Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto ni Dak dahil hindi pa ito kumakain at kailangan nitong uminom ng gamot. Nang nahimatay si Dak nang araw na ‘yon ay hindi na alam ni Katrina ang gagawin. Pero nang maisip niya na nakita ni Dak ang takot sa mga mata niya ay kahit hirap itong tumayo ay hinabol siya para lang iparamdam nito na hinding-hindi siya magagawang saktan ni Dak. Nakaramdam siya ng kawalhatian lalo’t nang gabing inaalagaan niya ang binata dahil tumaas ang lagnat nito ay pangalan niya ang binabanggit kaya nakatulog din siya sa lapag ng kama ni Dak. Sinabi na lang niya sa Lola niya at kay Eduardo na nilalagnat si Dak ang kulit pa nga ni Eduardo dahil gusto nitong alagaan si Dak pero hindi niya alam kung bakit ayaw niyang ipaalaga si Dak sa kaibigan. Nang makapasok na si

