Chapter 64

2225 Words

Mag-isa siyang naghihintay sa labas ng gusali kung nasaan siya nagtra-trabaho. Hinihintay niya ang kaibigan niyang si Raula Mae kasi sabi nito ay susunduin siya. Gano'n pa rin. Sa nakalipas na ilang araw ay gano'n pa rin ang titig sa kanya ng mga katrabaho niya. Nasasanay na siya at hindi na lang niya pinapansin. Nilabanan niya ang hiya na nararamdaman niya dahil walang patutunguhan kapag magpapaepekto siya. Sa nakalipas na araw, hindi niya alam kung paano nakakayanan ng sarili niya ang ginagawa sa kanya ni Emitt. Hindi na siya nito pinapansin at para siyang ibang tao kung tignan. Napabuntong hininga siya at napahawak sa noo niya para pigilan ang sarili na isipin na naman si Emitt. Tama na! Sasaktan niya lang ang sarili niya ulit kapag kay Emitt na naman niya ibinigay ang isip niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD