Chapter 3

1090 Words
Hindi niya na natanggihan si Raula na sumama dito para makipag-inuman dito dahil sa saya na din siguro na nararamdaman. Napakababaw ng kasiyahan niya. "Alam mo bakla inaantok na ako,” nakabusangot na sabi niya sa kaibigan bago tumayo, "I still need to text my boyfriend later.” "Lasing ka na nga," tumatawang sabi ni Raula sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi nito. Hindi siya lasing nakakapag-isip pa naman siya ng matino tsaka hindi naman gano’n katapang ang ininom nila ni Raula kasama ang iba pa nitong kaibigan na babae at binabae. "Wala kang nobyo tanga at tingil-tigilan mo nga ako sa ingles. Lasing ka na kaya kung ano-anong sinasabi mo." Binato niya naman ito ng balat ng kinain nilang saging kanina. “Alam mo pagkakataon mo na sana magkaroon ng nobyo pero ang ilap mo sa ibang lalaki… pero ‘pag si Emitt naman ang pag-uusapan ay lumalabas ‘yang kalandian mong hayop ka. Patusin mo na si Brian… ano si Brian na?” Umiling naman siya at parang diring-diri sa tanong nito sa kanya kaya natawa ito ng malakas dahil sa naging reaksyon niya. Ang lakas talaga ng sabit sa utak ni Raula. "Umayos ka nga, arte-arte mo ah," natatawang sabi nito. “Emitt mo ‘di ka papatusin.” “Putang ina mo baka magdilim paningin ko saksakin kita diyan,” nahihilong sabi niya. Natigilan naman si Raula dahil sa sinabi niya kaya napangisi nalang siya bago pumikit. “Uwi na tayo bakla, baka hinahanap ka na ni lola. Ayaw ko pa naman sirain ang tiwala no’n sa akin,” sabi nito at naunang tumayo sa kanya. “Hindi ka naman talaga katiwa-tiwala. Mukha kang magnanakaw sa kanto sa lugar natin.” “Sa ganda kong ‘to?” tanong nito bigla. “Ganda mo pagod na, tumingin ka sa mukha ko para makita mo kung sinong totoong maganda sa atin. Nakalimutan kang biyayaan, pasensiya ka na.” “Okay, I’m done with you, b***h. Mag-isa kang umuwi.” Natatawa naman siyang tumayo at niyakap ang kanang braso sa kaliwang braso ni Raula. “Thank you for your treat, b***h,” she said softly. “You’re not welcome, bitch.” Tumawa nalang siya at sabay silang naglakad ni Raula papalabas ng pinag-inuman nila. Nagkahiwalay lang siya ng daan dahil magkaiba naman sila ng bahay. Maraming pasikot-sikot sa tondo at malayo ang bahay niya sa bahay ni Raula. Hindi naman niya mapilit na doon nalang tumira sa bahay nila. Marami kasing adik sa lugar nila at kawawang-kawawa ang mga katulad nitong parte ng LGBT. Wala na din mga sasakyan na dumadaan. Natatakot siya dahil dito sa tondo ay talamak ang nakawan tapos baka may mangyaring hindi maganda sa kanya. Hindi siya pwedeng mamatay, hindi pa sila nagpapakasal ni Emitt. Hindi pa nga niya nasusuko ang bataan kaya kailangan niyang mabuhay talaga. Nanlaki nalang ang mga mata niya nang may nanghila sa bag na dala niya. Bigla siyang kinabahan. Hindi pwedeng mawala ang bag niya dahil may malaking halaga siyang hawak na pera para sana sa mga gamot ng lola niya at may importanteng laman na mga files ang flash drive niya at pati na din ang cellphone na matagal niyang pinag-ipunan para mabili. Hindi pwedeng makuha ang bag niya. Ang tanging iniisip niya lang ay ang bag niyang tinakbo nang magnanakaw kaya dali-dali niya itong hinabol para makuha ang bag niya. Tila nawala ang antok at kalasingan niya dahit sa pagtakbo. "Kuya! Bibigyan nalang kita ng pera! Ibalik mo na ‘yang bag ko! Nakita ko mukha mo! Isusumbong kita sa pulis!" pananakot niya dito, mangiyak-ngiyak na siya dahil sa kabang nararamdaman. Napaupo siya dahil sa pagod at hinihingal na. Tinanggap nalang niya na hindi na makukuha ang bag niya kaya gusto na niyang maiyak. Hindi niya na talaga makukuha ‘yon dahil sa bilis tumakbo ng magnanakaw! Bwisit na Raula, kasalanan nito. Hindi kasi siya hinatid pauwi! Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakaupo habang umiiyak. Kaso bigla nalang may nagsalita sa gawi niya. "Ganda, ito na ‘yong bag mo.” Nag-angat siya ng tingin at nakita niya ang isang lalaki na nakangisi. The man has an earring in his left ear and there is also a lining on his left eyebrow. Gwapo… pero magnanakaw! Tumayo siya at kinuha ang bag niya at malakas niya itong sinampal! Hindi siya pwedeng magkamali! Ito ang kumuha ng bag niya kanina! "Hayop ka! Akala mo ah! Magnanakaw ka! Kalaki-laki ng katawan mo hindi ka marunong magtrabaho! Alam mo ba na muntik nang lumuwa ang dila ko dahil sa pagod kakahabol sa ‘yo!? Hambog ka! Magnanakaw!" sigaw niya dito dahil sa inis. Hindi na siya natakot nang sampalin niya ito dahil sa inis. Umiilag naman ito at ilang beses na dumaing. "Hoy! Babae! Wala kang ebedensiya… Aray! Hoy bak — tumigil ka nga!” Malakas naman ito kaya mabilis na nahuli ang mga braso niya at mahigpit na hinawakan.”Pasalamat ka at nakita kong itinakbo ‘yang bag mo. Makapagbintang ka d’yan ah.” Winaksi niya ang kamay nito nakahawak sa kanya at malakas itong sinampal sa pangalawang pagkakataon. Malalaki ang mga matang tumingin sa kanya ang lalaking sinampal niya. "Hoy Babae! Lagyan mo ng preno ‘yang bibig mo. Bakit nakita mo ba na ako ang kumuha at tinakbo ‘yang bag mo?!" inis na tanong nito sa kanya. "Anong nangyayari dito?" Napatingin sila sa tatlong tanod na lumapit sa gawi nila. "Kuya! Itong lalaking adik na mukhang mais na ‘yan. Magnanakaw ‘yan!" inis na sabi niya at tinuro ang matangkad na lalaki sa harapan. "Hoy! Babae! Ako na nga nagbalik sa bag mo tapos ididiin mo pa ako. Alam mo ba na halos mamatay ako para mabawi ‘yan sa totoong nagnakaw! At anong mais! Sinong mais? Mahiya ka naman baboy!" sigaw nito sa kanya. "Sinong baboy? Magnanakaw ka na nga bobo ka pa, nakita mo ba akong kumain ng pagkain ng baboy? Bobo ka ‘no!?" sigaw niya dito at sinuntok ito. "Baboy!" sigaw nito. "Addict! Mais!" sigaw niya. "Manahimik kayo at sumama nalang kayo sa amin sa barangay para mapag-usapan ng maayos ang nangyari,” sabi naman ng isang tanod. "Sige po kuya,” malakas na loob na sabi niya. "Baboy,” mahina padin nitong pang-aasar sa kanya. ‘Bwisit ang lalaking ito!’ Pinagdasal niya na sana makulong talaga ang lalaking ito! Pero nagpapasalamat din siya dahil nabalik sa kanya ang bag niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD