Tahimik siyang nakaupo sa bubong kung saan sila natulog ni Dak kagabi. Inaalala niya ang nangyari kanina sa kaarawan ng aso ni Emitt. Pansin niya ang hindi pagpapansinan ni Emitt at Megan kanina. Napakagat siya sa ibabang labi si Katrina bago nahiga sa bubong. May dala na siyang mattings, kumot at unan. Nangako siyang hindi na siya uulit pero ang sarap matulog habang nasa ilalim ka ng mga bituin. Malakas ang loob niya na hindi matulog sa kwarto niya dahil umuwi na si Eduardo dahil nga baka raw wala na siyang mauwian na gamit sa bahay niya. Sumang-ayon din siya dahil alam naman nila rito sa tondo. Talagang talamak ang magnanakaw. Hindi sana siya makakatulog dito para bababa rin siya mamaya dahil baka nga kung mapaano siya rito. Napapikit siya at inalala ang nangyari kanina. Sinisiko s

