Chapter 22

1681 Words

“Kat gumising ka na, umaga na,” mahinang sabi ni Dak habang inuuga ang katawan niya. Tinalikuran naman niya ito dahil inaantok pa talaga siya. Alam niyang dito siya sa bubungan ulit nakatulog pero hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kaginhawaan at kaligtasan. Alam niya kasing hindi siya iiwan ni Dak dito ng mag-isa. “Limang minuto na lang,” inaantok na sabi niya. “Alas sais na ng umaga at maya-maya masakit na ang sinag ng araw,” mahina nitong sabi kaya naupo na siya. Sobrang makakatipid sila sa kuryente kapag nandito sila ni Dak natutulog sa bubong. Tama naman ang distansiya nilang dalawa at hindi niya alam kung bakit mabilis siyang nagtiwala na wala naman gagawin ito sa kanya na masama. Tsaka hindi naman siya parang mantika kung matulog kasi mabilis lang din siyang magising

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD