Ano nga ba ang kahulugan ng buhay?
Kapag ba buhay ka, wala ng mas mahalaga pa kundi ang katotohanang buhay ka? Mas mahalaga bang mabuhay kesa hanapin natin kung ano ang rason kung bakit nabubuhay tayo?
Sa oras na tayo ay isinilang, talaga bang naka-ukit na sa bato ang tadhana natin? O tayo mismo ang gagawa ng sarili nating tadhana?
Araw-araw paulit-ulit lang ang ginagawa ng mga tao. Ang mabuhay, ang humanap ng mapagkikitaan, ang maglaro sa kalye, ang mag-aral at matuto. Araw-araw parang umiikot lamang ang buhay ng mga tao sa katotohanang kailangan nilang kumayod para mabuhay.
Ang mabuhay. Ito lang ba talaga ang dapat nating gawin sa oras na tayo ay isinilang sa mundo?
Hindi ba pwedeng hanapin natin ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay?
Siguro ang ibang tao ay nahanap na ang layunin nila sa buhay. Si Asta ba? Nahanap na kaya niya ang dahilan kung bakit hangang ngayon buhay pa siya?
Sa edad na labing dalawa, siya na ang humahawak na naiwang kumpanya ng kanyang magulang. Napilitan siyang aralin ang pasikot-sikot sa kumpanya para mapanatili itong matatag at mataas.
Ilang buwan lamang ang lumipas nang pumanaw dahil sa aksidente ang kanyang mga magulang, sumunod naman kaagad ang nag-iisa niyang kapatid na babae sa mga ito. Siguro sa sobrang lungkot ng kapatid niya ay hindi na nito nakayanan ang lahat.
Hindi niya alam kung ano ang saktong dahilan kung bakit nito naisipang uminom ng isang bote ng sleeping pills, hindi niya alam kung bakit nito naisipang kitilin ang sariling buhay. Oo, wala na ang mga magulang nila, pero nandito pa naman siya. Buhay na buhay pa siya, hindi pa ba sapat ang presensya niya para manatili itong buhay?
Bakit ba palagi nalang siyang iniiwan ng mga taong mahal niya?
Hindi patas ang mundo. Hindi patas ang kapatid niya! Hindi man lang nito naisip na nasasaktan din siya. Hindi man lang nito naisip na nahihirapan na rin siya. Pinipilit niyang mabuhay noon at lumaban para lang sa kapatid niya, ngunit ngayong iniwan na rin siya nito, para saan pa ang buhay niya?
Gusto niyang mag wala, ngunit naubusan na siya ng lakas. Gusto niyang humagulhol ng iyak, ngunit wala na siyang luhang kayang ilabas.
Asta, ano ba ang dahilan kung bakit ka nabubuhay? Ang ang layunin mo sa buhay?
"Dude, natutulog ka pa ba?"
Napakurap siya nang marinig ang tinig ng kaibigan. Hindi niya namalayang natulala na pala siya habang nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap.
Hinilamos niya ang palad sa mukha, hinagip ng isang kamay niya ang tasa ng kape at inisang lagok ang laman niyon. Walang nakuhang sagot ang kaibigan mula sa kanya, nanatiling nakapatong ang kanyang ulo sa palad niya.
"Alam mo? Bukas nalang natin ito ipagpatuloy, mag pahinga ka muna diyan," tumayo ito at inayos ang dalang mga papel at handa nang umalis.
"Amir, am I pathetic?"
Napahinto si Amir sa kanyang tanong. Nag-aalala ang mukha nito na muling umopo sa harap ng mesa niya. Itinaas ni Asta ang mukha at tinignan ang kaibigan.
Puno ng kalungkutan ang kanyang mata, halos wala itong buhay. Pagod na pagod ang mukha niya at magulo ang buhok. Hindi ito ang Asta na kilala ng mga taong nakakakilala sa kanya. Malayong malayo ang Asta na nakaupo sa swivel chair ngayon kesa sa Asta noon.
Maraming nagbago sa kanya. His usual arrogant smile was gone, the happiness in his eyes was replaced by a sorrowful gaze.
Tila sinasakal si Amir, nakakaawa ang kaibigan niya. Gusto niya itong tulungan ngunit wala siyang magawa, tanging sarili lang nito ang makakapag-ahon sa kalungkutan.
Tumawa ng bahagya si Asta. Nakita nito sa mga mata ng kanyang kaibigan ang pagdadalawang isip at labis na awa.
Hindi niya kailangan ng awa. Hindi kayang iahon ng awa ang buhay niyang nakalubog sa walang hangang kalungkutan.
"Nevermind," saad niya at umob-ob sa mesa. "Tama ka, I need to rest. Let's just continue this tommorow, Amir."
Tumango lamang si Amir kahit hindi ito nakikita ni Asta. Naiintindihan niya kahit papaano ang kaibigan niya. Hindi madaling mawalan ng minamahal sa buhay. Kung isa pa nga lang ang mawala, parang papatayin ka na sa lungkot, paano pa kaya kung sabay-sabay na kunin sa'yo ang mga taong mahalaga sa'yo?
Alam ni Amir na wala siyang magagawa para sa kaibigan. Hindi niya kayang bumuhay ng patay. Nag-aalinlangan mang iwan ang kaibigan, wala na siyang nagawa kundi ang lumabas sa opisina nito at umalis.
Asta, hangang kailan ka magpapakalunod sa kakungkutan?
Wala ka bang balak labanan ang malupit na tadhanang inihandog sa iyo ng mundo?
Asta, kailan ka kakapit sa Panginoong Maykapal?
BINABAYBAY ni Asta ang kahabaan ng tulay. Mahina ang daloy ng trapiko ngunit hindi naman siya nagmamadaling umuwi. Wala namang naghihintay sa kanya, kaya para saan pa?
He was leaning against his car window, looking at the setting sun while waiting for the traffic to move. Mukhang may aksidente pa yata kaya mas humina ang daloy ng trapiko.
Habang nakatitig sa mga sasakyang maingay na bumubusina, napalingon siya sa kabilang side ng tulay. May isang ideyang lumutang sa kanyang isip kaya dahan dahan siyang lumabas sa sasakyan at lumapit sa railings ng tulay.
Walang nakapansin sa isang lalaking pumatong sa railings at binalanse ang sarili doon. Nakatitig si Asta sa tubig na babagsakan niya. Mataas ang tulay at sigurado siyang mabato sa ilalim ng tubig sa ibaba niya. Kahit pa hindi siya mamatay sa pag bagsak niya, mamamatay pa rin siya dahil sa pagkalunod.
Marunong naman siyang lumangoy, pero sa malakas na agos palang ng tubig, hindi na siya makakaahon pa.
Tinantya niya ang kanyang pagtalon, handa na siyang magpakalunod sa kalungkutan nang may boses na nagsalita sa gilid niya.
"Sawa ka na ba talagang mabuhay?"
Muntik na siyang madulas sa railings at mahulog sa ilalim ng tulay, nagulat si Asta ngunit nang ma-realise niyang pwede na siyang makapagpahinga ay hinayaan niya ang sariling mahulog.
Ngunit may kamay na humila sa kanya. Imbis na malalim na tubig ang babagsakan niya, ang matigas na sementadong tulay ang sumalo sa kanya. Tumama ang kanyang likod sa semento, may paa namang humarang sa kanyang ulo para ito ito mabagok.
Nanghihina niyang tiningala ang taong naglakas loob hilain siya. Ngunit kumunot lamang ang kanyang noo nang bumulaga ang mukha ng babaeng pamilyar sa kanya.
Ito ang parehong babae na kumausap sa kanya noon sa resort ng pamilya niya.
Nakayuko ito sa kanya, ang itim nitong mga mata ay tila nakatitig sa buong kaluluwa niya. Nakalaylay ang mahaba nitong buhok na dumidikit sa mukha niya. Hindi mabasa ni Asta ang expression nito sa mukha. Para itong multong nakatitig sa kanya.
Creepy. Weirdo. Crazy.
Iyan ang mga salitang iniisip niya habang pilit bumabangon kahit masakit ang kanyang katawan sa bagsak. Nakakapagtaka lang, wala man lang kahit isang tao ang nag react nang muntik na siyang mamatay. Lahat ng mga taong laman ng mga sasakyang na-stuck sa traffic ay nakatuon lamang ang atensyon sa harap, tila wala silang napapansing may muntik ng mamatay.
"Ikaw na naman?" Tinapunan niya ng masamang tingin ang babae habang pinapagpag ang kanyang damit. Hindi niya alam ang pangalan nito pero kilalang kilala niya ang mukhang yan.
"Don't be such a baby," tumalikod ito sa kanya at naglakad palayo. Mabilis siyang sumunod dito nang makitang patungo ito sa kanyang sasakyan, at walang kaabog-abog itong pumasok at pumwesto sa likurang upuan ng kanyang sasakyan!
Napanganga na lamang si Asta at nagmadaling pumasok. Nilingon niya ang babae na may nag-aagablab na inis.
"Sino ka ba?! Lumabas ka nga rito! Hindi kita kilala!" bulyaw niya rito. Halos umusok na ang kanyang ilong sa inis. Kung noong nakialam ito sa kanya ay pinalampas niya, ngayon namang sinira na naman nito ang plano niya, at wala pang kahiya-hiyang pumasok sa sasakyan niya, aba! Ang galing lang!
Humiga ito patagilid, nakaharap ang katawan sa kanya at nakaunan ang ulo sa braso. "Ang akala ko ay magkaibigan na tayo," pinilig nito ang ulo.
Kaibigan?! Sinong magkaibigan?! Eh hindi nga niya alam ang pangalan nito, tapos kaibigan daw sila?! May maluwag talagang turnilyo sa utak nito.
"Hindi kita kilala, kaya labas," nagbabantang saad niya. Nababakas na ang inis sa buong mukha ni Asta ngunit ang babae, kalmado pa ring nakahiga! Parang walang taong galit sa harap nito, nagawa pa nitong umupo at inabot ang kamay.
"Yon lang pala eh. Nice to meet you, I'm Patricia," monotone ang tono ng boses na pakilala nito sa sarili.
Napatanga nalang si Asta rito. Hindi siya makapaniwalang mas makapal pa sa kalyo ang mukha ng babae. Nang hindi niya inabot ang kamay nito ay ito na ang kusang nakipagkamay sa kanya.
Malambot ang palad ng babae, tila wala itong ginawa sa buong buhay nito kundi ang matulog at kumain sa sobrang lambot ng kamay. Ngunit nakaramdam ng kakaibang lamig si Asta nang maglapat ang mga kamay nila. Tila humawak siya ng yelo. Mabilis niyang binawi ang kamay at hindi makapaniwalang tumitig sa babae.
Bakit singlamig ng bangkay ang palad nito?!