Tumayo si Katrina mula sa pagkakaupo niya sa upuan dito sa opisina niya dahil hindi na niya namamalayan ang oras at alas dos na pala at hindi pa siya nanananghalian. Nawala naman kasi sa isip niya.
Hindi naman siya nakaramdam ng gutom.
Nagtaka siya dahil hindi man lang siya ginulo ng kaibigan niyang bakla na si Raula Mae.
Naglakad siya papalabas at sakto namang lumabas si Megan na gulo-gulo ang buhok mula sa opisina ni Emitt kaya nangunot ang noo niya.
‘Ano naman ang ginagawa ng babaeng ito sa opisina ni Emitt? E ‘di ba nga sa ibang department ito?’ tanong niya sa isip niya.
Bigla nalang siyang nilukob ng sakit at sama ng loob dahil sa pumasok sa isip niya, kung ano ba’ng nangyari sa loob ng opisina ni Emitt at kailangan na talagang magulo ang buhok ni Megan.
Agad niyang nakita ang ngisi ng kinaiinisan na babae pero imbis na magalit o mainis din siya ay mas lalo siyang nainggit sa babaeng nasa harapan ngayon dahil pag-aari nito ang lalaking matagal na niyang iniibig. Naiinis siya dahil sa selos na nararamdaman at gusto nalang niya sumigaw dahil sa sama ng loob.
Walang mangyayari kapag ipapakita niyang nasasaktan siya sa harapan ni Megan kaya tinalikuran nalang niya ito at hinanap ang bakla niyang kaibigan.
Kahit papaano ay ang pangangasar sa kanya si Eduardo ang nagpapakalma sa kanya sa sakit.
Kahit na papaano ay nakakalimutan niya ang sama ng loob niya.
Nangunot nalang ang noo niya nang makitang wala ang kaibigan sa opisina nito kaya babalik nalang sana siya sa opisina niya at doon nalang isusubsob ang sarili sa hindi pa natatapos na trabaho nang makasalubong niya si Brian.
“Hi Kat,” nakangiti nitong bungad sa kanya kaya napabuntong hininga nalang siya.
Naalala niyang gusto ni Eduardo na lumaya na siya sa sama ng loob at sakit sa matagal na niyang pagkakakulong sa nararamdaman kay Emitt.
Pero paano siya magbubukas ng pinto kung kinandado ni Emitt ang buo niyang pagkatao? Paano niya bubuksan ang sarili sa iba?
“May tinatapos ka ba? Napansin kong hindi ka pa kumakain. May inilagay akong pagkain sa opisina mo, kumain ka na baka kasi magkasakit ka,” mahinang sabi nito na kinagulat niya.
“Hindi ka na sana nag-abala pa pero salamat Brian,” mahina niyang sabi kaya nginitian siya nito.
“Sige, maiwan na kita. Alam ko naman na hindi mo ako gustong nangungulit sa ‘yo,” mahina nitong sabi kaya pinigilan niyang matawa.
‘Suma-sad boy ang kupal,” sabi niya sa isip niya kaya napailing siya.
“Hindi naman sa gano’n Brian. Wala pa talaga sa isip ko ang magkanobyo, nakikita mo ba? Masyadong mataas ang pangarap ko at hindi ko pa naiaahon sa hirap ang lola ko kaya ayaw ko munang may humahati ng atensyon ko,” mahinang niyang sabi pero ang totoo ay hindi siya handa dahil hindi naman ito si Emitt.
Alam na alam niya na kapag umamin sa kanya si Emitt kung nagkataon na magkagusto ito sa kanya ay alam niyang pipiliin ito ng puso niya.
Hindi niya alam kung paano aahon pero gusto niyang subukan.
Hindi niya lang alam kung bakit hindi man lang makuha ni Brian ang atensyon niya. Kung bakit hindi man lang siya kiligin sa mga ginagawa ni Brian, mapansin niya lang.
“Hindi ko naman gustong maging panggulo sa mga pangarap mo. I want to help you.”
Napabuntong hininga siya. Tama nga siguro ang kaibigan niyang si Eduardo na subukan na ibukas ang sarili sa iba.
Hindi na siya bumabata…
“Pwede ka bang maghintay?” mahina niyang tanong bago umiwas ng tingin at nagsalita, “pag-iisipan kong mabuti kung handa akong sumugal para sa ‘yo.”
Nagulat naman si Katrina nang hawakan ni Brian ang kamay niya ng sobrang higpit.
“Ayos na sa akin na susubukan mo… na pinayagan mo akong tuluyan na ligawan ka,” malambing at nakangiti nitong sabi sa kanya.
Ngumiti nalang siya kahit na naiilang siya kay Brian.
Kung nakakadena ang pinto sa puso niya ay gagawa nalang siya ng bago para makapasok ang iba at tuluyan palabasin si Emitt.
Kaya ba niya? Hindi niya alam pero susubukan niya.
“Sige… ahm ano… una na ako sa opisina ko, marami pa kasi akong aasikasuhin,” mahinang sabi niya kay Brian.
Nakangiti pa rin si Brian nang bitawan nito ang kamay niya at tumango kaya tumalikod na siya at nagmamadaling bumalik sa opisina niya kaso biglang may matangkad na tao ang nabangga niya.
Dahil siguro sa bilis ng paglalakad niya at nakayuko siya ay sobrang sakit ng pagbangga no’n at may katigasan din ang nabangga niya.
Handa na niyang tanggapin na matutumba siya nang may malalaking kamay at lumawak sa balikat niya.
“Cafeful.” Biglang tumibok ang puso niya nang marinig ang baritonong boses na bumabaliw sa kanya sa mahabang panahon.
Hindi ‘yon mawawala sa kanya at hanggang sa panaginip ay naririnig niya.
“E-Emitt…”
“Why are you in a hurry? Wala namang humahabol sa ‘yo.” Sobrang lamig talaga ng boses nito at parang walang gana kapag nagsasalita.
Titig na titig lang siya sa nakakunot na noo ng lalaking nasa harapan niya ngayon.
Bakit ba kasi hindi na lang siya ang minahal at gawin nitong nobya?
Magsasalita na sana siya nang biglang mag-ingay ang tiyan niya kaya nanlaki ang mga mata niya dahil sa kahihiyan.
Bakit ngayon lang nag-ingay ang tiyan niya? Bakit sa harapan pa mismo ni Emitt?
“Have you eaten?” he asked coldly.
Ang makakapal nitong kilay ay sobra ang tama sa kanya.
Umiling nalang siya habang nakatingala at titig na titig sa gwapong mukha ni Emitt. Kahit pa masyado itong seryoso ay ayos lang.
Napakagat nalang siya sa ibabang labi nang iwan siya ni Emitt at pumasok sa loob ng opisina nito kaya hindi na niya napigilan na tumawa ng mahina dahil sa sakit na sumakop sa buong pagkatao niya.
“Kahit ang sakit na, mahal na mahal pa rin kita,” mahinang sabi niya at bagsak ang balikat na pumasok sa opisina niya.
Aabutin na sana niya ang sinabi ni Brian na iniwan nitong pagkain para sa kanya nang makita niyang pumasok si Emitt sa opisina niya dala ang lunch box nito at ibinagsak ng ‘di gano’n kalakas sa lamesa niya.
“Eat.”
Halos lumuwa ang mga mata niya dahil sa ginawa ni Emitt.
Iniwan nalang siya nito bigla habang siya naman ay nakatingin pa rin kung saan nakatayo si Emitt kanina nang ilagay nito ang lunch box sa mesa niya.
Sobrang bilis ng t***k ng puso niya na siyang nagpapahirap sa kanya huminga kaya wala siyang nagawa kundi buksan ang dalawang butones ng brusa na suot.
Sobrang bilis ng t***k ng puso niya. Hindi niya makahinga ng maayos. Paano niya makakalimutan ang binata kung ganito ang epekto nito sa kanya?
Isa pa ay paano niya pakakawalan ang nararamdaman dito kung pinapakitaan naman siya nito na para bang may gusto rin ito sa kanya.
“Ano ba’ng gagawin ko? Please, choose to open your heart for me,” she whispered.
Nanginginig ang mga kamay na inabot niya ang lunch box ni Emitt at hindi na nawala sa mga labi niya ang ngiti.
Bakit ba kasi ang rupok niya? Nag-iiba ang mga desisyon niya sa buhay kapag si Emitt na ang nand’yan.
Sabi niya ay susubukan niyang ibukas ang sarili sa iba pero ito siya ngayon at gustong ipaglaban ang nararamdaman dito.
Baliw na baliw siya sa isang lalaki na ni minsan ay hindi niya maintindihan ang pinapakita sa kanyang pag-uugali.
Masaya nalang siyang kumain at iniisip ang mga pekeng senaryo sa isip niya habang ngumunguya at dinadama ang sarap ng baon na pagkain ni Emitt.
Tila sa wakas nasa unang pagkakataon ay nanalo siya kay Megan pagdating kay Emitt dahil hinayaan ni Emitt na ipakain sa kanya ang baon nito.
Wala na sa isip niya na baka hindi pa kumakain si Emitt. Ang nasa isip niya lang talaga ay nag-aalala sa kanya si Emitt dahil hindi pa siya kumakain.
Nakangiti talaga siya hanggang sa hindi na niya napansin ang pagkain na binili sa kanya ni Brian. Masyado niyang tinuon ang isip sa kinakain niyang galing kay Emitt.
Emitt was worried about her, because of that she is so happy.
Katrina doesn't seem to be annoyed today…
but that's what she thought.
Because when Katrina was about to return Emitt’s lunch box, she saw Megan and Emitt kissing in Emitt's office.