Chapter 4 - The Plantation

2119 Words
"These are your access cards for the whole month." sabi ni Florence sa mga trainees habang iniaabot ang mga ito isa-isa. At dahil madaldal ang boses ipis na si Florence ay walang tigil ang bunganga nito kadadaldal. Iyan naman talaga rin ang asset niya kaya siya nagtagal sa kumpanya bilang trianor ng mga newly hired employees. "Everyone, please ensure that you are all wearing it inside the premises. The securities has the right to dragged you out of this plantation and this entire building if you're unable to prove that you're Buenosantimar Winery Company employees." sabi pa ni Florence habang pinagtututuro ang buong plantation matapos na mai-abot sa mga ito ang kulay pulang lanyard. Nakakabit sa mga lanyards ang mga access card. At ito ang gagamitin nila para makalabas-masok sa building na iyon. Nang matapos mag-register ng panibago sa lobby ng building ay naglibot na sila sa loob. Tila isang napakalaking museum ang building na ito na naglalaman ng iba’t ibang mga uri ng mga wine. May mga white wine at mga red wine. Makikita rin dito ang mga display nilang certificates and awards for being the best-tasting wine company. Naglalakihang trophy ang nakita ni Gianne nang napatingala siya. Natutuwa siya sa achievements na ito at the same time ay naiinggit. Natutuwa dahil napakasuccessful ng company na papasukan niya. Kung makikita lamang ng tatay niya ang mga ito ay tiyak na matutuwa rin iyon. Lumaki siya na laging pinangangaralan ng tatay at nanay niya na matuwa sa achievements ng iba at huwag maiinggit. At dahil hindi maiiwasan ang inggit ipinangaral din sa kanya na gamitin ang inggit bilang challenge at hindi panira ng ibang tao. Naiinggit siya dahil kung gaano ka-successful ito ay siyang lugi naman ng winery nila ng tatay niya. Namamamangha pa rin siya sa talino ng kumpanyang ito sa pagma-manage. Bumulong siya sa sarili niya na balang-araw ay magma-may-ari rin siya nang ganito kalaking plantation at winery. Kung gaano siya kamangha ay ganoon din ang mga turistang pumupunta rito. At dahil sa tourists attraction din ito ay may free taste sila ng wine at grapes. May mga freshly harvested grapes din na naka-display sa isang side para sa gustong bumili ng grapes at kanina ay nadaanan nila ang mga nag-gri-grapes picking. Muli na namang nakaramdam ng lungkot si Gianne nang makita ang mga nakahilerang grapes. Nami-miss niya ang province nila. Ang mga magulang niya. Ang best friend niya. Katuwang niya ang mga ito sa pagta-trabaho. Masaya silang sama-samang nasa vineyard. Maliit pero masaya naman. May kung anong kirot na naramdaman si Gianne. Ang best friend niya. Naalala na naman niya ang nangyari rito. Hirap na hirap siyang mag-move on. Kahit na ayaw na niyang maalala ito ay hindi niya mapigilan. Sa tagal na nilang magkaibigan. At lalo pa na ito ang lagi niyang kasama maging ang pagtatanim ng ubas. Na pilit niyang inililihis ang mga nangyari ngunit naging sistema na niya ang pagtatanim ng grapes at paggawa ng wine. Kaya nga malaki ang edge niya na makapasok kaagad sa company na ito. Bukod sa tinda nilang wine at grapes ay may pasas factory rin sila. Pamana ito ng lolo't lola niya sa mga magulang niya. Although alam niya na mahilig din ang tatay niya sa pagtatanim. At naalala niya pa ang kwento nito na pinapapak lang nito ang grapes kapag walang magawa. Parang gawain nila ng best friend niya noon na si Maxine. Tatambay sila sa taniman. Pagkatapos ay pipitas ng ubas kapag nagutom. Kaya lang sa dami ng nakain nila ay pakiramdam nila na lasing na sila. Hanggang makakatulog sila sa kubo. Paggising nila ay lagot sila sa nanay at tatay niya dahil naubos nila ang bunga sa isang vines ng ubas. Sa tuwing harvest time naman ng ubas ay naaasahan sila ng mga magulang niya na mamitas ng mga ubas. Pagkatapos ay ihihiwalay ang pangit na ubas at magandang ubas. Si Maxine ang taga-bitbit dahil malakas ito. Muli siyang nakaramdam ng lungkot dahil doon. Naalala pa niya na napakatamis at napakalinamnam ng ubas nila kaya naman marami silang customer at kilala sila sa barrio nila. Noon ay sila ng best friend niya ang nakatoka sa pagpili ng mga reject na grapes at magandang klase ng grapes. Pagkatapos ay pinatutuyo nila ang pangit na hugis ng grapes na ito para gawing pasas. Bukod sa small winery nila ay may pagaawan din sila ng pasas. Maliit na pagawaan lamang at hindi sikat. Ito na lamang ang naiwan nilang negosyo nang malugi ang winery nila. Malayo-layo na ang narating ng isip ni Gianne. Nasa probinsya na nila siya abala sa pagkain ng grapes kasama ni Maxine. Naglalayag ang isip niya nang may tumawag sa kanya sa 'di kalayuan. Tila kilalang kilala siya nito. Matapos ay may kung sinong kumalabit sa kanya na nagpabalik sa ulirat niya. "Ms. Gianne?" kalabit ni Florence sa kanya. Hindi na niya namalayan na naiwan na pala siya ng mga ito. Nangingiti na lamang siya sa naalala niya. Akala niya ay totoong nangyayari. Tila hindi siya tinatantanan ng best friend niya sa kanyang alaala. Nakita niya na may kalayuan na pala ang mga kasama niya. Ngayon ay patungo na sila sa pagawaan ng wine. "I'm sorry." sabi niya kay Florence pagkatapos ay sinundan na nila ang mga kasamahan niya rito. Nang pagpasok nila sa loob ng pagawaan ay nakita niya kung gaano kaayos ang mga kasuotan ng mga empleyado at kung paano pinahahalagahan ang kalinisan ng mga ito kahit na tago naman ito sa tao. Ang loob nito ay hindi napapasok ng mga tourists. Ngunit sa labas nito ay may maliit na puwesto na nagde-demo kung paano nila ginagawa ang wine nila. Tone-toneladang barrels ang nasa paligid nila at malalaking machine na gamit para sa paggawa ng wine. Hanggang sa paglalagay ng machine sa bote. Halos lumuwa ang mga mata ng lahat kung gaano kalaki ang lugar na iyon. Kahit ang mga takip ng wine ay espesyal. May nakatatak na BWC na ang ibig sabihin ay Buenosantimar Winery Company. "As you can see, everyone is meticulous in checking everything. The cork, the label, the bottles and specially the content." buong pagmamalaking sabi ni Florence. Animo'y pag-aari niya ang Winery at siya ang proud na proud dito. Ganoon din naman ang bilin sa kanila noon nasa training pa lang din si Florence. "Treat this company as your own. Love the company and love the job." sabi nito sa mga trainees nang maalala ang mga salitang iyon. At iyan ang sikreto niya kung bakit nagtagal siya kumpanya. "This is how they put the cork's marks." pagtuturo niya sa makinarya na taga-tatak ng cork para sa bote ng wine. May drawing ng ubas at tatak na M sa ibabaw. Napapaisip naman si Gianne kung ano ang M ngunit hindi na niya itinanong pa kay Florence. Nakinig na lamang siya sa sinasabi nito. Nang matapos nila sa cork ay nagtungo naman sila sa mga bote ng wine. Kaiba sa normal na bote ng wine na nakikita sa mga wine stores katulad ng may long neck ay may hugis ang kanila. Bahagyang nakahugis 'S' ito. Wala naman daw meaning iyon. Nais lang nilang maiba sa nakasanayan. Para kapag nakita ang hugis na ito ay ang Buenosantimar Wine agad ang maaalala. "Bawat wine bottles ay iniisa-isa rito kahit na may machinery para rito. Upang makasiguro sa kalidad ng bawat bote." tatango-tango naman ang lahat. At katulad ng inaasahan ni Florence ay magtatanong ulit si Carol. "Yes, Carol?" matapos ni Florence makita ang pag-angat ng palad nito upang magtanong. "Have the CEO tried doing what they are doing?" tanong ni Carol. Napangiti naman si Florence. "Yes. Of course. That's the main reason why everyone needs to be trained at the plantation. So that everyone will experience what the CEO had experienced." proud na sagot ni Florence. Speaking of the CEO. Mabait naman ito. Ngunit istrikto. Ayaw niya sa mga taong mapagsamantala at ayaw siya sa mga taong mahilig mang-isa. Lalo pa ang manlait sa kapwa. Malambot ang puso niya sa mga nangangailangan ngunit malupit siya sa mga taong abusado. Tumango lamang si Carol at nagpatuloy sa pagmamasid. Ganoon din naman ang mga kasamahan nila. Pagkatapos ay bumisita na wine tasting. Ang pinakahihintay ng ilan nilang co-trainees. Ang titikman nilang wine ay ang nakasalang pa sa machine. Galing pa ito sa fresh fruit. "I know you're all excited for this. Ako rin. Ito ang nami-miss ko kapag natatapos ang training. Ang free taste ng freshly made wine." tila kumikinang pa ang mga mata ni Florence sa pagkakasabi. "Ms. Florence, how many shots can we have?" tanong ni Cameron na sa wakas ay nagsalita rin. "Wow. Ito lang pala ang makapagpapasalita sa iyo, Mr. Cameron." natatawang sabi ng trainor na si Florence. At nagkatawanan naman ang lahat. "Kung hanggang saan ang kaya mo." sagot ni Florence na tatawa-tawa ngunit bigla ring binawi. "You'll try from here. Up to there with one shot per machine." turo niya sa mga machines kung saan ay nagsimula ito sa pagkakadurog ng ubas hanggang sa pagkaka-sala nito at sa huling process para maging pino ito. "This area though is for the red wine alone." nanlaki ang mga mata nila sa pagkamangha. Paano ay sa red wine pa lang pala ang nakikita nila. At ang white wine ay wala pa. "That area is for the white wine." turo ni Florence at dumako sila sa kinaroroonan ng mga machine para sa white wine. Nang matapos magpaliwanag ni Florence at nagsimula na sila ng free taste. Para alam nila ang lasa ng bawat proseso ng red wine. Matapos sa red wine ay sa white wine naman nagtungo ang mga ito para sa free taste. "It's perfect." sabi naman ni Gino. Naiiling naman si Florence na natatawa. "It looks like our boys are now alive." sabi pa ni Florence. Dahil mula day 1 ng training ay tahimik na ang mga ito. Ang iba pa ay nagtatanong kung bakit kailangan pang ma-experience ang mga ito ang mga ganitong bagay kung sa opisina naman sila magtatrabaho. Nasagot naman na lahat ang mga tanong nila. "Of course. It's our time to shine." sabi naman ni Alex. Natatawa na lamang si Florence sa sagot ng mag ito na sabay sabay pa talagang nagsalita. Tatango-tango na lang ang mga ito nang matikma ang wines na gawa ng BWC. Nakatutuwa dahil sa unang proseso pa lamang ay talagang may laban na ang wine na ito. At ang huli ay ang fermented product. Talagang hindi mo ito hihindian. Kaiba ang lasa ng wine na ito dahil hindi ito ang tipikal na red wine at white wine na mapait halos ang lasa. Ang red wine nila ay may kakaibang timpla at manamisnamis. Marami pang proyekto ang kumpanya at ito pa lamang ang focus nila sa ngayon. Matapos ang wine tasting ay nagtungo na sila sa labas muli. Kung saan naroon ang mga souvenirs. Bukas ito para sa lahat. Turista, empleyado o kung sino mang nais bumili at mapadaan dito. Ito ay nakausli lamang sa labas ng Winery. Kaya kung ikaw ay turista, mararating mo lamang ito kung nalibot mo na ang plantation. May keychain na hugis uba, wine, at building ng Winery. Mayroon din namang ref magnet at shirts pati na rin ang collectible items ng mini wine kung saan ay tunay na wine ang laman. May kamahalan nga lamang ito dahil hindi rin basta-basta ang bote na ginamit dito. Kung ano ang makikita mo sa normal wine size ay pinaliit na version lamang ito. At ang napili ni Gianne na bilhin ay ang keychain at shirt para sa pagtatrabaho niya ay ito ang gamitin niya although may sarili namang uniporme ang winery para sa mga trainees na tulad nila. Nang matapos ang lahat ay dinala na sila sa accommodation nila. Ang hotel. Katabi lamang naman ito ng winery upang hindi ma-late ang mga empleyadong tulad nila na nangngaling pa sa Manila. "This will be your home for about a month. You can cook and you can go outside if you want. Just do your job well and the company will treat you well." sabi pa ni Florence. Isang unit ito sa hotel na nasa corner. May dalawang kwarto ang unit na may sala at kusina rin. At may common toilet kung saan ay malaki rin ito. Ang layunin ng kumpanya ay maging komportable ang lahat ng manggagawa nila na dinadala sa malayong lugar. Nang makaalis na sila ay naiwan ang mga trainees. Hindi naman sila siksikan sa unit dahil naka-design ito para sa mga trainees mismo. Tig-lima ang laman ng dalawang kuwarto. Limang lalaki at limang babae. Wala namang kaso kay Gianne ang mag-stay rito dahil sanay na siya. Nangungupahan din siya sa Manila at hindi niya solo ang boarding house. Kuwarto lang ang solo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD