May pagkakaiba ang mga taong patay sa mga taong buhay.
Sa mundo ng mga buhay, may pagdudusa at pagmamahal, may sakit at saya, lungkot at galit, mga emosyong normal lamang sa mga taong nabubuhay.
Ang mga buhay, naghihirap kumayod para may pangtustos sa sarili o sa pamilya. Kumikita ng pera at tinitiis ang mga panlalait ng mas nakakataas ng posisyon sa kanila para lamang may mailagay na laman sa tiyan.
Ang mga buhay, araw-araw nakikipag laban sa mga kapwa nilang mga walang magawa sa buhay. Mga nilalait at nanlalait, mga chismosa at nagpapalakat ng maling impormasyon. Mga magnanakaw na kapit sa patalim, iba't ibang klase ng tao, iba't ibang klase ng karanasan.
Sa mundo ng mga patay, walang nakakaalam kung anong nangyayari sa kanila. Ngunit isa lamang ang alam ng lahat, kapag patay na ang isang tao, ang bangkay nito ay sing lamig ng yelo.
At ito ang iniisip ni Asta habang nakatitig sa nalamig na kamay ni Patricia. Kakaiba ang lamig nito, sigurado siyang hindi ito ang klase ng lamig na giniginaw lang ang tao.
Hindi normal ang temperatura ng babaeng ito.
Bigla siyang nag alinlangan. "M-may sakit ka ba?"
Kumunot lamang ang noo ng babae at muling humiga, tila wala ng balak makipag-usap sa kanya. Napahilamos siya sa mukha at humarap sa kalsada, hindi niya napansing kanina pa pala umuusad ang trapiko at binubusinahan na siya ng mga motorista.
Walang nagawang pinaandar niya ang sasakyan habang nasa loob pa rin si Patricia. Sinusulyapan niya ito habang nagmamaneho, nagkatinginan silang dalawa kaya napa-ubo si Asta at umiwas ng tingin.
"What?" masungit na tanong nito.
"Wala ka bang sariling sasakyan? Bakit nakiki-sampid ka rito?" busangot na tanong niya rito at pilit na tinutuon ang atensyon sa harap. Suicidal siya ngunit hindi pa siya nababaliw para ibanga ang sasakyan niya at mandamay ng ibang tao.
Sinulyapan niya uli si Patricia na nakapikit lamang ang mata. Tila tamad na tamad ito sa buhay, sa posisyon palang ng pagkakahiga nito, iisipin niyang hindi ito babae.
Nakataas ang isang paa nito at nakapatong sa sandalan ng upuan, nakabukaka pa itong parang lalaki sa kanto. Ang mga braso nito ay ginawang unan at tila relax na relax ito sa posisyon.
Nagawa pang humikab ng baliw!
Sa totoo lang hindi alam ni Asta kung maiiyak ba siya o matatawa dahil sa kadalasan nitong pagsulpot kapag may balak siyang magpatiwakil. Sobrang coincidence naman kung pati sa ikalawang pagkakataon ay sumulpot ito!
May sa lahi ba itong kabute? Bigla bigla na lamang sumusulpot ng hindi niya namamalayan!
"I'm literally broke," kalmadong sagot nito sabay muling humikab.
Tumibok ang kanyang ulo at bahagyang sumakit, may naamoy siyang hindi magandang pangitain sa sinabi nito. Napahilot siya sa sintido.
"Saan ba ang bahay mo? Ihahatid na kita. Nakakahiya naman sa'yo, nasa loob ka na ng sasakyan ko eh," sarkastikong aniya.
"I don't have a house."
Napa-preno siya at exagerated itong nilingon. "Ano?! Anong wala kang bahay?! Saan kita ihahatid kung ganoon?!" Nagpa-panic na tanong niya.
Mabuti nalang at maluwag ang kalsadang dinadaanan nila kaya walang bumanga sa likuran ng sasakyan nang biglaan siyang huminto.
"I just said seconds ago that I'm broke. Wala akong pera, meaning wala rin akong bahay," huminto ito nang tumunog ng malakas ang tiyan. Sabay silang nagkatinginan. "At gutom na gutom na rin ako."
Napanganga na lamang si Asta sa inaasta ng babae. Parang balewala lang dito ang sarili nitong sitwasyon at relax na relax pa ang bruha! Wala siyang nagawa kundi ang huminga ng malalim para habaan ang pasensya.
Walang mangyayari kung bubulyawan niya ito. Naisip niyang itapon na lamang ito sa kalsada ngunit mas lalong hindi siya patatahimikin ng konsensya kung iiwan niya lang ito sa tabi. Tahimik siyang nag-drive pauwi.
Paulit-ulit niyang pinapaalala ang sariling huwag pumutok sa tuwing nakikita niya itong chill na natutulog. Para itong walang problema sa buhay kung makahilik!
"Hoy, gising!" Yuyugyugin niya sana ito gamit ang paa dahil wala siyang balak hawakan ang baliw na babaeng ito ngunit bago pa man niya ito magawa ay malakas na tinapik nito ang paa niya.
Isang nagbabagang tingin ang itinapon nito sa kanyang direksyon habang bumabangon, ang buhok nitong mahaba ay bumabagsak sa gilid ng pisngi nito pababa sa balikat at braso. Hindi masyadong tuwid ang buhok ni Patricia, natural na paalon ang itim nitong buhok. Hindi kulot ngunit hindi rin tuwid.
Naaalala ni Asta sa buhok nito ang dagat. Magkaiba nga lang ng kulay ngunit mahahambing niya ang buhok nito sa umaalong tubig.
Umatras na lamang siya habang nakapamulsa. Para iting tigreng nakatitig ng masama sa kanya.
"Don't you ever, ever lay your dirty foot on me," her voice is full of venom. Mukhang hindi talaga nito nagustuhan ang inasta niya. "Hindi ako hayop na pwede mong tapakan, tandaan mo yan."
Pakiramdam ni Asta ay nakagawa siya ng krimen. Guilt was written all over his face. "Sorry," mahinang paumanhin niya.
Kunot noo lamang ang nakuha niyang sagot at bumaba na ito sa sasakyan. Nauna siyang maglakad dito, gamit ang kalmadong boses ay inanyayahan niya itong pumasok sa bahay niya.
Ito ang bahay na iniwan ng kanyang parents sa kanya, dito sila sabay bumuo ng mga masasayang alaala. Mga alaalang kay saya ngunit naghahatid ng sakit sa puso niya.
Iginaya niya sa kusina ang dalaga. May mga kasambahay naman siya ngunit simula noong nawala ang mga magulang niya ay sinabihan niya ang mga katulong na umuwi muna sa kanila.
Kada linggo may pumupunta rito para mag linis. Ang kanyang labahan naman ay pinapa-laundry lang niya. Marunong siyang mag luto kaya wala siyang problema sa pagkain.
"Anong gusto mong kainin?" tanong niya rito habang hinahanda ang mga kailangan niyang gamitin.
Sinulyapan niya si Patricia na nililibot ng tingin ang buong kusina. Winagayway nito ang kamay.
"Kahit ano," sagot nito habang binubuksan ang pantry na puno ng iba't ibang klase ng seasonings, canned foods , cereals at iba pa.
Hinayaan na lamang niya itong hawakan ang mga bagay-bagay. Napaka-curious nito habang seryosong nililibot ang kusina, sumilip pa ito sa labas ngunit mukhang wala itong balak mangulikot sa ibang parte ng bahay kapag wala siya.
Naisipan niyang sinigang na lang ang lutuin. Nag saing siya ng bigas at nagsimulang mag luto. Nang naluto na ang lahat ay hinanda niya ito sa mesa at tinawag ang dalaga.
Atubiling umopo ito sa harap ng hapag at tinitigan ang luto niya.
"Wala akong nilagay na lason diyan," simangot niya rito habang nagsasandok ng kanin. Sinulyapan lamang siya ng dalaga at nagsimula na ring kumuha ng pagkain.
"Wala naman akong sinasabi," sagot nito sa kanya.
'Wala ka ngang sinasabi pero sa tingin mo palang parang nang-aakusa ka na,' gusto niyang sabihin ngunit mas pinili na lamang niyang itikom ang bibig at kumain.
Halatang gutom na gutom nga ang babae, puno ng kanin ang plato nito at ang bilis kumain. 'Kain kargador,' hindi niya mapigilang isipin. Tinago niya ang ngiting unti-unting sumisilay sa kanyang bibig.
Mukhang nahahawaan na siya ng kabaliwan.
NANG matapos silang kumain ay pinaghugas niya ito ng pingan. Ang swerte naman nito kung siya pa ang maghuhugas matapos niya itong pakainin. Wala namang reklamo ang babae at tahimik na sinunod ang utos niya.
Sinilip muna niya ang kwartong tutulugan nito, maayos naman ang kundisyon ng kwarto at malinis. Guest room nila ito ngunit matagal ng hindi nagagamit. Mabuti nalang at nililinis ito ng mga taong pinapadala ng agency dito.
Hindi naman siya sobrang walang puso para patulugin sa labas ang babae. Iniisip palang niya ito ay nako-konsensya na siya.
Matapos tignan ang tutulugan nito ay bumaba na siya para silipin kung tapos na ba itong mag hugas. Sakto naman ang dating niya dahil nagpupunas na ito ng kamay.
"Halika, ituturo ko sa'yo ang tutulugan mo," aya niya rito.
Tumango lamang ang babae at sumunod sa kanya. Minsan naiisip nalang ni Asta na multo ang kausap niya. Nagsasalita naman ito ngunit tila diyan lang ito nagsasalita kapag galit o kaya naman ay kritikal ang sitwasyon.
Nasaan na ang dating kadaldalan nito noong nasa baybayin sila ng dagat? Tila nag-evaporate nalang sa hangin ang kadaldalan nito.
Although hindi niya masyadong maalala ang mga pinagsasabi nito noon dahil hindi naman siya nakikinig dito.
Huminto siya sa harap ng pinto. "Dito ka muna matulog," turo niya sa loob ng kwarto matapos ito buksan.
Tumango ang dalaga.
"Ipapaalala ko lang sa'yo, ngayong gabi ka lang pwede rito. Kapag pag sikat ng araw, dapat nakaalis ka na, maliwanag?"
Hindi ibig sabihin na alam niya ang pangalan nito ay kilala na niya ang babae. Naaawa lang talaga siya rito kaya niya pinatuloy sa bahay niya. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang kakaibang pinagsasabi nito sa kanya kahit hindi masyadong malinaw sa memorya niya.
Isa lang ang nag register sa utak niya noong una niyang makita ang dalaga.
Baliw.
Tumango na naman ito. Hindi alam ni Asta kung naiintindihan nito ang sinasabi niya ngunit napahinga na lamang siya ng malalim. Pagod na si Asta kaya wala siyang panahon mag-alala sa isang taong hindi naman niya kilala.
Tumalikod na siya para pumanhik sa kwarto ngunit isang malumanay na boses ang nagpahinto sa bawat hakbang niya.
"Salamat."