“Gago, hindi pa ba tayo babalik sa loob?” tanong ni Katrina sa kaibigan na si Eduardo. Nandito sila sa kanto at umiinom ng soft drinks. Kanina pa sila rito at mukhang mas ayaw pumasok ni Eduardo sa loob.
Hindi na nga niya napigilan na maiyak kanina e, buti nalang talaga at hinila siya ni Eduardo papalabas para makalanghap siya ng sariwang hangin. Nagpapasalamat talaga siya sa kaibigan kahit na papaano.
Alam na alam nito kung nasasaktan siya o hindi at kung paano siya sasagipin. Tinadhala nga siguro na malas siya sa ina at ama niya at isama pa sa pag-ibig pero maswerte naman siya sa kaibigan.
Kung sakali mang pagpiliin siya sa muling pagkabuhay niya ng kaibigan ay walang pagdadalawang-isip niyang pipiliin ang kaibigan niyang si Raula Mae.
Malas siya kapag wala ito.
Kahit ba mapang-asar ito at hindi nabubuo ang araw nito kapag hindi siya naiinis. Parte na ‘yon ng pagkakaibigan nila. Parte na ang asaran nilang dalawa.
Kapag babae lang talaga gusto nito ay papatulan niya ito.
Ito ‘yong mga pangyayari na mas minamahal niya ang kaibigan na bakla dahil alam nito kung kailan kailangan na kailangan niya ito at agad naman siya nitong sasaluhin.
“Ayos ka na ba? Hindi na masakit?” nag-aalalang tanong nito sa kanya.
“Syempre masakit pa rin, gago ka ba? Syempre hindi ko naman inaasahan na seryoso na si Emitt kay Megan, alam mo na?! Bakla akala ko naman nilalaro niya lang,” mahinang sabi niya dahil masyadong mabigat ang loob niya dahil sa sama ng loob.
“Ano pa ba’ng aasahan ko? Ikaw kasi bakla ka, sabi ko na ngang subukan mong buksan ang sarili mo sa ibang fafito… alam mo na, para naman mabaling sa iba ‘yang nararamdaman mo. Mapilit ka kasi at gustong-gusto mo si Fafi Emitt.”
“Hindi ko nga kaya e,” bulong niya dahil ‘yon naman talaga ang totoo.
Masyado niyang mahal si Emitt para lang ibaling sa iba ang nararamdaman niya. Hindi niya maturuan ang puso na magmahal ng iba. Wala siyang mahanap na iba. Si Emitt lang ang gusto niya.
Sa kanya na siguro talaga ang mali.
“Ngayon kayanin mo, ilang taon na si Emitt. Nasa taon na siya na binabalak niyang malagay na sa tahimik… sa tingin mo sa ‘yo siya mapupunta sa huli? Ito nga oh. May balak na siyang magpakasal. Samantalang ikaw, ni mag-jowa takot ka,” sabi ng kaibigan kaya napabuntong hininga nalang siya.
“Ikaw nga rin matanda ka na wala kang balak magpakasal,” sabi niya sa kaibigan. Ang totoo ay gusto niya lang mabaling sa iba ang pag-uusap nilang dalawa.
Hindi pa kasi tinatanggap ng sarili na baka si Megan na ang ihaharap ng lalaking minamahal sa altar. Ang mas hindi niya tanggap ay kapag iimbitahin siya, para lang siyang kumuha ng kutsilyo na itatarak sa sarili para bawian ng buhay.
“Lumandi ka kasi minsan!” malakas na sabi ni Eduardo kaya umiling siya. Kahit kasi anong gawin niya ay hindi niya magawa.
Bumabalik pa rin ang isip niya kay Emitt.
She doesn't know how to flirt. Kung hindi naman ‘yon si Emitt. Bakit pa siya lalandi? Wala ring silbi dahil si Emitt lang naman ang gusto niya.
“Sana magloko si Megan,” bulong niya kaya naramdam niya nalang ang magaan na kamay ng kaibigan sa bumatok sa kanya.
“Ay gago! Napakasama naman talaga ng ugali mo,” sabi nito kaya masama niya ‘tong tinignan.
“Bakit? Kanino ka ba kampi ah bakla ka? Huwag mong sabihin sa akin na siya na ang bago mong best friend? Siya na? Gago napakapeke mo naman,” biro niya rito.
“’To naman nagtampo agad, bakit ‘di mo ipagdasal na kunin na siya ni Lord?”
Bigla siyang natawa sa sinabi nito bago umiling-iling, “si satanas kukuha sa kanya. Since she has a bad attitude,” she said coldly.
Bakit kasi ang panget mamili ni Emitt ng babae? Hindi niya talaga matanggap dahil kahit ganito naman siya ay mas lamang naman siya sa katalinuhan at kagandahan kay Megan na kulang nalang magkaroon ng dalawang sungay dahil sa kagaspangan ng ugali.
Kung kaya niya lang kutusan si Emitt dahil hindi ito marunong mamili ng babae. Ang sama kasi talaga ng ugali ni Megan.
Baka kaya nandito at nakikigulo sa kanila ay baka mapalitan niya si satanas sa trono.
“Sobrang sama ng ugali mo hayop!” tumatawang sabi ng kaibigan kaya napailing nalang siya.
Nakita nalang niyang naglalakad si Emitt papunta sa gawi nila kaya napatayo siya. Ito na naman ang puso niya na para bang sumaya nang makita si Emitt.
“Bakit hindi kayo bumalik sa loob?” malamig na tanong nito kaya napatingin siya kay Eduardo para humingi ng tulong.
Mukhang nakuha naman ito sa tingin kaya ngumiti ng pagkatamis-tamis kay Emitt na seryoso lang na nakatingin sa kanila.
“Marami kasing pogi kanina rito, sayang naman kapag hindi nila makikita ang ganda ko,” sabi ni Eduardo kaya gusto niyang masuka sa palusot nito.
“Ikaw? Bakit lumabas ka na?” tanong niya kay Emiit.
“Uuwi na ako. Megan is waiting for me at home,” he said calmly.
“Nagsasama na kayo sa iisang bahay?” tanong niya bigla kaya gusto nalang niyang batukan ang sarili dahil hindi niya napigilan ang sarili na magtanong.
Nakita naman niya ang mapanuring tingin ni Emitt bago umiwas sa kanya ng tingin.
“Hindi, matutulog lang siya sa bahay kasi gusto ko,” sabi nito kaya tumango siya.
Nasaktan na naman siya dahil sa sinabi nito. Ibig lang sabihin no’n talagang seryoso na si Emitt kay Megan kaya sobrang sama ng loob niya.
Bakit hindi? Sayang lang ang mga taon na sinayang niya dahil sa pagmamahal sa lalaki.
“Baka buntis naman na si Megan,” biglang sabi ni Eduardo kaya biglang tumibok ng malakas ang puso niya dahil sa kaba at tumitig sa gwapong mukha ni Emitt.
“Hindi, ikakasal muna kami,” sabi nito na parang sigurado na talaga kay Megan at parang hindi na magbabago ang desisyon.
Yumuko nalang siya at narinig nalang niyang nagpaalam na si Emitt at naramdaman niya ang kamay ng kaibigan sa buhok niya.
“Sabi ko sa ‘yo lumandi ka na sa iba,” sabi nito kaya natawa nalang siya ng mapait.
“Kanino naman?” tanong niya para lang makalimutan ang sakit na binigay ni Emitt sa kanya.
“Gusto mo bang sa mga kakilala ko? Marami akong kilala.”
Umiling nalang siya dahil sa sinasabi ni Eduardo na parang ang dali lang magmahal ng iba. Anong magagawa niya? Masyasong nagpasakop ang puso niya kay Emitt. Ngayon na balak ni Emitt magpakasal na sa nobya nito. Paano na siya?
Umaasa pa rin ang puso niyang dadating ang panahon na siya naman ang mapapansin ni Emitt kaya hindi niya pinapansin ang mga lalaking mapang-ahas na gusting ligawan siya.
Si Emitt lang kasi ay sapat na kaso siya ang hindi sapat kay Emitt. Hindi niya alam kung anong hindi nito magustuhan kaya hindi siya napapansin? Sa kanya ba ang mali o talagang bulag lang si Emitt at hindi makita ang ganda at halaga niya.
“Sabihin mo lang sa akin kung gusto mo ng lalaki. Marami akong kilala,” tumatawang sabi ng kaibigan kaya napairap siya sa hangin.
“Ako’y tigilan mong bakla ka. You only know a pure tondo addict.”
“Grabe ka naman, meron naman akong kilala na hindi pariwara ang buhay. Grabe ka talaga sa akin,” malamig na sabi ni Eduardo kaya napataas siya ng kilay.
“Sino aber? Panay kulang sa pagmamahal ang mga kilala mong lalaki, mabuti sana kung may kinabukasan ako sa lalaking irereto mo,” masungit na sabi niya habang naglalakad sila pauwi sa bahay nito.
Baka hinahanap na sila ni Inang. Kanina pa sila nandito sa kanto para lang mag-iyakan ni Eduardo. Bwisit kasi, ngayon ay kinamumuhian na niya ang pangalang Megan.
Ano ba kaso ang meron sa nobya ni Emitt na wala siya? Sarap ipalapa sa hayop. Inis na inis talaga siya.
“Ang sabi ko lang ay lumandi ka naman… sinabi ko bang seryosohan na? Ayaw mo bang maranasan na ngumiti habang naliligo?” tumatawang tanong ng kaibigan kaya napairap nalang siya.
“Huwag mo akong itulad sa ‘yo, tsaka bobo ka? Bakit naman ako ngingiti habang naliligo para lang sa lalaki?”
“Oh! Nagsalita ang nakangiti habang nasa trabaho dahil kay Emitt.”
Tumawa nalang siya at napailing dahil sa sinabi ni Eduardo.
“Shut the f**k up. It's Emitt, I probably smile when I remember him… duh!”
Umiling nalang ang kaibigan niya dahil sa sinabi niya.
“Wala na akong masabi, ikaw na mismo ang pumapatay sa sarili mo,” sabi nito kaya napabusangot siya.
“Bakit kasi hindi nalang ako ang magustuhan niya?” puno ng tampo na tanong niya.
“Bakit kasi si Emitt pa ang nagustuhan mo?”
“Anong pakialam mo? Kasalanan ko bang siya ang gusto ko?” mataray na tanong niya dahil sa inis.
“Kasalanan niya rin bang si Megan ang nagustuhan niya at hindi ikaw?” tanong nito kaya malakas niya itong sinuntok sa braso.
“Kasalanan ba ni Inang na ‘tang ina ka?” masungit na aniya.
Tumawa ng malakas ang kaibigan bago magsalita, “may irereto ako sa ‘yo. Talagang hindi nalalayo ang gwapo kay Emitt. Hindi ka magsisisi bakla.”
Umiling-iling naman siya dahil sa sinasabi ng kaibigan. Gagawin talaga nito lahat para lang makalimutan na niya ang nararamdaman niya kay Emitt.
“Sino naman bakla ka?”
“Si Fafito Dak…”