EULY’s POV Nagising ako dahil sa bigat ng ulo ko, pakiramdam ko ay nabibiyak yun dahil sobrang sakit. Habang dahan-dahan akong bumabangon mula sa pagkakahiga ko, doon ko naalala na nag inom nga pala ako which is hindi ko naman talaga yun ginagawa. Basta hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari, ang alam ko lang ay kasama ko si Hermes. Teka, speaking of Hermes. Nasaan na kaya siya ngayon? Tuluyan na akong bumangon at napansin ko pa ang wall clock dito sa loob ng kwarto niya kung saan doon ko nakita kung anong oras na. Hindi ko maiwasan na mapalaki ang dalawang mata ko kasi mag a-alas otso na ng gabi. OH MY GOD! Mabilis ko na ding sinuot ang sapatos ko bago tuluyan nang lumabas ng kwarto niya. Ano bang nangyayari sa akin? Unang una, hindi ko naman ugali ang mag inom at magpa

