Nandito na sila ni Eduardo at nag-uusap lang sila nila Inang dahil naka-ayos naman na at matutulog na sila. Kaso si Eduardo bigla nalang nag-aya at dala nito ang laptop at gustong manood sa Netflix.
Nawiwili naman si Inang kaya ayos na ayos sa kanya.
“Wala ba kayong balak na mag-asawa, Kat? Eduardo?” tanong bigla ni Inang kaya napatingin siya rito.
“Inang, bata pa naman po ako. Tsaka wala pa po akong nagugustuhan,” mahinang sabi ni Katrina. Nagsinungaling nalang siya dahil ayaw naman niyang sabihin na si Emitt ang gusto niya.
Baka kung anong isipin.
“Anong bata pa? Sa edad mong ‘yan Kat, dapat ay meron ka nang anak,” sabi nito kaya halos mamatay siya dahil bigla siyang nabilaukan sa sariling laway.
“Inang naman!” may lakas na tawag niya rito.
“Bakit? Totoo naman ang sinabi ko. Hindi ka na bumabata. Akala niyo ba madali lang ang magbuntis? Dapat nasa edad ka palang ng bente dos ay meron ka na. Mahirap magbuntis kapag may edad na.” Talagang pinilit nito ang sinasabi sa kanya.
“Wala ngang nobya ‘yan. Magkaanak pa kaya ‘nay,” sabi ni Eduardo habang nakatutok sa pinapanood nila.
“Agawin mo nalang si Emitt,” biglang sabi ni Inang.
Nagulat naman siya tsaka niya narinig ang malakas na tawa ni Eduardo kaya binato niya ito ng unan dahil tinatawanan siya ni Eduardo.
“Naku ‘nay kung alam mo lang kung gaano kabaliw si Katrina kay Emitt,” tumatawang sabi ni Eduardo kaya naiinis siya lalo.
Sobrang sama ng tingin niya sa kaibigan na sobyang saya na naiinis siya.
Gusto niyang sakalin ito dahil tinatawanan talaga siya ng kaibigan.
“Sabi na may lihim kang pagtingin sa batang ‘yon e,” sabi ni Inang kaya hindi na siya umangal dahil totoo naman.
Huling-huli na siya ni Inang kaya napayuko nalang siya.
“Bagay pa naman kayong dalawa,” sabi nito kaya napangiti nalang siya ng mapait. Hindi naman kasi siya gusto ni Emitt kaya wala siyang magagawa kung maikasal nalang ang binata na hindi pa niya natatapat ang pagsinta niya rito.
“Bakit hindi mo sabihin sa kanya na gusto mo siya? Naku Kat, hindi ka na bata,” sabi nito kaya napatingin siya kay Eduardo na nakatingin din sa kanya.
Hindi niya alam ang sasabihin niya.
“Sinabihan ko naman siya ‘nay na maghanap nalang siya ng iba. Si Katrina naman siya, problema lang talaga e… masyado niyang mahal si Emitt,” sabi ni Eduardo. Tuluyan na nga siyang binagsak ng kaibigan sa ina nito.
Ano pa ba’ng aasahan niya?
“Mas mabuti Katrina dahil mukhang seryoso na ang batang ‘yon na nobya niya.” Hinawakan siya sa balikat ni Inang pagkatapos nitong magsalita kaya napabuntong hininga siya.
“Sabi ko sa ‘yo si Dak nalang.” Sobrang lakas ng tawa ni Eduardo kaya malakas niya itong binato ng isa pang unan.
“Shut the f**k up, bitch.” Sobrang inis na inis na siya dahil talagang binabanggit pa nito ang hambog na ‘yon.
Hindi naman talaga gwapo.
Konti lang…
Gustong suntukin ni Katrina ang ulo niya dahil sa inis.
“Sinasabi ko na Katkat. Mahirap na baka mahirapan ka sa panganganak dahil sa edad mo, masarap pa rin na magkaanak,” sabi nito kaya tumango nalang siya at ngumiti.
Paano naman ‘yon?
Si Emitt ang nakikita niyang lalaking gustong makasama hanggang sa dulo. Hinihinyay niya ang binata. Baka kasi paggising niya isang araw ay liligawan na rin siya ni Emitt. Baka naman mangyari pa ‘yon kaya talagang pinanghahawakan niya ang masyado si Emitt.
Gusto niya talaga ang lalaki na walang ginawa kundi kausapin siya sa malamig na tinig at hindi siya mapapansin kapag hindi patungkol sa trabaho.
“Huwag mong masyadong isipin si Emitt. Sa tingin ko ay ikaw na ang problema dahil masyado mong inaalagaan ‘yong hindi naman dapat. Try to love yourself first. Kung hindi talaga si Emitt, hindi talaga siya,” sabi ni Eduardo kaya napabuntong hininga siya.
“Bakit kasi nag-iisa lang ang Emitt sa buong mundo?” tanong niya bigla.
“Kasi mas makakahanap ka ng mas hihigit sa kanya,” sabi ni Eduardo.
“Ayaw ko na nga na may humigit pa sa kanya. Sapat na siya,” makulit na sabi niya at talagang pinaglalaban ang nararamdaman kay Emitt, dahil bakit naman hindi? Hindi pa naman lumalampas ang edad niya sa kalendaryo.
Hindi pa naman kasal si Emitt kaya may pag-asa pa.
“Ewan ko talaga sa ‘yo. Ang tigas ng bungo mo. Kapag ako hindi nakapagpigil… raratratin ko ‘yon, hayop ka,” sabi ng kaibigan kaya tawang-tawa siya.
“Siya nga ang gusto ko,” pilit niya talagang sabi.
“Hindi ka nga gusto! Ulit-ulitin ko?” Malakas ang pagkakasabi ni Eduardo kaya napatingin siya kay Inang na mahimbing nang natutulog.
“Manahimik ka nga. Akala mo hindi kita babawiin? Ang daldal mo,” inis na sabi niya kaya binato siya ng unan ni Eduardo.
“Babawiin mo mukha mo, itigil mo ang kahibangan kay Emitt. Pinagbibigyan at sinusuportahan lang kita kasi talagang gustong-gusto mo siya. Pero bakla… shutainames tigilan mo ang paghithit ng rugby sa kanto! Hayaan mo na si Emitt mapunta do’n kay Megan,” sabi nito kaya napairap nalang siya.
“Tigilan mo nga ako bakla.”
“Sus! Tigilan mo na talaga. Awang-awa na ako sa ‘yo,” sabi ni Eduardo kaya napailing nalang siya dahil dito.
“Sa tingin mo karma ko na ‘to? Tsaka bakit sa akin nangyayari lahat?” biglang tanong niya.
“Pinagsasabi mo?” tanong ng kaibigan niya kaya napayuko nalang siya.
Iniisip niya bakit sobra naman ang pinagdaraanan niya. Hindi naman siya masamang tao. Hindi naman niya nakalimutan ang pagdarasal at magpasalamat.
“Bakit ang malas ko naman masyado?” tanong niya kaya nakita niyang napalingon sa kanya si Eduardo.
Natawa siya pero nanubig naman ang mga mata niya.
“Ang malas ko sa mga magulang ko, tapos malas pa sa lalaki,” sabi niya at napakagat sa ibabang labi. Naalala na naman niya ang mga magulang na iniwan siya.
Hindi naman niya kasalanan na nawalan ng pagmamahal ang mga ito pero pakiramdam niya siya ang sumasalo sa lahat ng sakit at karma na dapat ay sa mga magulang niya.
“Tumigil ka nga, nandito naman kami.”
“Siguro kapag nawala ang lola ko, baka mabaliw na ako kakaisip kung paano ipagpapatuloy ang buhay ko,” mahinang sabi niya.
“Gago ayaw ko ng kadramahan ngayon bakla ka!” sigaw nito bago lumapit sa kanya at inabutan siya ng panyo.
Umiiyak na pala siya dahil sa mga naalala niya. Trese… sa bata niyang ‘yon ay naranasan niya lahat ng hirap at nag-iisa lang ang taong tumanggap sa kanya at ‘yon ay ang lola niya na mahal na mahal siya at mahal na mahal niya.
“Nandito naman kami, tatlo kaming nasa likod mo lang at hindi ka iiwan. Si Emitt, makakahanap ka ng para sa ‘yo. Ang ama mo naman, dadating ang panahon na pagsisisihan niyang naisipan niyang hindi ka niya anak… si mama mo, mahihirapan siya at iisipin niya ang ginawa niya sa ‘yo.”
Niyakap niya ng mahigpit ang kaibigan dahil alam niyang hindi siya iiwan nito.
“Anong gagawin ko? Paano ko hindi mamahalin si Emitt? Masyado nang malalim ang nararamdaman ko sa kanya,” umiiyak na sabi niya kaya walang nagawa si Eduardo kundi patahanin siya.
“Tumigil ka na kasi, hindi ko alam kung paano ka patatahanin. Nandito naman ako, kahit na nakakadiri ka kasi may kipay ka pero mahal kitang gago ka,” sabi nito na halatang diring-diri sa kanya kaya napailing-iling nalang siya.
“Gago, nandidiri ako sa ‘yo.”
“Ikaw pa aarte? Dyosa ako, dapat magpasalamat ka at mahal na mahal kita, bakla ka,” sabi nito kaya napailing nalang siya.
“Oo na, salamat sa pagmamahal.”
“Hindi ka talaga nagpapasalamat ka hayop ka, iyakin,” sabi nito kaya sinampal niya ito.
“Eduardo,” mahina niyang tawag sa kaibigan kaya tinignan siya ng masama nito.
“Hindi na ako nakapanood. Bobo nito. Iiyak-iyak ka pa d’yan.”
Tumawa nalang siya at malandi itong hinaplos sa balikat kaya malalaki ang matang tumingin ito sa kanya na para bang isa siyang kasalanan.
“Anong ginagawa mo?” gulat na gulat na tanong nito sa kanya.
“Tayo nalang kaya,” malanding sabi niya. Pinapungay niya talaga ang mga mata para kunwari ay akitin ang kaibigan.
Gusto niya lang talagang inisin ito dahil kanina pa siya nito inaasar at hindi niya nakalimutan ang paglaglag nito sa kanya kay Inang.
Mas nagbunyi ang damdamin niya nang makita ang biglaang pamumutla ng mukha ng kaibigan dahil sa sinabi niya.
“Wala naman akong mahanap na iba kaya bakit hindi nalang ikaw?”
Nakita niya ang ilang ulit na paglunok nito bago tumili at mabilis na lumabas sa kwarto at iniwan siya.
Rinig niya ang malalakas na mura ng kaibigan na kabilang kwarto kaya tawang-tawa siya at napailing.
Siguro nga malas siya sa mga magulang at sa buhay pag-ibig ay medyo hindi maganda ang takbo sa kanya pero pagdating naman sa kaibigan ay maswerte naman siya.
May tatlong tao ang hindi gugustuhin na iwan siya at ‘yon ang pinakamahalaga sa kanya ngayon. Hindi niya hahayaan na mawala sila Eduardo sa kanya na tanging sinusuportahan siya sa maraming bagay.
At least she’s lucky to have Eduardo as her best friend.
Hindi siya iiwan nito kahit na anong mangyari kahit madalas silang nag-aasaran sa maraming bagay. Ito ang isa sa huling taong iisipan niya na iiwan siya.