Kabanata Disi-sais

1288 Words
Hindi alam ni Asta kung saang lupalop ng lugar ba iyang Isla del Amor na yan at bakit hindi niya mahanap sa mapa! Kinakalawang na ata si Google at kailangan nang mag-upgrade. Dahil hindi niya talaga alam kung saan iyon, at kahit marami na siyang pinagtanungan ay wala pa ring nakakaalam ni isa, naisipan niyang tawagan si Amir. Siguro naman ay alam nito kung saan located ang Isla del Amor dahil ito naman ang attorney nila, at malapit niya rin itong kaibigan. Nang sinagot nito ang tawag ay nangumusta muna siya. "Hello? Napatawag ka, Asta?" takang bungad ng kaibigan mula sa kabilang linya. Mukhang sobra itong nagulat sa biglaang pagtawag niya at hindi man lang siya kinamusta. "Oo, okay lang naman ako. Ikaw, kumusta?" pang-pilosopo niya dito. Sandaling katahimikan ang naghari kaya sinilip niya ang cellphone, sinisiguradong nasa linya pa rin ang kausap. "Ninakaw ba ng pusa ang dila mo at hindi ka makapagsalita?" "W-what?" Napakunot noo na lamang siya. "Mukhang ikaw yata ang hindi okay ah, masyado bang tambak ang trabaho mo at tinutulugan mo na?" "What has gotten into you, Asta?" "Ano?" Ano bang nangyayari sa kaibigan niya? Bakit ba ito gulat na gulat na parang may nagawa siyang krimen? Hindi tuloy sila magkaintindihan. "You suddenly called me, just to ask me that? So not you, you're a straightforward man so what happened?" Napatanga tuloy siya. Ganoon ba siya ka straightforward para magulat ng ganito si Amir? Hindi niya napapansin ang sariling ugali niya, minsan kasi nagpapadala siya sa kanyang emosyon at wala siyang pakealam kung anong iisipin ng iba. Kasi buhay niya to diba? Siya ang may hawak kung anong gagawin niya sa buhay niya. "Bilisan mo," sita ni Patricia sa kanya kaya napatikhim siya. Sinenyasan niya ang babaeng huwag umalis at naglakad palayo dito. "Wait, who's that? May kasama ka ba, dude?" pang-uusisa ni Amir. "Wala! Ako lang mag-isa!" he denied. "Oh, bakit ka sumisigaw? No need to shout," natatawa nitong sabi, "So that's why you're extra today, you're with a girl! Wow, that's new." "Tigilan mo nga ako, Amir," he said, already annoyed. "By the way, napatawag ako dahil may itatanong ako." "Fire away, mukhang naiinip na ang ka-date mo eh." "I'm not on a date, okay?" and again, he denied. "Saan bang lupalop ng Mindanao yang Isla del Amor at hindi ko mahanap sa Google map?" "Isla del Amor, you say?" pangsisigurado nito. "Yeah," "Dude, you isolated yourself this much to forget where your favorite place is located?" "Favorite place?" Hindi niya maalalang may favorite place pala siya. Usually kasi, puro trabaho nalang ang iniintindi niya. Mas lumala pa nitong mga nakaraang buwan dahil sa nangyari sa pamilya niya. "It's an Island in Surigao, my friend. I can't believe you forgot about your own property!" "Ano?! Surigao?!" Napakalayo ng Surigaw mula dito! Kung magba-byahe sila by land, sixteen hours bago nila marating ang lugar! Tinignan niya ulit ang ticket, hindi pa naman ngayong araw ang competition kaya may oras pa sila. Pero Surigao?! Napaka-layo! "Do you need me to arrange your flight? Where in the world are you now?" Amir politely offered. Alam niyang busy ang kaibigan kaya hindi na niya kinuha ang alok nito. "No need, I can manage but thanks anyway. Nasa Digos ako ngayon," sagot niya. "I never thought you'll go in that place. I mean, province is not your thing." "Hindi probinsya ang Digos, Amir," pagtatama niya dito. "It's in Mindanao, so it's a province." "Ewan ko sayo. I need to go." Pagbaba niya ng tawag ay binalikan niya kaagad si Patricia. Bigla siyang naawa sa hitsura nito ngayon. Nakaupo ito sa gilid ng kalsada habang nakapatong ang baba sa gitna ng dalawang tuhod nito. She looked up at him and he's dumbstruck. Ang cute nitong tignan! Parang tutang nawala at naghahanap ng nanay! Ang sarap kurutin! Pinigilan niya ang sarili. Maghunostili ka, Asta! "Isla del Amor is too far, it's an Island in Surigao. Do you still want to go?" tanong niya dito at tinulungan itong tumayo. "It's up to you," sagot ng babae habang pinapagpagan ang damit. Nagaalinlangan siya. Palagi nalang kasi silang bumabyahe at halos isang gabi lang ang pahinga, baka bumigay ang katawan nito at magkasakit. "Maybe we'll stay here for a while, baka mapagod ka." Patricia looked at him like he's grown two heads. Nakikita niya sa mukha nitong hindi ito makapaniwala, it's his first time seeing Patricia gave him that kind of reaction so he's kind of amazed and confused. "Bakit?" takang tanong niya dito. "Did I say something weird?" "Yeah," she answered honestly. Napaatras siya. What? Weird? That word doesn't suit him at all. Para kay Patricia lang ang word na iyan dahil tugma ito sa personalidad ng babae. He's not weird, is he? "Alam mo, para kang si Amir," sabi niya sa babae. "There's nothing wrong with me, okay? Please cut it out, you're giving me weird looks!" Naglakad siya palayo at sinenyasan itong sumunod. "Halika na, we need to find shelter." "Let's just go to Isla del Amor. Pwede tayong mag-stay doon ng ilang araw." Huminto siya para harapin ito. Her idea was okay but will she survive the flight? Kahit hindi niya nakikita sa mukha nito, nagaalala pa rin siyang baka ma-overfatigue ang babae. "Will you be fine?" Tumango ito. Pinagisipan niya muna sandali ngunit sa huli ay pumayag na. He booked a flight from Davao to Surigao, hindi naman pala masyadong mahaba ang flight kaya naging kampante siya. Nang nasa loob na sila ng eroplano at nakaupo na sa kanya-kanya nilang upuan, bigla na lamang may sumulpot na ulo mula sa likuran nila. "I knew it's you!" Napalundag siya sa gulat at tumayo para tignan kung sinong poncio pilatong may ganang gulatin sila. A familiar face of a guy invaded his vision and a scowl slowly appeared on his face. What is this guy doing here?! "Pupunta kayo sa Isla del Amor, ano? Nice!" Sinimangutan lang niya ang lalaki. Bumaling ito kay Patricia at hindi siya pinapansin. Mas lalong lumalim ang kunot ng kanyang noo. "It's good to see you here! I didn't really got your name, so would you mind?" Pasimple nitong inabot ang kamay ni Patricia kaya na-alerto kaagad siya at mabilis na hinila ang babae at nakipagpalit ng upuan dito. Sinamaan niya ng tingin ang lalaki. "Stay away," he said sharply. "Woah! Easy, tiger!" May gana pang tumawa ang tukmol! "Stop it, Gretel." May sumita dito mula sa likod. Ito ang lalaking nakita niyang kasama nito. Mabuti nalang at nakinig ito at bumalik sa upuan. Kust when Asta thought everything will finally fall at peace, a new storm suddenly showed up. "Asta! What a surprise, you're in this flight too?" Pag-angat niya ng tingin, mukha ng babaeng iniiwasan niya ang kanyang nakita. Namutla kaagad siya at hindi makapagsalita. Sa dinami-dami ba naman ng tao sa mundo, bakit si Liz pa?! The woman is smiling brightly at him like she didn't harassed him. At sa gulat niya, umopo ito sa katabing upuan ni Patricia. "Oh this is my seat," she explained. Napalingon ito sa kasama niya. "Excuse me, would you like to exchange seat? I know that guy, he's my friend!" Friend?! Anong friend?! Mukhang hindi nito namumukhaan si Patricia kaya casual lang ito magsalita. Tinignan niya ang babae at umiling dito. Nakuha naman kaagad nito ang ibig niyang sabihin. "Sorry, mas komportable ako dito eh." Sumimangot si Liz ngunit hindi na umapela. Tumingin ito sa kanya at bumalik na naman ang ngiti nito. Ang bilis magpalit ng mood ng babaeng 'to, bipolar ba siya? "Are you going to Siargao, Asta? My gosh, is this destiny? Pinagtatagpo talaga tayo ng tadhana!" Napangiwi siya. How will he even manage to come out in this plane alive?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD