Kabanata Kinse

1601 Words
Dumating sila sa hotel na tutuluyan. As usual, siya na naman ang nagbayad sa hotel room ng kasama niya. Napapailing na lamang siya dahil nagmumukha siyang sugar daddy. Tinampal niya ang noo, hindi dapat siya nag-iisip ng ganyan! Nakakasuka lang tawaging sugar daddy ang sarili niya, pero kung ibang tao siguro ang mag-iisip, baka tugma pa. Pwede bang hindi sugar daddy ang itawag sa kanya? Mabait na kaibigan, pwede pa. Pagod na pagod hindi lang katawan niya kundi pati ang utak niya. Walang sali-salitang pumasok siya sa kanyang hotel room para magpahinga. Ilang oras din siyang nakatulog, paggising niya ay umaga na. Hindi siya nakakain ng hapunan. Tumagilid siya ng higa para bumangon. "AHH!" Nahulog siya sa kanyang kama, rinig na rinig ang paglagapak ng kanyang pwet at likod sa sahig. Napigil niya ang hininga, ang sakit 'nun ha! Mabuti nalang at hindi nauntog ang ulo niya, kundi ay instant death talaga! Ay, wow. Ang siga nga niyang pumatong sa railings ng tulay, tapos ang mahulog lang sa kama takot siya? Asan ang logic doon? Pinukpok niya ang sariling ulo. Bakit ba nakikipag-usap siya sa sarili niya?! Tumayo siya at pinamewangan si Patricia na inosenteng nakatingala sa kanya. Para itong batang hindi alam kung anong mali ang nagawa. Kung hindi ba naman ito parang multo na bigla na lang sumusulpot at binabalandara ang mukha nito sa mismong harap niya, edi sana hindi siya nahulog sa kama! Kung sana ang wala itong nilagay na kung ano sa mukha, hindi siya magugulat. Pero may nakalagay na pipino sa magkabilang mata nito at may kulay green na kung ano itong pinahid sa mukha. Ang sarap kurutin ang pisngi nito at halikan este tampalin! "Ang aga-aga, nangmumulto ka! Saan mo ba nakukuha ang susi ng kwarto, at sumusulpot ka na lang sa kung anong oras mo gusto?!" Burara niya dito, "Alam mo bang muntik na akong himatayin diyan sa mukha mo?! Ano yan, bagong paraan ng pangmumulto?" Dahan-dahan itong umopo at napaatras siya dahil sa hitsura nito. Para talaga itong multo! Nakasuot ito ng puting dress na hangang tuhod, magulo ang buhok at hindi niya alam kung bakit hindi nahuhulog ang pipino na nasa mata nito! "Hoy, anong trip mo?" sita niya dito. Paano ba naman kasi, eh hindi nagsasalita ang babae! Napipi na ba ito? Bigla siyang kinabahan. Hindi siya naniniwala sa mga sabi-sabing totoong may multo, pero to see is to believe. Totoong multo ba itong nasa harap niya? Is this place haunted?! Dahan-dahang itinaas ng babae ang mga kamay nito, handa na siyang tumakbo kung sakaling dadambahin siya nito pero laking pasasalamat niya nang tinanggal lang nito ang mga pipino sa mata. Patricia's dark eyes revealed itself. Diretso itong nakatingin sa kanya na tila binabasa ang buo niyang pagkatao. Kinilabutan siya, idagdag pang hindi man lang nagsasalita ang babae at hindi niya mabasa ang expression sa mukha dahil sa green substance na pinahid nito! "Patricia? Okay ka lang?" maingat na tanong niya. Sandaling katahimikan ang naghari sa pagitan nila hangang sa may narinig na tunog si Asta. Napatingin siya sa tiyan ni Patricia, balik sa mata nito, baba naman sa tiyan ng babae, tapos balik ulit sa mata nito. "Gutom na ako." Napanganga na lamang siya at sumandal sa side table. Tumingala siya para huminga ng malalim. Minsan nagtataka na siya kung saan ba galing ang napakahaba niyang pasensya para sa babaeng ito. For some reason hindi niya ito magawang pagalitan at harsh na sigaw-sigawan. "Hintayin mo ako, mag-aayos lang ako." Pumasok siya sa banyo para maligo. Paglabas niya ay nakasuot na siya ng damit at nang makitang hindi pa rin tinatanggal ng babae ang kung ano mang green na bagay sa mukha nito at napahinga siya ng malalim. Balak ba nitong lumabas na ganyan ang hitsura? Tinuro niya ang mukha nito habang tinatampal ang noo. Lumingon sa salamin ang babae at napatango. "Oh, right. Maghihilamos lang ako." Pagkatapos ng lahat ng seremonyas ay sa wakas nakababa na rin sila at naghanap ng pwedeng pagkainan. Hindi nasarapan si Asta sa pagkaing hinatid nung staff sa kwarto niya kaya hindi sila sa restaurant ng hotel kumain. Gusto niya ng fast-food ngayon kaya naghanap sila ng Jollibee. Luckily may nahanap naman sila kaya pumasok kaagad sila. Pinahanap niya ng upuan ang babae habang pumunta naman siya sa counter para mag-order. Bumili siya ng dalawang super meal, fries and sundae at bitbit ang mga pagkain ay hinanap niya si Patricia. Nakita niya itong may kasamang lalaki na pilit itong kinakausap. Obvious naman sa mukha ng babae na hindi ito interesado. Biglang may kakaibang emosyon na umusbong sa kanya. Malalaki ang kanyang hakbang habang papalapit kay Patricia. Tumayo siya sa gilid ng table at tinignan pababa ang lalaking nangungulit dito. "I believe that's my seat," nagtatagis ang bagang na ani niya. Tumingala ang dalawa sa kanya, Patricia's expression is her usual and the guy in front of her looked confused. Lumingon ito sa babae. "I thought you're alone?" Napalingon na din siya kay Patricia at pinandilatan ito ng mata. Kahit hindi na ito nakatingin sa kanya ay pinagpatuloy niya pa rin ang pagtitig dito. "I never said anything." Napakamot sa ulo ang lalaki sabay tawa ng mahina. "My bad!" Tumayo ito, "Akala ko wala siyang kasama, I believe silence is consent so I considered her silence a yes," paliwanag nito sa kanya. Nilapag niya sa mesa ang tray at hindi pa rin umuupo. Hindi pa kasi umaalis ang lalaki at wala siyang balak umopo hangat hindi ito nawawala sa paningin niya. Mukhang ramdam nito sa aura niya na hindi siya magpapatinag kaya tinaas nito ang mga kamay. The guy is tall and lean. His skin looked like he bathed in the sun for hours. "I think I crossed a territory here," this guy's smirk is irritating. Sinamaan niya ito ng tingin. "Chill dude! I sincerely apologise. Here," May inabot itong dalawang maliit na papel, wala siyang balak na tangapin ito ngunit nilapag ito ng lalaki sa kanilang mesa. "As an apology, I'll offer you this VIP tickets for a surfing competition. Nasa ticket na nakakagay ang venue, hope to see you there!" Sinundan niya ng tingin ang lalaki habang naglalakad ito palabas. May sumalubong ditong lalaki na kasing tangkad lang nito. "Richard mah boy!" Napakunot noo na lamang siya nang marinig niya itong tinawag ang kasalubong. Kahit nasa malayo narinig niya pa rin ang boses nito. Kalalaking tao ang tinis ng boses! "Tsk!" Inayos niya muna ang mga pagkain bago umopo. Sinamaan niya ng tingin si Patricia, nagsisimula na itong kumain at ang inosente pa rin ng mukha! "Huwag kang nakikipag-usap sa kung sino-sino. Baka mamaya, multo na pala ang kausap mo," nakasimangot na sabi niya dito, ginaya niya ang sinabi nito sa kanya noon. "I did not talked to him," sagot nito matapos lunukin ang pagkain, "Siya lang ang kumausap sa akin." Ginulo niya ang buhok. Hindi niya makuha ang pinupunto ng babae. Ang hirap talaga nitong intindihin. Hindi na lang siya nagsalita at nagsimulang kumain. Susubo na sana siya peri pinigilan siya ni Patricia. Nagtataka niya itong tinignan. "You did not pray." Tumikhim siya at binaba ang kobyertos. "I did not saw you pray," balik na saad niya dito. "I did prayed, you're just too busy glaring at Gretel." Sumama ang tingin niya dito. "How did you know his name?" "The guy introduced himself," kibit balikat ng babae. "I thought you didn't talked to him?" "I didn't, he talked to me. Why are you changing the topic?" "Ikaw ang nagpapalit ng topic. Ewan ko sa'yo," pinili na lamng niyang tumahimik at nag-sign of the cross para matapos na. Kahit kailan hindi niya talaga kayang intindihin si Patricia. Minsan playful ito, minsan naman sobrang seryoso, minsan ang tahimik, paulit ulit din itong nawawala at sumusulpot, napapaisip tuloy si Asta, sino ba talaga si Patricia? Wala siyang ibang alam kundi ang pangalan nito. Ni apelyedo ng babae ay hindi niya alam. Hindi niya alam kung saan ito nakatira, kung anong trabaho nito at kung bakit ito bumubuntot sa kanya. Pero kahit pangalan lang ang alam niya tungkol sa babae, nakakapagtaka ring hindi man lang siya nagprotesta nang naisipan nitong sumama sa kanya. Ang totoo, gumaan pa ang pakiramdam niya. After months of mourning alone, Patricia suddenly appeared and pulled him out from the dark. Ngunit minsan nakakaisip pa rin siya ng masama. Minsan kapag pakiramdam niya nag-iisa na lang talaga siya sa mundo at habang buhay na walang kasama, mas gugustuhin niya na lang mamatay. Pero sa tuwing nagtatangka naman siya, doon naman biglang sumusulpot si Patricia. Alam niyang may kakaiba, ngunit hindi niya lang talaga magawang pangalanan ito. Napatingin siya sa babae. Tapos na itong kumain at nagmamasid ito sa paligid. Sinusundan niya ang tinitignan nito ngunit puro sa mga bakanteng upuan lang naman ito tumitingin. May nakikita ba itong hindi niya nakikita? Umiling siya. Ano bang iniisip niya? Parang tanga lang. Naisipan niyang umalis na kaya inaya na niya ang kasama. Patayo na siya nang mapansin ang dalawang ticket na binigay ni 'Gretel'. Naisipan niyang tignan ito, total wala namang mawawala sa kanya. It's a surfing competition located at Isla del Amor. Hindi niya alam na nagho-host pala ng competition ang Island resort nila. Yes, sa kanila ang resort na pagdadaungan ng competition. Iba lang ang nagma-manage nito sa ngayon. Pinakita niya kay Patricia ang ticket. He want to watch, total ay wala naman siyang nakaplanong pupuntahan ngayon. Isa pa, may ticket na sila, kaya why not use it? "What do you think?" tanong niya sa babae. Kibit balikat lang ang naging sagot nito kaya tumango siya. Okay, next stop is Isla del Amor!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD