“Dak, ano ba? Itatakbo ka na namin sa hospital,” natatarantang sabi niya dahil nga mula nang marinig sa binata na nabaril nga ito. Ano ba ang nangyayari? Sino naman ang kagalit ni Dak? Away lang ba ‘to ng mga tropa ni Dak? Kilala naman kasi si Dak bilang isang barumbado rito sa lugar nila. Hindi niya naiwasan na mag-alala kung nagkataon nga na merong malaking tao na nakabangga ang binata. “Dak…” nanginginig na lumuhod siya para masuri niya ng maayos ang tama nito. Hinawakan niya ang kulay krema na kumot nito at tatanggalin sana para makita niya ang tama nito nang maramdaman niya ang nanginginig na kamay ni Dak sa braso niya. “K-Katrina,” nahihirapan na tawag nito sa kanya kaya mas kinabahan siya dahil sobrang init ng binata. “Huwag mo na ngang sayangin ang lakas mo sa pagsasalita, sa

