Chapter 26 - Interrogation

2250 Words

"Ang tagal mong nawala ah. Akala ko hindi ka na babalik. Saan ka ba galing?" tanong ni Aling Nanang kay Gianne nang makita nitong nagbukas ng pinto. Tunog pa lamang ng pagpihit ng door knob ay alam na nito kaagad na dumating na ang dalaga kaya naman sinilip niya ang katabi unit na pinauupahan niya. "Kumusta, Aling Nanang?" kahit na pagod siya sa mga pangyayari ay masigla pa rin ang pagbati niya rito. "Mukhang masaya tayo ah. Ano'ng mayroon? Kuwento ka naman." sabi pa ng matanda. Mayamaya ay may pumasok na lalaki sa compound nila. May katangkaran ito at makisig ang pangangatawan. Mga datingan pa lang nito ay tila isang Hollywood actor. Napaawang ang labi ni Alex ng Nanang habang papalapit ito sa kinatatayuan nila ni Gianne. Agad namang kinalabit ni Aling Nanang ang dalaga saka nagsalita.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD