"Kap. naman, hindi ko ninakaw ‘yan!" nakangising sabi ng lalaking mais na panira ng gabi niya. Kung talagang wala lang siya sa barangay hall ay mababangasan niya ang mukha nito. Kanina pa niya gustong sampalin.
Nandito kasi siya sa barangay hall dito sa tondo dahil nga sa nangyari kanina. Sana ay nakauwi na siya pero dahil sa lalaking nasa harapan niya ay hindi pa siya nakakauwi. Baka nag-aalala na ang Lola niya sa kanya dahil hindi pa siya nakakauwi.
Grabe! Hindi pa kasi nito aminin na ito talaga ang nagtangkang magnakaw sa bag niya. Kaya pa naman niya itong patawarin kapag umamin lang talaga ito. Asar na asar na talaga siya.
Hambog talaga ang lalaking kaharap. Walang modo.
"Hoy! Lalaking mukhang mais! Mukha mo palang magnanakaw na,” sigaw niya sa lalaki.
"Alam mo Dak kilala naman talaga kita, lagi kang pasimuno ng gulo rito sa lugar natin. Pero… Miss, ako na nagsasabi sa ‘yo, ako ang paniwalaan mo. Hindi magnanakaw si Dak kung hindi ka kampante ibibigay ko ang buong pangalan niya para sa susunod na guluhin ka pa niya ay ako na mismo ang makakalaban niya,” sabi ng Kapitan sa barangay nila.
Masama siyang napatingin sa kapitan na mukhang kinakampihan pa nito ang lalaking nagtangkang magnakaw sa bag niya na ang pangalan ay ‘Dak’.
Hindi lang pala panget ang mukha nito pati ang pangalan.
“Karl Vincent Cairel ang pangalan niya,” sabi pa nito kaya natigilan siya.
Ang palayaw pala nito ang panget at hindi ang totoong pangalan. Sige babawiin niya ang sinabi na panget ang pangalan nito…
"Miss nabalik naman na ‘yang bag mo,” sabi ng Kapitan na parang wala lang.
Naiinis na tumayo siya at sinipa ang paa ng Karl na ‘yon. Pangisi-ngisi pa ito. Sirang-sira na ang gabi niya at may gusto siyang kulamin sa panaginip niya.
"Salamat Kapitan. Sinabi ko na ‘di ba? Hindi ako magnanakaw. Aanhin ko naman ‘yang bag mo?” tanong nito na para bang siya pa ang may kasalanan kung bakit ito ang pinagbintangan niya.
Bwisit, lagot talaga sa kanya si Eduardo bukas. Kasalanan niyo dahil hindi man lang nito siya hinatid para hindi na nangyari ‘to.
Alam naman nitong babae siya. Kahit pa bakla ito ay responsibilidad pa rin siya nito, hayop na ‘yon. Naiinis na talaga siya pakiramdam niya ay galit na galit siya at gustong dumapo ng kamay siya sa mukha ng kahit na sino.
"Miss hatid na kita. Hindi mo man lang sinabi ang pangalan mo."
Naiinis siyang humarap dito.
“Pwede ba?! Huwag mo na nga ako guluhin.”
“Arte mo, pasalamat ka nga at hindi nanakaw ‘yang bag mo,” bulong nito para mas asarin siya.
“Salamat ah, sana hindi ka makahinga ng maayos,” inis na sabi niya at tinalikuran ito at nagsimula na siyang maglakad.
Baka naman may makasalubong siyang tricycle na masasakyan niya pauwi.
Pero naramdaman niyang sinusundan siya ng lalaking sumira ng gabi niya.
“Bakit ba sunod nang sunod ka?”
"Grabe assuming ka. Bakit naman kita susundan?”
Tumalikod ulit siya sa lalaki para ipagpatuloy ang paglalakad pero sinusundan talaga siya ng lalaki. Hindi niya alam kung ano pa ang gusto ng lalaki sa kanya!
Panalo na nga ito dahil nagmukha lang siyang tanga sa harap nila Kapitan kanina dahil pinapamukha pa sa kanyang hindi kayang magnakaw ang lalaking nasa harapan niya na siyang kinaiinisan niya ng lubos.
‘Oh, my God baka pagsamantalahan niya ako!’
Napatingin siya sa paligid at matao naman kaya kahit papaano ay nakahinga siya ng maayos. Hindi siya magagalaw nito kapag ganito karami ang tao.
Hindi na siya nakapagpigil. Hinarap niya ito. Talagang sisigaw siya kapag hindi siya titigilan ng binata.
"Gago ka ‘no?! Bakit ba sunod ka ng sunod?!" inis na tanong niya.
Tumawa naman ito ng malakas at naglakad papalapit sa kanya. Ilang beses siyang umatras at gano’n nalang ang gulat niya nang lampasan siya nito, pero bumulong pa ito sa kanya.
"Miss daan ito pauwi sa amin. Assuming ka masyado, walang magnanasa sa ‘yo, katawan mo palang wala na,” sabi nito at iniwan na siya ng tuluyan.
Fuck!
Hindi talaga niya gusto ang lalaking ‘yon. Umuwi siyang masama ang loob at inis na inis. Nagpasalamat nalang niya na nakauwi siya ng matiwasay at tulog ang lola niya.
Buti hindi katulad ng mga nakaraang gabi na talagang hinihintay siyang umuwi para sabay silang kakain. Nakita niyang mahimbing na itong natutulog kaya hindi na niya inabala na gisingin. Mabilis lang siyang naglinis ng katawan para makatulog na rin dahil maaga pa ang pasok niya bukas at talagang gigisahin niya ang kaibigan.
Sana lang talaga ay hindi na sila magkita ng lalaking aksidente niyang nakaaway kanina dahil kung nagkataon ay talagang mag-aaway lang silang dalawa.
Sa lawak ng tondo at sa dami ng tao sa Manila sigurado siyang hindi na sila magkikita. Hindi niya gusto ang presensiya ng lalaki siguro dahil nakakatakot at nakakainis ang tindig ng lalaki.
Natulog siyang gustong kalimutan ang lalaking nakilala ngayong gabi.
Kinabukasan hindi niya pinapansin si Eduardo dahil talagang naiinis siya sa kaibigan, ito ang sinisisi niya. Naiinis pa rin siya do’n sa Dak na ‘yon. Grabe, hindi na talaga siya dadaan sa parteng ‘yon at iikot nalang para lang hindi maalala ang inis.
"Hoy bakla bakit ba kasi? Para kang tanga diyan, bigla nalang hindi namamansin. Wala naman akong ginawang masama sa ‘yo,” nagtatakang sabi ni Eduardo sa kanya.
Binigyan niya lang ito ng masamang tingin.
"Muntik na akong manakawan sa lugar niyo hayop ka!" sabi niya at inirapan ito. Dahil malapit-lapit ‘yon sa lugar nila Eduardo, kasalanan talaga nito.
Gulat itong napatingin sa kanya at napahawak pa sa bibig.
"Bakla muntik lang naman. Tsaka ligtas ka namang nakauwi ‘di ba?" sabi nito sa kanya at ngumiti, "libre nalang kita mamayang pananghalian."
"Eduardo may kilala ka bang Dak?" tanong niya dito. Sa dami kasing kakilala at kaibigan ni Eduardo ay baka kilala ito ng kaibigan.
Nanglaki ang mga mata ng kaibigan tapos namula ang pisngi nito. Kaya napakunot ang noo niya.
Nataranta nalang siya dahil biglang tumili si Eduardo.
"Hoy! Iisang Dak lang ang kilala ko," sabi nito at halatang kinikilig. Hinampas niya naman ito at tinakpan niya ang bibig nito pero alam niyang pinipigilan nitong tumili.
Ang landi talaga ng kaibigan niya.
"Siya ang nagnakaw sa bag ko,” masungit na sabi niya.
Naniniwala talaga siyang si Dak ang nagtakbo ng bag niya. Sa mukha palang nito, hindi na talaga mapagkakatiwalaan. Tapos ang yabang pa nito na akala mo naman ay sobrang gwapo.
Well, he’s handsome…
Mukhang tambay lang naman.
"Hoy! Itataya ko ang buhay ko pero sasabihin ko sa ‘yong hindi magnanakaw si Dak ‘no," sabi ni Eduardo kaya masama niya na naman itong tinignan.
Nagsimula naman niyang sabihin ang nangyari kagabi dahil gusto niyang maniwala sa kanya ang kaibigan na magnanakaw talaga ang Dak na ‘yon.
"Alam mo bakla, multuhin ka sana ni Aling Narda,” sabi ni Eduardo.
Napakunot noo naman siya dahil sa sinabi nito.
"Sinong Aling Narda? Kung sino-sino na naming tao sinasali mo," inis na sabi niya dito.
"Si Aling Narda. Nanay-nanayan ni Dak at syempre matagal na ako sa apartment ko sa tondo. Mas nauna pa akong tumira do’n bago ako nagkaroon ng trabaho dito. Si Dak, barumbado ‘yon pero hindi magnanakaw. Sa akin ka maniwala. Grabe, ang pogi no’n," kinikilig pa nitong sabi sa kanya.
Napairap naman siya dahil hindi naman siya naniniwala. Inis na inis talaga siya sa binatang ‘yon.
"Mayabang naman,” bulong niya pero narinig ni Eduardo.
"May mukha naman siyang dapat ipagyabang," sabi pa nito at tila mahal na mahal si Dak.
"Kadiri ka Eduardo. Tsaka mayabang pa rin siya para sa akin at ayaw ko ng gano’n.”
"As if naman magkakagusto siya sa ‘yo,” sabi nito at inirapan siya.
Malakas niya naman itong sinuntok dahil sa pang-iinsulto nito sa kanya.
"Gago ka ah! Maganda ako ‘no tsaka sexy ako,” mayabang na sabi niya at nakataas ang kilay.
Tinignan naman siya ng kaibigan mula ulo hanggang paa. Pinakita niya dito ang kamao niya. Ngumiti naman ito bago magsalita, “maganda't sexy nga pero ‘di pa rin naman magustuhan ni Emitt."
"Ano?" nanlaki ang mga mata ni Eduardo ng makita nila si Emitt na seryosong nakatingin sa gawi nila.
Kinakabahan siya dahil baka narinig nito ang pinag-uusapan nila ni Eduardo.
Napalunok siya ng ilang beses. Hindi pa siya handang umamin sa binata. Wala pa siyang naipon na lakas ng loob.
"Sinong hindi ko magustuhan?" tanong ulit nito. Tinapakan niya naman ‘yong paa ni Eduardo dahil kinakabahan talaga siya.
Kaya napatili ang kaibigan niya sa sakit bago magsalita.
"Ako… hindi mo ako magugustihan kasi nga dyosa ako masyado," sabi ni Eduardo kay Emitt.
Napangiti naman siya ng pilit sa sinabi nito para mabawasan ang kabang nararamdaman niya.
Umiling-iling naman si Emitt at pumunta na sa opisina nito bago magsalita.
"Magtrabaho na nga kayo puro kayo kalokohan," malamig na sabi nito kaya sinuntok niya si Eduard at tumawa ng malakas..
Grabe muntik na ‘yon.
"Mamaya pala dadalaw sa bahay ni Inang. May konting salo -salo. Punta ka ah. Magtatampo ‘yon,” sabi ni Eduardo at umalis para daw magtrabaho na.
Syempre pupunta siya para naman sa nanay ‘yon ni Eduardo. Tsaka parang nanay niya na rin ang ina ni Eduardo.
Ngayon ay ang trabaho niya muna ang iisipin niya dahil mahaba-haba pa ang araw na ito at sana lang ay hindi sirain ni Megan ang araw niya.
Hmm.