Chapter 8

1833 Words
Nag-aayos na ng gamit si Katrina dahil kailangan na niyang umuwi kasi siguradong kailangan na siya ng lola niya. Bukas kasi ay balik trabaho siya. Si Eduardo ay papasok ngayon since nakakuha naman siya ng dalawang araw na pahinga sa trabaho. “Pakibantayan si Emitt ah,” biglang sabi niya dahil hindi siya pinapansin ni Eduardo na halatang galit sa kanya dahil sa ginawa niyang kagaguhan kagabi. Alam naman talagang hindi magugustuhan ni Eduardo ang mga katulad niyang babae dahil talagang sa lalaki nito gustong magpasakop kaso ang ganda lang kasing asarin ang kaibigan at talagang natutuwa siya kapag nakikita na ang galit sa gwapong mukha nito. Sayang lang talaga at sa kapwa nito lalaki mabibighati ang puso nito. Ipagdarasal na lang niya na hindi masaktan ng kahit na sino ang kaibigan niya. Dahil talagang makikipagbaragan siya ng mukha kahit pa lalaki ang magiging kalaban niya. Gusto niya lang talagang asarin ang kaibigan dahil talagang nilaglag siya kagabi. Maliban naman do’n ay wala na. Talagang mabilis lang mapikon si Eduardo lalo kung nilalandi siya ng babae. Kitang-kita niya ang pandidiri sa mga mata ng kaibigan. “Tsaka bakit ko naman titignan si Emitt para sa ‘yo? Ano ka ginto? Gold?” ani ng kaibigan. Natawa nalang siya ng malakas dahil sa arte ng pananalita nito at halatang diring-diri sa kanya. “Bakit ba galit ka? Wala naman akong ginagawa, ‘di ba?” tanong niya kahit pa ba alam na niya ang kinakagalit ng binata. “Magkalimutan na tayo. Kakadiri ka bakla, nasusuka ako sa ‘yo Katrina,” sabi nito kaya malakas siyang natawa. “Ang arte mo naman? Akala mo naman kinuhanan kita ng dangal, sampalin kita ng tubo e,” tumatawang sabi niya pero inirapan lang siya ni Eduardo. “Iiwan na kita, kaya mo naman na ang sarili mo pauwi. Bahala ka na sa buhay mo. Kainis ka talaga.” “Teka nga! Ihatid mo ako papunta sa kanto kung saan maraming mga tricycle,” sabi niya sa kaibigan pero inirapan lang siya nito. “Puta ano ka bata? Ang aga-aga, magpapahatid ka pa?” inis na tanong nito sa kanya. “Inang si Raula Mae oh, inaaway na naman po ako hindi ko naman siya inaano!” sigaw niya kaya pumasok si Inang sa kwarto kung saan sila natulog, may hawak pa nga itong sandok. “Ikaw Eduardo ah! Tigil-tigilan mo pang-iinis kay Katkat!” sabi nito at iniamba pa ang sandok kay Eduardo na nakabihis na at handa na ngang pumasok sa trabaho. “Bakit ako na naman ang may kasalanan?! Gago talaga nito!” sabi ni Eduardo at malakas siyang binato ng hawak nitong suklay. Tawa naman siya ng tawa. Sobrang nakakagaan sa loob kapag may kaibigan kang bakla na pakiramdam mo ay protektado ka. “Nagluluto ako ng pinakbet. Maganda sa katawan ang gulay, ipakain mo kay Manang Eva para lumakas siya lalo,” malambing na sabi ni Inang na talagang nag-aalala sa kalagayan ng lola niya. Tila may humaplos sa puso ni Katrina dahil sa sinabi ng ina ni Eduardo. Parang anak ang turing sa kanya at ina naman para sa Lola niya. “Maraming salamat po Inang,” madamdamin niyang sabi kaya nakita niya ang pagngiti ng ina ng kaibigan. “Ay bilisan niyong kumilos. Ikaw na lalaki ka, ihatid mo si Katkat at hintayin mong makasakay. Mag taxi ka na Eduardo para hindi ka mag-amoy usok o magusot ang suot mo,” bilin sa kanila ni Inang kaya napangiti nalang siya. Nakita naman niyang bubulong-bulong si Eduardo kaya natawa na naman siya. “Sa tingin ko papayag si Inang na tayo ang magkatuluya---“ “Tigilan mo ako Katrina!” malakas na sigaw ni Eduardo kaya tawang-tawa siya lalo. Tumayo na siya at buhat-buhat ang mga gamit na pumunta sa maliit na kusina rito sa maliit na bahay ni Eduardo na kurtina lang ang naghihiwalay sa sala kaya madali niyang napuntahan. “Hintayin mo nalang saglit at ilalagay ko na sa lalagyan. May pancit akong nilagay d’yan sa supot. Para hindi na ikaw gumastos ng kakainin niyo mamaya,” sabi nito kaya niyakap niya ito. “Thank you.” Puno ng kasiyahan ang puso niya at talagang gusto niyang madama ng ina ni Eduardo na labis siyang nagpapasalamat dito. “Aysus na bata ka, hindi mo kailangan na magpasalamat. Katulad ng sabi ko, ang kaibigan ni Eduardo ay anak ko na rin,” malambing na sabi nito at nakita niyang may itinabi rin para kay Eduardo. “Matutuwa si Lola,” nakangiting sabi niya kaya narinig niya ang magaan na tawa ni Inang. “Sabihin mong dadalawin ko siya kapag hindi na abala si Eduardo sa trabaho,” sabi nito kaya tumango siya. “Makakarating po Inang,” sabi niya at tinulungan ito sa ginagawa. “Bantayan mo ang anak ko ah, Katrina,” biglang sabi nito tsaka naman niya narinig ang sigaw ni Eduardo sa labas ng bahay nito. “Kat! Hintayin kita rito sa lakas!” malakas na sigaw ni Eduardo. “Katulad ng sabi ko, bantayan mo siya. Alam kong mahirap magkaroon ng kaibigan na bakla. Iniisip ko baka masyado siyang sabik sa pagmamahal ng isang lalaki at maloko siya. Bigyan mo sana siya ng malinaw na sagot sa mga bagay-bagay anak, maging karamay ka sana niya sa lahat ng desisyong gagawin niya. Alam ko naman na dapat siya lang ang magdesisyon para sa sarili niya kaso hindi ko maiwasan na hindi mag-alala,” madamdaming sabi nito at hinawakan siya sa mga kamay. “Gagawin ko po ang makakaya ko Inang. Susubukan kong maging isang magandang halimbawa sa kanya.” Ngumiti naman ang ina ng kaibigan sa kanya bago nagsalita, “hindi na bumabata ang anak ko, alam kong dadating ang panahon na gusto niyang magmahal o baka nga gusto niya ng anak na mag-aalaga sa kanya. Hindi ko naman ipagkakait ang suporta ko, kahit na sino anak. Babae o lalaki, basta hindi siya mapapahamak at hahatakin sa maling landas.” Napangiti nalang siya dahil sa sinabi ng ina ng kaibigan. Napakabuti nito kaya napakaswerte ni Eduardo at gano’n din siya dahil tinuturing siyang para nitong tunay na anak. “Susubukan ko po lahat ng makakaya ko para maging magandang halimbawa kay Eduardo. Lagi man kaming nag-aaway pero hindi ko po gusto na mapahamak siya,” madamdamin na sabi niya kaya tumango naman ang ina ng kaibigan. “Mabuti kung gano’n anak. Aba! Sige na umalis na kayo ni Eduardo baka mahuli pa ‘yon sa trabaho. Ikaw naman baka hinihintay ka na ng Lola mo,” sabi nito kaya muli niya itong niyakap ng mahigpit at lumabas na dahil mukhang kinuha na ng kaibigan ang mga gamit niya. Nakita naman niya si Eduardo na naghihintay sa labas ng bahay kaya nginitian niya ito pero inirapan lang siya ng kaibigan kaya natawa nalang siya at napailing. “Nakatawag na ako ng masasakyan mo, magkita nalang tayo bukas sa kumpanya,” malanding sabi nito kaya natawa nalang siya bago sumakay sa tricycle. “Ingat ka mahal,” malanding sabi niya at kumagat pa siya sa ibabang labi niya habang nakatingin dito. “Sana matanggalan ka ng ngipin,” sabi nito kaya natawa siya ng malakas. “Sige na, alis na ako. Ingat ka bakla!” sabi niya at kinawayan ito. Napapikit nalang siya habang nakangiti dahil maganda ang umaga niya ngayon. Hindi niya makikita si Emitt at Megan na naglalampungan. Hindi bibigat ang pakiramdam niya kahit na papaano. Tanging si Emitt lang talaga ang dahilan ng sama ng loob niya ‘yon ang totoo, dahil sa hindi nito pagpansin sa kanya at dahil sa nobya nitong kaaway niya. Hindi niya ba alam kung bakit hindi niya makasundo si Megan. Sobrang gaspang kasi ng ugali, maganda ito ‘yon ang totoo, hindi niya itatanggi ang ganda ni Megan pero aanhin naman ‘yon kung sobrang dami na ng puntos nito papuntang impyerno dahil sa kagaspangan ng pag-uugali. Hindi niya alam kung talagang nagayuma lang si Emitt kay Megan. Napairap nalang siya at hinintay na makauwi dahil gusto niya lang talagang matulog maghapon dahil magiging abala na naman siya sa trabaho kinabukasan. Buti nalang at mukhang hindi naman madaya ang napagsakyan dahil talagang babasagin niya ang ulo kapag mahal kung maningin ito. Nang makarating siya ay agad siyang nagbayad at kinuha ang mga gamit niya. Talagang dadaan pa siya sa iskinita na kulang nalang ay hindi na malakaran dahil sa mga kapitbahay na akala mo kung magparada ng sasakyan ay hindi nakatira sa tondo. Hindi naman mayaman at kung ipagyabang ang sasakyan akala mo ay hindi utang at hindi tinataguan ang bombay na naniningil araw-araw. Suki rin naman sila kaso hindi niya nakakalimutan ang utang niya at talagang binabayaran agad kapag may sahod na. Ang pinakamabigat talagang pinaggagastusan niya ngayon ay ang gamot ng lola niya. Sobrang mamahal at ayaw naman niya itong tipirin, ‘yon ang pagsisisihan niya habang buhay kapag nagkataon. Ni minsan kasi ay hindi siya tinipid ng lola. Pumasok siya agad sa loob ng bahay niya at nakita niyang nagluluto ng umagahan ang lola niya. “Good morning my beautiful grandmother!” Nakita niya na nagulat ito kaya gusto niyang sampalin ang sarili dahil hindi nalang talaga pwedeng nagugulat ito dahil baka atakihin ito sa puso. “Katkat! Sinabi ko na sa ‘yo na huwag mo akong ginugulat. Ikaw talagang bata ka,” sabi nito kaya natawa nalang siya at niyakap ito. “Hindi mo na kailangan na magluto ng umagahan o hanggang sa gabihan, ang daming pinauwi sa aking pagkain ang ina ni Eduardo. Sabi ko kasi sa ‘yo ay sumama ka na sa akin.” “Hindi nga pwede at ‘di ba may bisita ako?” sabi nito kaya napailing-iling nalang siya. “Sino naman? Si Papa ba?” Natigilan ang Lola niya sa ginagawa dahil sa tanong niya. Hindi niya rin naman inaasahan na ‘yon ang lalabas sa bibig niya. “Nagbibiro lang po ako,” sabi niya bigla. Ayaw niyang pilitin ang ama o ang ina niya na mahalin siya na para bang walang nangyaring hindi maganda sa nakaraan nila. Alam na alam ni Kat na malabong mangyari na hahanapin siya ng mga magulang. Matagal na siyang nakalimutan ng mga ito. “Alam mo namang pati ako ay nakalimutan na ng ama mo,” mahinang sabi nito kaya ngumiti nalang siya ng pilit. “Sino po ba ang bisita niyo kahapon?” tanong niya at humapit sa refrigerator at kumuha ng malamig na tubig at inabot ang baso sa lalagyanan nito bago magsalin at uminom ng tubig. Kaso bigla nalang may narinig siyang bumaba sa hagdanan. “Lola! Anong umagahan?!” masiglang sabi ng isang lalaking kapapasok lang sa kusina. Dahil katabi lang ng pinto ng kusina ang refrigerator at kitang-kita niya ang lalaking nakangiti at nawala ang ngiti sa mga labi nang makita siya. “Oh gising ka na pala Dak!” malakas na sabi ng lola niya. “Ikaw?!” sabay nilang sabi ni Dak. Putang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD