Hindi ko maiwasan na mapatulala habang nakasakay ako ngayon dito sa TAXI pa uwi na sa bahay ko. Hindi maubusan ng tanong ang isip ko dahil sa nangyari kanina-- I mean, dahil sa sinabi ni Hermes sa akin. 'Hindi na kailangang magkita pa tayo.' 'Ayokong may tao akong naabala. Simula ngayon, hindi mo na ako kailangan pang alalahanin. Kaya ko na ang sarili ko-- kalimutan mo na lang na kilala mo ko at ganon din ang gagawin ko. Salamat sa oras mo. Wag mo na akong tawagan pa at ganon din ang gagawin ko.' "Bakit? "Na sambit ko na lang sa sarili ko at napansin ko pa na napatingin sa akin si Manong Driver gamit ang rear view mirror nitong TAXI kaya naman napangiti lang ako ng awkward tsaka bumalik na ulit sa pag iisip ko. 'Bakit naman kaya biglaan? May nasabi ba ako sa kaniya nung lasing

