Nagsimula nga ang laro na naisip ni Cherry. Kung maaari lang sana ay ayaw niyang makisali kaya nananahimik na lang siya. Labing-lima sila sa loob ng private room at sigurado siyang hindi pa pumapasok ang iba. Mukhang nagkakasiyahan pa sa labas ng pribadong kwarto. Kasi nga mas pinili na magsaya na lang sa labas. Ano pa ba'ng iisipin niya? Mas marami nga kung tutuusin ang makikita sa ground floor kaysa rito. Ewan niya ba sa mga kasama kung bakit naisipan pang kumuha ng ganito kamahal na kwarto kung pwede namang doon na lang sa dati nilang pwesto. Wala namang mangingialam na iba kung nando'n sila. Napatingin siya kay Emitt na walang balak na sumali dahil nakaupo lang ito sa tabi niya at parang nakaakbay sa kanya dahil nakapatong sa inuupuan niya ang braso ni Emitt. Nakikita niyang ma

