Kabanata Nuwebe

1479 Words
Sa buhay natin, hindi lang puro saya ang nangyayari. May pagkakataong punong puno tayo ng kasiyahan na halos sumabog na tayo, napakatamis ng ating tawa na tila walang problemang dinadala. Hindi tayo araw-araw masaya dahil sa mga responsibilidad nating dinadala, kaya bakit ba natin pagkakaitan ang sariling tumawa kahit isang beses sa isang araw lang? Ngunit gaya ng nakagawian, lahat ay may hanganan. Paglubog ng araw, babalik na naman tayo sa realidad ng buhay. Pwede bang masaya na lang tayo habang buhay? Pwede bang manatili na lamang tayong bata na walang iniisip na problema? Ngunit ang katotohanan ay sobrang pait. Ngayong araw ay sobrang saya mo, ngunit kinabukasan ay matinding sakit at kalungkutan ang magiging kapalit ng nakaw mong kasiyahan. Bakit ba tayo nabubuhay, kung puro pasakit lang rin naman ang mararanasan natin? Nang dumating sila sa Jarden de Señorita ay may iilang turista rin silang naabutan. Pinagtitinginan sila ng mga tao dahil sila lang ang may dala dalang maleta. Ewan ba niya at saan galing ang malaking maleta ni Patricia. Basta noong kinukuha na niya ang maleta niya matapos bumaba sa eroplano, ay napansin nalang niyang may hinihila itong maleta. Nang tinanong naman niya ang babae ay isang tingin lang ang binigay nito. Hindi niya ito magawang isusahin dahil sumakay kaagad sila ng taxi para magpahatid dito. Jarden de Señorita is located in Mindanao. Nang dumating sila sa airport ng Davao at sumakay ng taxi ay tinanong niya sa driver kung saan ba ang Jarden de Señorita. Hindi pamilyar ang driver sa lugar na iyon kaya nagtanong tanong sila sa ibang locals. Ilang tao na rin ang natanong nila nang sa wakas ay may nakapagsabi sa kanila kung saan ang eksatong lugar. Kaya naman pala hindi pamilyar ang driver dahil wala sa Davao City ang hinahanap niyang lugar kundi nasa Digos City. Nagpahatid sila ng taxi hangang sa terminal sa Digos, pagkatapos ay nagtanong tanong na naman sa mga locals kung saan ba itong Sitio Bacoco, Kapatagan. Mabuti nalang at may isang tricycle driver na mukhang naawa sa kanila at nag offer na ihatid sila sa eksaktong lugar. Medyo malayo layo pa ang binyahe nila bago narating itong Jarden de Señorita. Malapit nang gumabi nang dumating sila ngunit may mga turista pa ring nandoon. May sumalubong kaagad na staff sa kanila at napansin ang kanilang maleta. "Good afternoon, ma'am, sir. Pasensya na po pero closing time na po namin. Hinihintay lang po naming matapos ang oras ng ibang guest bago mag close." Nagkatinginan sila ni Patricia. Naiilang na sinulyapan niya ang relo at nakitang malapit na palang mag ala-sinco ng tanghali. "Wala ba kayong available na rooms na pwede naming rentahan muna? I'm so sorry, miss. We can't go back. Galing pa kaming Manila," pagbabakasali niya. Nilibot niya ng tingin ang buong lugar. May mga mini houses doon na iniisip niyang baka rooms ito na pwede nilang rentahan. Ngunit nang tuminginn muli siya sa babaeng staff ay na-dissapoint siya sa naging tugon nito. Nag aalanganing umiling ang staff. "We don't accommodate rooms po. For day tour lang po ang mountain resort po namin," maingat na saad nito. Sumakit ang ulo ni Asta. He's not expecting na ganito ang kalalabasan pagdating nila rito. Ang akala pa naman niya ay may available rooms dito dahil sa nakita niyang picture ng mga mini houses, yun pala mukhang display lang ang mga iyon at dagdag pampa ganda sa lugar. "I'm so sorry po sir, ma'am. Pero may malapit po na inland resort dito na nag a-accommodate ng rooms po. Gusto niyo po bang itry?" The staff is genuinely concerned because nakikita nito ang hitsura niyang sobrang hagard na at halatang may jetlag pa. Iba naman ang hitsura ni Patricia na tila hindi ito sumakay ng eroplano ng ilang oras at bumyahe sa lupa ng dagdag oras. Para pa rin itong kagagaling lang maligo. Maliban sa tuyo naman ang malambot nitong buhok ay fresh na fresh pa rin itong tignan suot ang asul na dress. "Let's go, pumunta na lang tayo sa sinasabi niyang inland resort. We don't have a choice, anyway," kausap ng babae sa kanya. Huminga na lamang siya ng malalim at walang nagwang tumango sa staff. Tinuro nito sa kanila ang direksyon kung nasaan ang sinasabi nitong resort. Ang pangalan ng inland resort na sinasabi nito ay D'fortress Nature Park and Inland Resort. Nagpasalamat sila sa staff bago umalis. Mabuti nalang at hindi pa nakakaalis ang tricycle na naghatid sa kanila kaya doon na lang rin sila sumakay. "Balik po kayo dito bukas, sir ah!" rinig nilang sigaw ng staff bago makalayo ang sinasakyan nila. Kinawayan niya lamang ito at tinuon na ang atensyon sa harap. "Aren't you tired?" kuryosong tanong niya sa katabi. Kalmado lamang itong tumitingin sa tanawing nadadaanan nila. Umiling lamang ang babae. Kasabay ng pag iling nito ay ang pag hawi ng kanyang nakalugay na buhok dahil sa galaw niya. Naalala ulit ni Asta ang nangyari kanina lamang umaga, kaya sinilip niya ang likod ng ulo ng babae ngunit nakakapagtaka, wala siyang makitang ni isang bakas ng sugat doon. Namamalikmata lang ba siya o maling angulo ang nakita niya? Pero sa pagkakatanda niya ay sa likud mismo ng ulo nito ang nagkasugat. Bigla niyang naalala ang bimpo na binigay niya kanina, nang binalik nito sa kanya matapos patuyuin ang buhok, wala siyang nakitang kahit isang patak ng dugo. Mang-uusisa na sana siya nang huminto na ang tricycle sa harap ng isang malaking gate. Pinagpaliban nalang niya muna ang kanyang kuryosidad at binaba ang mga maleta sabay abot ng bayad sa driver at nagpasalamat dito. Napangiti ang driver sa laki ng ibinayad niya. Sumaludo muna ito sa kanila bago umalis. Nauna nang pumasok si Patricia at hindi man lang siya hinintay. Sumunod kaagad siya rito at naabutan itong kausap ang receptionist. Kumukuha na ng dalawang rooms ang babae kaya hinayaan na lamang niya ito. Ilang sandali pa ay lumingon ito sa kanya na tila pinapalapit siya. "Bakit?" nagtatakang salubong niya rito. "Bayaran mo na," bulong nito sa kanya. Pinigilan niyang matawa. Ang lakas ng loob nitong pangunahan siya tapos wala naman palang pera. Inabutan niya ng credit card ang receptionist. "Pasensya na po, sir, pero hindi po kami tumatangap ng credit cards." Mabuti na lamang at naisipan niya munang mag-withdraw ng sapat na pera bago bumyahe kaya may mabubunot siya sa kanyang bulsa. Mabilis naman itong tinangap ng receptionist at binigyan sila ng dalawang susi. Tinuro nito sa kanila kung saan dapat sila dumaan para matunton ang kani-kanilang kwarto. Ngayon lang napagtanto ni Asta, siya pala ang bumayad kahit sa kwartong gagamitin ni Patricia! Napakunot ang kanyang noo, siya rin pala ang bumayad sa ticket nito papunta rito, pati sa pamasahe at pagkain! Pakiramdam niya ay nabudol siya. Natatawa na lamang siya sa sarili at napailing. Wala eh, nangyari na at nandito na sila. Isa pa, alam niyang walang pera si Patricia kaya bahala na nga si batman! Nang matapos niyang ligpitin ang kanyang mga gamit sa loob ng kwarto ay lumabas na siya para ayaing kumain si Patricia. Kinatok niya ang pinto ng kwarto nito ngunit walang sumasagot. Pinihit niya ang doorknob at napakunot noo dahil hindi ito naka-lock. Hindi ba marunong mag lock ang babaeng iyon? Paano nalang pala at masamang tao ang bigla-bigla nalang mambubukas ng pinto niya? Sinilip niya ang loob ngunit wala siyang nakitang ni anino ng babae. Sinarado niya ang pinto sa kanyang likod at humakbang palapit sa kama. "Patricia?" Walang sagot. Katahimikan lamang ang sumalubong sa kanya. May nakita siyang isa pang pinto kaya binuksan niya ito, ngunit mabilis niya rin itong naisarado dahil sa tanawing sumalubong sa kanya. Nanghina siya at naramdaman ang abnormal na pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Para siyang tumakbo ng ilang kilometro sa bilis ng pamumuo ng pawis niya. Paano siya hindi pagpapawisan kung nakakita siya ng hindi niya dapat makita?! Biglang nag init ang kanyang katawan. Puta, mukhang magkakasala pa yata siya. Mabilis pa sa kidlat na lumayo siya sa makasalanang pintong iyon nang bumukas ito. Lumabas ang babaeng hinahanap niya na tumutulo pa ang basang buhok habang naka tuwalya lang. Lalong nanuyo ang lalamunan niya. "Nandiyan ka pala. Anong kailangan mo?" kaswal na tanong nito habang pinapatuyo ang buhok ng isa pang tuwalya. Hindi kaagad siya nakasagot. Sinusundan niya ng tingin kung paano dumausdos ang butil ng tubig mula sa leeg nito hangang sa gitna ng dalawang bagay na natatakpan ngayon ng tuwalya. Pakiramdam niya ay hihimatayin siya sa sobrang nerbyos. Kung ibang babae lang ang nasa harapan niya ay kanina niya pa ito sinungaban, ngunit hindi basta bastang ibang babae si Patricia. Hindi niya kayang ipaliwanag ngunit may nagsasabi sa kanyang hindi niya ito pwedeng galawin sa kahit na anong paraan man iyan. Tumalikod na lamang siya at parang sinisilihang nagmamadaling lumapit sa pinto palabas ng kwarto. "Bilisan mong mag bihis diyan!" utos niya rito bago pabalang na sinara ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD