Bumaba si Katrina sa sasakyan ni Dak at akala niya ay hindi siya tutulungan na tanggalin ang helmet na suot kaso naramdaman na lang niya ang kamay ng binata. Titig na titig siya sa gwapong mukha ni Dak at hindi niya alam kung bakit bumilis na lang ang pintig ng puso niya. Agad niyang iniiling ang ulo dahil hindi niya maintindihan ang naging reaksyon ng katawan dahil sa lapit ni Dak sa kanya. “Don’t move,” he said in a baritone voice. Napakaseryoso ng mukha ni Dak na para bang wala itong ugaling mapang-asar at laging nakangisi. Nang tuluyan na maialis ni Dak ang helmet ay lumayo siya rito. Para kasi siyang kakapusin ng hininga dahil sa lapit ni Dak at isama pa ang mabango nitong aroma na nanunuot sa ilong niya. Bakit ba ang lalaking nasa harapan ay sobrang bango?

