Kabanata Otso

1738 Words
May iba't ibang klase ng pagmamahal, maaaring hindi ito napapansin ng iba dahil ang nasa isip lang nila ay hindi na ito mahalaga basta't mahal mo ang isang tao. Ayon sa bibliya, may apat na uri ng pagmamahal. Romantikong pag-ibig, pag-ibig sa pamilya, pag-ibig ng kapatid, at banal na pag-ibig ng Diyos. Bawat kategorya ay may kanya-kanyang uri kung gaano ito katatag. Ngunit ang pinakamalakas sa lahat ay ang banal na pag-ibig ng Diyos. Ang pag-ibig ng diyos ay walang hangan, kahit kailan ito'y mananatiling buhay. "Saan naman ang punta mo?" Napatalon si Asta at naitapon ang damit na nililigpit. Marahas siyang lumingon sa babaeng bigla na namang sumulpot sa harap niya. Naka-upo ito sa kanyang kama at naka-cross pa ang mga binti. "Paano ka nakapasok?" tanong niya rito habang tinitignan ito mula paa hangang ulo. Hindi katulad ng usual na suot nito na jeans at t-shirt, naka pang-summer outfit ang babae ngayon. Hangang ilalim ng tuhod ang kulay asul nitong dress na may ruffles pa ang mangas. Off-shoulder ito kaya kitang-kita ang kanyang makinis na balikat at nagmamalaking colar bone. Bumaba ang kanyang tingin sa dibdib nito. Flat. Kay gandang babae ngunit flat naman ang dibdib. "Bukas ang pintuan kaya pinapasok ko na ang sarili ko," umayos ito ng upo kaya bahagyang umangat ang dress na suot, natuon ang kanyang atensyon sa binti nitong na-expose. Maputi at makinis, tila hindi nasisinagan ng araw si Patricia sa sobrang putla ng balat niya. "Hindi mo ba alam ang salitang 'katok'?" Pinagpatuloy niya ang pagliligpit sa mga gamit. "Anong tingin mo sa akin, taong kweba?" balik na tanong nito at umungot. Sinulyapan niya ito at nakitang humiga na ito sa kanyang kama, parang hindi ito babae kung makakilos dahil nasa tumaas sa katawan nito ang mangas sa dress, kaya naman kitang kita ang binti nitong mahaba. Napalunok na lamang si Asta at umiwas ng tingin. "Ewan ko sa'yo." Hindi siya makapag-focus lalo na at nandito ito at ganyan ang hitsura. Naalala niya na naman ang panga-alaska ni Amir sa kanya noong nakaraang lingo. Matagal itong nawala sa isipan niya, kaya naman halos oras-oras hinahanap niya ang presensya ng babae. Na siyang nakakapagtaka! Bakit naman niya hahanapin ang presensya ng isang taong hindi niya naman lubos na kilala?! Talagang nahihibang na siya. Isa pa, matagal itong nawala at hindi nagpakita sa kanya. Akala nga niya ay hindi na muling magtatagpo ang landas nilang dalawa, ngunit nandito na naman ito, bigla-bila na namang sumusulpot! May sa lahi talaga ito ng kabute. Hinayaan niya na lamang itong humiga sa kanyang kama na kakatapos niya lang ligpitin. Nang sumulyap siya rito ay napailing na lamang siya dahil ang gulo na naman ng kama niya. Para kasi itong kiti-kiti. Hindi mapakali at kung ano-ano nalang na posisyon ang ginagawa. Nang matapos sa nililigpit ay bumaba na siya dala ang kanyang maleta. Sumunod kaagad sa kanya ang babae, sinulyapan niya lamang ito at hindi na kinausap. Tahimik lang rin itong nakasunod sa kanya. Nang makalabas sa kanyang bahay ay ni-lock niya ang pinto. Nilagay niya sa compartment ng kanyang sasakyan ang maleta at pumwesto sa driver's seat. Sumilip mula sa bintana ng passenger's seat si Patricia. Nakalaylay ang buhok nito at bahagyang nakatagilid ang ulo. "Bakit ka naglalayas?" kuryosong tanong nito. Napatitig siya sa mapula nitong labi, pakiramdam niya ay nanuyo ang kanyang lalamunan kaya nilunok niya ang sariling laway bago ito tinignan sa mata. "Hindi ako maglalalayas," sagot niya. Para saan pa ang paglalayas niya kung wala naman siyang pamilyang lalayasan, diba? Parang tanga lang. "Magbabakasyon ako." Inasikaso niya ang kondisyon ng sasakyan. Siniguradong puno ang kanyang gas at gumagana ang break. Mabilis niyang nilingon ang passenger's seat nang marinig ang pagbukas ng pinto at ang marahas na pagsara nito. Nakaupo na ngayon ang babae sa loob ng kanyang sasakyan! Inosenteng lumingon ito sa kanya, gamit ang malalaki at bilog na bilog nitong mata ay tumitig ito sa kanya. "Sama." Isang salita. Isang salita lamang ngunit tila tinamaan siya ng bolta boltahing kidlat. Umakyat lahat ng dugo niya sa katawan patungo sa kanyang mukha. Parang tuta si Patricia sa paningin niya, kulang nalang ay dilaan nito ang mukha niya na parang naglalambing. Hindi! Hindi! Umiling iling siya. Kumalma ka, Asta, kalma! Hindi ka pwedeng magpapadala sa hormones mo. Nagluluksa ka diba? Wala kang karapatang maging masaya dahil iniwan ka na ng lahat. Balang araw, iiwan ka rin ng babaeng ito. Magsasawa rin ito sa'yo at hinding hindi na magpapakita pa. Tinatagan niya ang kanyang loob. "Hindi pwede, labas!" matigas na utos niya ng hindi tumitingin dito. Ilang segundong wala siyang narinig na tugon kaya napipilitan siyang lingunin ito. Ngunit laking gulat niya nang bumulaga sa kanya ang mukha nitong sobrang lapit sa kanya! Ilang distansya na lamang ang kulang at maghahalikan na sila! Mabilis niya itong naitulak. "Lumayo ka nga!" Para siyang tumakbo sa marathon sa sobrang bilis ng t***k ng kanyang puso. Hindi niya napansing napalakas ang pagtulak niya kaya tumama sa bintana ng pinto ang ulo nito. Noon niya lamang napansing nasaktan niya ang babae nang makita niya ang mukha nitong walang expression na nakatitig sa palad nito. Pagbaba niya ng tingin sa palad ng babae, sumalubong sa kanya ang bagay na sing pula ng rosas. Dumudugo ang ulo nito! Pakiramdam ni Asta ay nakagawa siya ng karumaldumal na krimen. Matinding konsensya ang kanyang nararamdaman habang natatarantang nilapitan ang babae. Hindi niya sinasadya, alam niyang hindi niya sinasadya ngunit nakakakonsensya pa rin! Kahit hindi niya sinasadya ay kasalanan pa rin niya. "Pahiram ng panyo," kalmadong saad ng babae habang nakalahad ang duguang kamay. Natatamemeng inabot niya ang panyo niya. Nakakamanghang kalmado pa rin ito kahit dumudugo na ang ulo. Pinantakip nito ang panyo sa likod ng ulo at sumandal sa backrest. Nagaalinlangan si Asta, hindi ba ito magagalit sa kanya? Sigurado siyang masakit ang pagkakatama ng ulo nito, dudugo ba ito kung bukol lang ang natamo?! Sumulyap ito sa kanya nang mapansing hindi siya mapakali. Umiwas lamang siya ng tingin, hindi niya ito kayang tignan sa mata sa mata. Ngayon niya lang na-realise na napaka-immature ng ginawa niya. Bakit ba kasi siya nanulak?! Sinabunutan niya ang sarili. Bakit ba kasi napakagulatin niya?! Ano nang mangyayari kay Patricia kung hindi titigil ang pagdurugo ng ulo nito? Mamamatay ba ito? Magiging kriminal na ba siya? Ngayon palang isusuko na niya ang kanyang sarili sa pulisya. Pinukpok niya ang ulo sa manubela. Nakakahiya siya, kelalaking tao ang bilis niyang magulat tapos nanunulak pa. "Kumalma ka nga," Nanghihinang nilingon niya ito na hangang ngayon kalmado pa rin. Bigla siyang natauhan, natatarantang pinaandar niya ang sasakyan habang nanginginig ang kamay na menaniubra ang manubela. "T-teka lang, dadalhin kita sa hospital," kinakabahang saad niya. Bago pa niya maipatakbo ang sasakyan, isang kamay ang pumigil sa kanya. Nilingon niya ito na kasalukuyan pa ring tinatakpan ng panyo gamit ang isang kamay ang sugat nito sa ulo. "No need to panic, this is just a minor injury." Napatanga na lamang siya sa babae. Minor?! Minor injury lang ang tawag nito sa sugat sa ulo?! Tinignan niya ang sariling panyo na halos napuno na ng dugo. Minor ba ang tawag diyan?! Umikot ang mata nito at binaba ang kamay na may hawak sa panyo. Nataranta siya dahil baka hindi pa sila dumadating sa hospital, naubusan na ito ng dugo. Humagilap kaagad siya ng pwedeng ipantakip sa sugat nito ngunit agad siyang pinigilan ni Patricia. "I said, calm down." The way she said those words doesn't look like suggesting him to calm, instead, her words sent shivers down his spine making him halt. Her words are sharp and commanding, making him do nothing but weakly obey her order. Nakakapagtaka ang mga sumunod na nangyari. Nakita na lamang niya ang sariling kumakalma habang nakatingin pa rin sa kanya si Patricia. "A little prayer will ease the pain," pagbibigay alam nito sa kanya. "Diyan ka lang, lilinisin ko lang ang sugat para hindi magka-infection." Napatango na lamang siya at pinanood itong lumabas ng sasakyan at naglakad papunta sa gilid ng kanyang bahay kung saan may gripo. Lumabas na rin siya ng sasakyan at binuksan ang compartment para kumuha ng malinis na bimpo. Pagbalik nito ay binigay niya rito ang puting bimpo na tahimik lang nitong tinangap sabay bulong ng pasasalamat. Bumalik sila sa loob ng sasakyan. Tahimik lamang niyang pinapanood si Patricia na patuyuin ang sariling buhok. Nang matapos ay binalik nito sa kanya ang bimpo. Sinabit niya ito sa likod ng upuan para patuyuin. Nang naging stable na ang lahat, nakahinga na siya ng maluwag. Ngunit hindi niya pa rin magawang paandarin ang sasakyan. "Ano? Hindi pa ba tayo aalis?" takang tanong ni Patricia habang nakalingon sa kanya. Umiwas lamang siya ng tingin at yumuko. "I'm sorry..." Sobrang hina lamang ng pagkakabangit niya sa mga salitang iyon, ngunit sigurado naman siyang sapat na ito upang marinig ng kasama niya. Naramdaman niya ang malambot at malamig na kamay nito na hinahaplos ang kanyang ulo. Puno ito ng pag-iingat na tila isa siyang batang sinusuyo ng ina matapos pagalitan. Magaan ang bawat haplos, at habang tumatagal ay mas lalong naaantig ang puso niya. "I'm sorry, too. Napasobra yata ang pang-iinis ko sa'yo kanina," her sweet voice illuminated his darkness within. Sa tanang buhay ni Asta, ngayon niya lang naramdamang para siyang lumulutang sa hangin dahil lang sa boses ng isang babae. NANG umayos na silang dalawa, nagawa na niyang paandarin ang sasakyan at nagmaneho patungo sa lugar kung saan hindi niya pa alam. Wala pa siyang planong lumabas ng bansa, total naman ay isang taon ang binigay sa kanya, susulitin niya muna ang iilang buwan sa paglilibot sa Pilipinas. Naitanong na niya kay Amir kung ayos lang bang dito lang siya sa Pilipinas mag bakasyon. Ayos lang daw basta huwag na huwag siyang tatapak sa loob ng kumpanya. "Do you already have a certain place to stop?" tanong ni Patricia. Kung kanina ay nasa passenger's seat ito, ngayon ay nasa likod na ang babae at komportableng nakahiga. Mabuti nalang at nagsuot muna ito ng leggings sa pang ibaba bago ito bumukaka na parang nasa sariling kwarto lang ito. Tinignan niya ang cellphone, may nakita na siyang lugar kanina. Tumango siya dito at binigay ang cellphone niyang nakabukas, sa screen ay nandoon ang lugar na gusto niyang puntahan. Napataas ng kilay si Patricia. "Masyadong malayo, are we travelling through air?" Tumango siya. Naka-book na rin siya ng flight kanina habang nagba-byahe. "Okay, Jarden de Señorita it is."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD