ito.
At nang makapasok sila sa loob ay tanaw na nila ang plantation. Talaga namang napakaraming tao ang pumupunta rito. Bukod sa tamis ng grapes nila ay talagang masarap ang wine nila. Pang-first class na wine. Sa kabilang building ay may entrance ulit. Doon naman makikita ang iba't ibang klase ng wine ng BW Company.
"Trainees, please ensure that you are all wearing your temporary access. We will later request another access to visit that building." turo nito sa building kung saan ginagawa ang wine at makikita ang mga display ng iba't ibang wine.
"For now let's go here." binigyan sila ng pagkakataon para libutin nila ang Plantation. Although hindi naman kaya na libutin ito ng isang buong araw ay maaaring maglibot sila kinabukasan. Isang buwang pagsasanay ang nakalaan sa kanila. Provided naman ng company ang pag-i-stay-han nilang accommodation.
Malaki na ang na-invest ng mga Buenosantimar sa business nilang ito kaya naman afford na nila ang paikutin ang kita nila sa kanila lamang. Pag-aari ng mga magulang niya ang hotel na pagtutuluyan ng mga trainees. At hindi rin naman kasi farmers ang mga ito. Sa office ito magta-trabaho kaya fair lang na bigyan sila ng maayos na accommodation.
"Kung makikita ninyo, ang mga empleyado rito ay halos may mga edad na." pagkukuwento ni Florence.
"Dito na sila lumaki at nagkaisip. Ito na ang ikinabubuhay nila." sabi pa ni Florence. Muli na namang naalala ni Gianne ang winery nila. Ganoong-ganoon ang trato nila sa mga empleyado nila.
Although hindi ganito na kasing-laki na kumpanya ngunit parehong-pareho ang pagpapatakbo nila. Kung hindi lamang sana ito nalugi ay marahil na naroon pa rin siya. Kung sabagay ay baka hindi rin. Nais niyang maka-move on sa pagkawala ng pinakamamahal niyang matalik na kaibigan.
"Remember all the techniques we've studied on how to plant and take care of the grapes. You can always ask the farmers if you're unsure. I bet that after this probation, you can already grow your own grapes in your backyard." sabi pa ni Florence na paulit-ulit na nagpapaalala habang tinatahak nila ang nakalaang daan para sa tao sa bawat grapevines.
"I have a question, Ms. Florence." kanina pa nais na magtanong ni Carol dahil wala talaga siyang experience sa pagtatanim ng grapes.
"Yes, Ms. Carol. What is it?" tanong ni Florence at ibinaling naman ng iba pang trainees ang attention nila kay Carol.
"According to my research, and according to what you've taught us, it will take up to three years before it can bear fruit, so how will you rate us if our training period here is only for a month." nagsi-tanguan naman ang ibang mga trainee. Tila pareho sila ng katanungan kay Carol.
"That's a great question, Carol." tatango-tango ring sabi ni Florence.
"You'll discover that as soon as the end of the month came. So for now. Enjoy, have fun and learn." saad pa ni Florence. Tila na-disappoint naman ang ilan sa sagot ng trainer nila. Tahimik naman na nakamasid lang si Gianne.
Matapos nilang libutin ang halos 1/4 lang na puwesto ng plantation ay nagtungo na sila sa kabilang building kung saan ay naroon ang pagawaan ng iba't ibang uri ng wine at display. Binigyan sila ng pulang lanyard na may access card.