Walang mapang-ahas na magsalita habang kumakain silang tatlo. Magkatabi si Katrina at Eduardo habang nasa harapan naman nila si Emitt na tahimik lang din naman. “Nasaan si Megan, Fafi Emitt?” tanong ng kaibigan niya kaya napairap siya. Mukhang guguluhin na naman ng kaibigan ang pagkakataon na makasama niya si Emitt kahit nga sandali lang ng walang Megan na umaaligid. Bwisit talaga ng kaibigan niya. “Kumuha siya ng isang linggong pahinga,” maikling sagot nito at hindi na nagsalita. Siniko naman siya ni Eduardo kaya kunot ang noong tinignan niya ito pero nginitian lang siya ng makahulugan ni Eduardo kaya nagtataka siya. “Tagal niyo na rin pala ni Megan, ‘no? Nakita namin ang pagpalit-palit mo ng babae pero itong katabi ko, hindi man lang umisa,” tumatawang sabi ni Eduardo kaya siniko ni

