"Max, salo!" sigaw ni Gianne sa binata. Ngunit hindi pa man natingin ay nalaglag na ang bunga. Sa kasamaang palad at sa ulo nito bumagsak. Nang tumingala ang binata ay nakangiti si Gianne. "Sorry..." at nagpeace sign pa ito. Para silang mga bata na bihira lang makalabas ng bahay sa mga oras na iyon. Sumunod na hulog ni Gianne ng bunga ay nasalo na ni Maximo. Mga sampung bunga ang nakuha ni Gianne bago ito bumaba ng puno. "Ah... Ah... Maximo!" napasigaw si Gianne nang nadulas siya sa sanga ng puno. Bago pa siya tuluyang mahulog ay sumabit ang gilid ng short niya sa sanga at napunit. Mabuti na lamang at nasalo siya ni Maximo at sabay silang natumba sa damuhan. Nagtama ang mga paningin nila at hindi makakilos si Maximo. Hindi niya alam kung itutulak niya ang dalaga. Ngunit tila gusto ng k

