Nakaupo lang silang dalawa ni Emitt dito sa labas matapos siyang sabihin na mahal niya ito. Tapos na, nasabi na niya at 'yon ang mahalaga ngayon. Hindi pa nga niya napapaliwanag kung bakit mahal niya 'to. Kung saan ba nagsimula at kung gaano na katagal ang pag-ibig niya kay Emitt. Masaya siyang nagawa niyang sabihin sa kabila nang tagal na pagkimkim niya. Naamin na niya kay Emitt. Kung ano ang magiging reaksyon nito at magiging desisyon ay tsaka naman siya gagawa rin ng desisyon. Ayos na 'to... Kapag nagkataon na liligawan siya nito ay alam niyang bibigay siya at sasagutin niya 'to. Kapag naman hindi at wala talaga itong pakialam o ginagamit lang siya para sa kadahilanang panakip butas kay Megan ay alam niyang dudurugin nito ang puso niya pero kailangan niyang tanggapin. Kailangan niy

