Chapter 2

1171 Words
Natapos ang araw kahapon na masama ang loob niya. Pasalamat nalang talaga siya kay Raula dahil pinasaya nito ang araw niya kahapon. Ngayon ay nandito na naman siya at nagtra-trabaho at hinihiling na hindi sisirain ni Emitt at Megan ang araw niya. Natapos ang araw kahapon na masama ang loob niya dahil kay Emitt at sa nobya nitong si Megan. Umuwi siya sa bahay nila sa tondo na kulang na lang ay hanginin dahil sa luma na. Nag-iipon lang talaga siya ng pera kaya natitiis niya ang paninira sa kanya ni Megan sa ibang katrabaho dahil ayos naman ang kinikita niya dito. "Alam mo matutunaw lang si Fafa Emitt. Kung makatitig ka kasi parang tanga, tulo laway pa," bulong sa kanya ni Raula. Nakatingin kasi siya kay Emitt na nakikipag-usap sa kapwa nito Engineer. Malakas niyang sinuntok sa sikmura si Raula kaya tumili ito. Nagtinginan naman sa kanila ang mga katrabaho nila. "Alam mo kung mang-aasar kalang ‘wag na tayong magkita. Pinapainit mo ‘yong dugo ko!" inis na sabi niya dito, talagang hindi siya nito tatantanan. Si Raula talaga ang tunay na panira sa buhay niya minsan. Hindi matatapos ang araw na hindi siya nito inaasar kaya inis na inis siya. Malamang nahuli na naman siya ni Raula na nakatingin kay Emitt. "Ikaw na talaga! Grabe parang ‘di mo ako kaibigan ah. Tsaka totoo naman ‘yong sinasabi ko. Kung makatitig ka naman sa kanya, hindi mo naman siya pag-aari." Naiinis na tinaas ang gitnang daliri niya kay Raula dahil sa inis. “Pero naalala ko bakla, balak kong magsaya ngayong gabi. Ano? Gora ka? Inom tayo.” “Ayan na naman itong baklang ito. Iinom na naman! Sabagay minsan lang naman gumimik ng gabi si Eduardo. Masasabi kong h’warang bakla ng taon si Eduardo. Mabuti ‘yon ‘no. Kaya kahit nakakainis ito ay mahal ko padin ang baklang ‘to,” sabi niya sa isip niya lang. "Hindi ako pwede. Maaga pa pasok natin bukas. Tsaka ilibre mo nalang ako sa lomihan ni Manang Linda, libre mo kami ni lola." Masama naman ang tingin na binigay nito sa kanya. "Alam mo ang panget mong kaibigan! Hayop ka! Minsan na nga lang tayo lumabas e! Puro nalang tayo kain kapag naaambunan ng pera. Minsan mag-aliw naman tayo. Tsaka pakikitaan kita ng mga gwapong lalaki para ‘di ka na magkandarapa kay Fafa Daks. Gwapo siya pero alam kong marami pang iba d’yan na kayang magtiis sa panget mong ‘yan,” mabilis na sabi nito. Sinuntok niya na naman ito pero ngayon medyo nailagag ito sa suntok niya kaya nadaplisan lang ang kaibigan. "Alam mo ‘yang bunganga mo! Tatahiin ko ‘yan! Kapag talaga may makarinig sa ‘yo. I will beat you up. Oo na, sasama na ako! Basta libre mo!” malakas na sabi niya sa kaibigan. ”Umalis ka na nga dito! Naiinis ako sa ‘yong bakla ka." Tumatawa naman itong umalis kaya masaya siya dahil makakapagpahinga siya sa ingay nito. Tumayo naman siya para pumunta sa opisina ni Emitt. Nang kumatok siya ay narinig niya ang boses nito na pinapahintulutan siyang pumasok. "Bakit? May kailangan ka ba?" May hawak itong isang desenyo ng sasakyan. Ang gwapo-gwapo talaga nito. "Hoy magpahinga ka naman! Masyado kang tutok sa trabaho mo! Halika meryenda tayo,” aya niya dito. "My treat." Kuripot siyang tao pero kapag kay Emitt ay nakakalimutan niyang magtipid basta mapalapit lang sa binata. Lahat talaga ng maisip niya para lang mapansin siya ng nagugustuhan ay gagawin niya. Ewan niya ba sa sarili kung bakit ayaw padin niyang aminin ang nararamdaman niya dito. Tumingin ito sa relong nasa pulsuan nito, bilang kumunot ang noo at nagsalubong ang makapal na mga kilay nito. "Oras palang ng trabaho ngayon, Kat ‘wag kang pasimuno sa kalokohan," malamig na sabi nito at tumingin na naman sa maliit na sasakyan na nasa lamesa nito. Nang maramdaman nitong hindi siya umalis sa loob ng opisina nito ay tumingin na naman ito sa kanya. "All right, go back to your work. We’ll be home soon. Don't be stubborn,” he said coldly. Binalik na naman nito ang tingin sa pinag-aaralan na desenyo ng sasakyan. "Nagugutom ako e! Tapos naman na ako sa ginagawa ko e, wala na talaga akong ginagawa,” inis na sabi niya dito. Matanda lang sa kanya ng isang taon si Emitt pero dahil lagi itong nakabusangot ay parang ang laki ng agwat ng edad nila. "Kung gano’n kumain ka mag-isa mo. Don't flirt with me,” mahinang sabi nito pero seryoso ang pagkakasabi nito. Natigilan siya sa sinabi ni Emitt sa kanya. Hindi siya nakapagsalita. Ngayon lang siya binara ni Emitt ng ganoon. "Nagbibiro lang ako.” Napatingin siya sa mga mata nito dahil sa biglang bawi nito sa sinabi sa kanya kani-kanina lang. “Sige na bumalik ka na do’n. Si Eduardo nalang ayain mo." Tahimik naman siyang lumabas sa opisina nito. Bigla siyang nahiya sa sarili dahil sa sinabi ni Emitt sa kanya kanina. Tapos siguro mahal na nito ang nobya kaya ayaw nitong may napapalapit sa kanyang ibang babae. ‘Bakit gano’n siya? Pwede naman niyang ‘wag sabihin ang salitang ‘yon sa akin.’ Napapikit nalang siya dahil sa iniisip niya. Pero natigilan siya sa pag-iisip at sa paglalakad nang may humawak sa braso niya at hinila siya papaharap dito. Pagtingin niya ay si Emitt ‘yon at seryoso itong nakatingin sa kanya. Her heart began to beat so fast. "Sorry Katrina. Hindi — ‘wag mo nang isipin ‘yong sinabi ko. Pagod lang ako at hindi ko sinasadya ‘yon,” sabi nito at nginitian siya. Kung nakakamatay lang ang pagiging marupok ay kanina pa siya nakahandusay sa harapan ni Emitt. Isang ngiti lang nito ay nagwawala na agad ang puso niya. Ayos na siya agad, nawala na agad ang tampo niya. "Ayos lang ‘yon! Sige na, balik ka na sa trabaho mo.” He smiled at her and went back inside his office. Mabilis naman siyang tumakbo kung saan banda ang opisina ni Raula at nang makita itong nakaupo habang nakatingin sa kompyuter. She quickly kicked his chair so it fell because maybe Raula was also surprised when she suddenly appeared. Tumili ito dahil sa gulat sa ginawa niya. "Oh, my God! Eduardo!" sigaw niya sa totoong pangalan nito dahil sa kilig na nararamdaman. Hindi na niya mapigilan. Para siyang bata kung kiligin. Masama naman siyang tinignan ni Eduardo dahil nga siguro napasaktan ito nang matumba. Buti nalang at nakatayo pa naman ito ng maayos. “Ano ba ‘yon? Bigla-bigla ka nalang sumusulpot, nananakit ka pa,” inis na sabi nito sa kanya. Natawa naman siya at niyakap ang kaibigan dahil sa kilig. Sa iisang lalaki niya lang ito nararamdaman kaya siguro masyado niyang inaalagaan ang nararamdaman kay Emitt kahit hindi naman dapat. Baka kasi isang araw ay siya na ang gusto nito. “Pakiramdam ko importante din ako kay Emitt.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD