“Hindi ka ba marunong kumatok?” mataray na tanong sa kanya ni Megan kaya natigilan siya at nabalik sa realidad kaso sobra ang sakit na nararamdaman niya. “Yes? Do you need anything from me?” Emitt asked her as if she had seen nothing. Emitt just didn't really care. Napabuntong hininga na lang si Kat pero masama ang loob niya. Ayos naman na sana kanina. Kinikilig na naman siya kay Emitt. Umasa na naman siya kaso siya na naman ang talo. “Ibabalik ko lang ‘to,” mahinang sabi niya at nakayukong lumapit si Katrina sa mesa ni Emitt bago ibinaba ang lunch box nito at nagmamadaling lumabas dahil gustong tumulo ng mga luha mula sa mga mata niya. Agad siyang pumasok sa loob ng restroom ng mga babae rito at deretsyong tinignan ang sarili sa harapan ng salamin. Namumula ang m

